GGY 35: Wedding

131 5 0
                                    

<Johan's POV>

"Bro, gising na, ano ba, maligo ka na! malelate na tayo sa kasal ko!" nagising ako dahil sa bunganga ni Alden na sobrang inggay.

Inuuga na nga ako, sinisigawan pa ko sa tenga, aba hindi pa nakontento at kiniliti pa ang paa ko.

"Alden, ano ba naman bro, alas syete pa lang ng umaga, mamayang alas dyes pa kaya yung kasal mo!" reklamo ko.

"Syempre maghahanda pa tayo noh!" sagot nya sakin sabay taas pa ng kilay.

"Pwede patulugin mo muna ko, kahit isang oras pa bro, ayoko namang may eye bags ako mamaya!" reklamo ko sa kanya, saka tinakpan ng unan ang tenga ko.

"Bro, ako ang ikakasal hindi ikaw, saka matatakpan naman yan nang make up" kontra nya sakin.

Hindi na nga ako nakipagtalo, tumayo na ko at dumiretso sa CR, tutal hindi naman na ko mananalo sa kanya.

Nandito nga pala ako sa bahay nila Alden. After kasi namin mag-usap ni Maine, she told me na puntahan ko na si Alden dito, kaya dumiretso na ko.

Si Xhia naman, ayun, inaasikaso yung mga binilin ni Maine sa kanya.

Ewan ko nga ba, bakit parang samin talaga binibilin nitong si Maine si Alden. Pano kami magkakababy kung aalagaan namin si Alden?

Pagkatapos ko maligo nadatnan ko ang pamilyang Faulkerson sa dinning area at nag-aalmusal.

"Good morning po" bungad ko sa kanila.

"Oh, kuya Johan, tara na po almusal tayo" aya naman ni Rizza.

Umupo ako sa tabi ni kuya Daniel. Habang kumakain, hindi talaga maalis sa mukha ni Alden ang sayang nararamdaman nya ngayon.

Dahil halos kagabi ko pa sya kasama, alam kong sobrang excited na sya para mamaya.

Pero dahil alam ko na ang pwedeng mangyare, hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya.

"Bro, ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal! Parang sasabog sa saya yung puso mo, tapos hindi mo alam kung anong uunahin mo sa mga gagawin mo. Pakiramdam mo ikaw na yung pinakasikat na tao sa buong mundo, feeling mo lumulutang ka sa ere, grabe ang saya saya pala!" masaya nyang sabi ng bulabugin na naman nya ko sa pag-idlip ko.

"Oo bro, minsan nga magic tawag nila dyan sa feeling na yan, eh" sabi ko na lang.

At ang damuho, umupo na sa tabi ko at hindi na tumigil sa pagkukwento. Nahawa na ata to sa kadaldalan ni Maine, ah?

Nung nine na, umalis na kami sa bahay at pumunta na sa chapel.

Yung chapel, malapit lang din pala sa bahay nila Alden, pero itong isang to, akala mo matatraffic!!

Kami kami lang din yung mga bisita. Ako, kuya Daniel, at si kristoffer Martin lang ang kasama sa groomsmen. Si Xhia, Louise, at Rizza, naman ang kasama sa Maid of honors. Tatlong pares lang din ang ninong at ninang nila.

Hindi ganun kalaki, at medyo private wedding ang dating ng wedding nila, hindi halatang minadali lang.

Nung 9:30 saka nakumpleto yung  maid of honors at groomsmen, except sa asawa ko na malamang, hindi pa tapos mag-ayos, akala mo, eh, sya ang bride.

"Oh Johan, nakauwi na pala kayo, si Xhia nasan na?" salubong ni Louise sakin.

"Kasama yung bride malamang" sagot ko naman.

"Oh ano, magiging ninang na ba ko?" tanong nya ulit.

"Naku, hindi pa nga, eh! ang tagal pa ibigay" reklamo ko naman sa kanya.

"Ano ka ba, dadating din yan" sabi nya.

"SA TAMANG PANAHON!" Sabay naman naming sabi na kinatawa din naming dalawa.

Habang palapit ng palapit yung tinakdang oras ng kasal nila, patindi ng patindi yung kaba at takot na nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang awang nararamdaman ko para kay Alden.

Alas dyes na ng dumating si Xhia.

"Miss bridesmaid, nandyan na po ba yung bride?" tanong nung parang sister o madre.

"Ah, sister, wala pa po, eh, pinauna nya na ko, pero bihis na po sya pag-alis ko" sagot nya.

"Sige, baka malapit na yun, magsi-ayos na po tayo" sabi nila.

Kaya naman nagpunta na kami ni Alden sa tapat ng altar.

"Bro kinakabahan ako, grabe" sabi ni Alden sakin habang nakangiti at punas pa ng punas ng pawis nya.

Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko nga sya matignan ng diretso, eh. Hindi ko talaga maimagine na yung ngiting nakikita ko sa mukha ng kaibigan ko ay mapapalitan ng mga luha minuto lang ang lilipas mula ngayon.

Halos 20 minutes na kaming naghihintay sa pagdating ni Maine.

"Bro, wala pa ba? teka, kausapin ko nga muna si Xhia" sabi nya saka sya pumunta kay Xhia. Kaya sinundan ko naman.

"Xhia, nasan na sya?" tanong agad ni Alden.

"Hindi ko din alam, pero kasi pinauna nya ko, eh, pero bihis na sya nung umalis ako" sagot naman nito.

Hindi muna kami bumalik sa altar at sa may pinto na muna naghintay. Kinucontact na din namin sya, even si Alden tinatawagan na sya. Pero hindi na nya sinasagot ang phone nya.

Lumipas pa ang 30 minutes nagsi-upuan na yung ibang bisita, sila tito, kuya Daniel, Louise, Rizza, at Kristoffer naman, lumapit na samin para magtanong.

"Anong nagyayare?"-tito

"Malapit na ba sya?"-kuya Daniel

"Pati ba naman si ate Maine hindi pinatawad ng traffic? kahit ngayon lang?"-Rizza

"Tinatawagan ko na rin si Maine, pero nagriring lang yung phone nya!"- Louise

"Bro, chill, relax, baka naipit lang sa traffic yung soon to be wife mo" sabi naman ni Kristoffer kay Alden na halatang nag-aalala na.

"Xhia, nagrereply ba sayo?" tanong ni Alden, pero iling lang ang sinagot ni Xhia.

"Ah, grabe nga siguro ang traffic, pati ang ikakasal hindi pa pinatawad" sabi ko naman.

"Ahm, siguro naiwan lang ni Maine yung phone nya kaya hindi nya masagot yung tawag natin. For sure she's on her way here na" sabi naman ni Xhia.

"Oo nga, antayin pa natin" sabi naman ni Louise.

Naghintay kami hanggang sa magdadalawang oras na ang lumipas.

"Xhia?" nag-aalala nang tawag ni Alden sa pangalan ni Xhia.

Halata namang si Xhia, eh, naaawa na kay Alden dahil sa mga nangyayare.

"Ah, jiho, dadating pa ba yung bride?" tanong ulit nung madre kanina.

"Opo, sure po ako dun, hintayin pa po natin ng konti" sagot naman ni Alden.

Itong si Louise at Kristoffer naman tanong pa ng tanong samin. Ang dami nilang tanong, ni hindi na nga kami magkanda-ugaga sa pag-aalala sa feelings nitong si Alden, eh.

Dahil ang kasal ay inaabot lang ng mahigit isang oras, hinintay pa namin si Maine hanggang sa mag 12:30 na.

"Ah, anak, kasi, may mga gagawin pa yung ibang ninong at ninang nyo, so nagtatanong sila, baka pwede na daw sila mauna" biglang tanong ni tito kay Alden.

Si Alden naman, tinignan kami ni Xhia na parang nagtatanong kung pag-aantayin pa ba sila o wag na.

"Sige na po" sabi nya.

Kaya wala ng ninong at ninang, kaming mga groomsmen at maid of honors na lang ang nandito

"Ah, jiho, kasi magkakasal pa si father eh, mauuna na kami, ah" paalam nung madre.

Tumango na lang si Alden.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon