GGY 49: Party

183 5 0
                                    

<Louise's POV>

Isang linggo pa lang mula nung makabalik sila Maine at Alden.

Ang daming ganap mula nang nakabalik sila. Akalain nyo bang tanggap na ng family Mendoza si Alden with an open arms?

Kaya ayun, dun muna sila tumira kila Maine. Kasama sila tito Richard, kuya Daniel at syempre si Rizza.

Oh diba, one big happy family na ang family Faulkerson at Mendoza?

Ganda pakinggan, ah!

And kahapon naman, naganap na ang pinakabongang binyag na inorganize pa namin ni Kristoffer mismo para sa ina-anak namin.

Ang dami ding ganap, muntik pang madiscover yun ng media. Buti magaling kami magtago ni Kris, kundi patay kami kay Alden.

It's an iron man inspired binyag, syempre big time ang mga kumare at kumpare namin.

Unang una syempre ako sa listahan, Xhia, ate Marian Rivera, Kim Rodriguez, Bea Binene, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Lexi Fernandez, Jennilyn Mercado, and Joyce Ching.

Oh diba, bata pa lang ang ina-anak ko alam na ang future.

Ninong naman, syempre first on the list yung kasama kong nag-organized, si Kristoffer, Derrick Monasterio, Elmo Magalona, Pythos Ramirez, Kiko Estrada, Rocco Nacino, Ken Chan, Kuya Daniel, Jeric Gonzales at si Kenneth Medrano ng that's my bae.

Oh diba, naka-aircon kami pagdating sa reception, pero ang init pa rin ng pakiramdam ko. Ang hot kasi nang mga kompare ko, eh, chos!

Charot, ang landi lang Louise?!!!

Pero seryoso, ang pogi pala ni Kenneth, hahaha charing.

Nandito nga pala ko sa Network.

May inaayos kasi kaming party, thanks giving party ng GMA network para sa mga artists at yung ibang mga artist nakikitulong na rin.

"Louise, kayo na ang bahala magdala kila Alden at sa family nya dito bukas ng gabi, ah" bilin ng isa sa mga big boses namin.

"Opo sir, kami na ni Kristoffer ang bahala sa kanila" sabi ko naman.

"Dapat mauna muna nating nadala yung parents nila saka mga kapatid, para hindi sila maghinala kung bakit invited lahat ng member of the family nila" paliwanag ni Kris sakin with matching hand gestures pa..

"Okay, kuha ko na, pano, ikaw na bahalang kumausap sa kanila" sabi ko kaya pinanlakihan nya ako ng mata.

"Oh bakit ako?" reklamo nya.

"Bakit, sino nagsuggest?" tanong ko naman.

"Ako!" he answered.

"Oh, so kung kaninong suggestion, sa kanya ang gawa"

"Ang daya mo rin, ah, tayong dalawa na kasi" reklamo nya na naman kaya, ayun pumayag na ko.

Baka mapikon sakin, iwan pa ko nito dito, mahirap na, mahirap mag-isa noh!

<Alden's POV>

"Chard, Tignan mo si Reyn, parang gustong gusto talagang sumama sa party, hindi pa rin tulog oh" sabi ni Maine habang binibihisan si Reyn na tahimik na nilalaro yung tsupon nya.

Pupunta kami sa isang event kung saan special guest daw halos lahat ng kumare at kumpare namin. Inimbita kami ni ate Marian, eh, nakakahiya tumanggi.

Isa pa, pinadalhan kasi ni ate Jennilyn ng isusuot si Reyn, kaya hindi na kami nakatanggi.

"Ah, love, nasan nga pala yung mga kasama natin dito sa bahay?" tanong ni Maine habang nagme-make up sya.

"Si dad, tulog na, ganun din sila nanay at tatay. Si Kuya may date daw. Si Rizza, may lakad kasama ang mga barkada nya. Sila ate Nikki, umuwi muna sa bahay ng byanan nya. Si ate Coleen nag date din sila ng asawa nya. Si Kuya Nico at Dean manunuod daw ng basketball" sagot ko habang inaayos yung damit ko sa tapat ng salamin.

Sakin kasi sila nagpaalam, eh, that's why I know.

"Ah, so walang kasama sila nanay, tatay at daddy dito?" tanong nya.

"Don't worry, uuwi din naman tayo agad, eh" sagot ko na lang.

Naka black pants at simple v-neck white shirt lang ako na nilagyan ko lang nang amerikana, at tinernohan ko ng white shoes.

Si Maine naman, naka simple long gown na color yellow na may glittery design sa bandang bewan at tinernohan nya ito nang flat sandals na color silver.

At syempre, ang gwapo kong anak ay lalong gumwapo dahil sa grey amerikana suit nya.

"Chard, tara na, baka malate tayo, nakakahiya" Aya ni Maine sakin.

Dinala ko yung kotse ko, pero nasa passengers seat ang mag-ina ko, mahirap na.

Pagdating namin, sa venue, nakaakbay ako kay Maine, hanggang sa makarating kami sa may front desk kung nasan nandun yung guest list.

Iniwan ko sila sandali sa likod ko, pero pagpasok namin sa mismong venue, napaatras ako sa nakita ko.

"Aray, Chard bakit?" tanong nya, naatrasan ko kasi sila.

Pero hindi ko naman natapakan yung paa nya. I'm sure, kahit na hindi ako nakatingin sa kanila.

Tinignan nya yung tinitignan ko kaya tinignan ko na sila saka ngumiti.

"Let's go home?" mahina kong aya sa kanya.

I was about to turn my back nang hilahin nya ko.

"San ka pupunta?" she asked na parang natatawa.

"Love, madaming reporters sa loob, sigurado ako dun. Ayoko namang pati kayo ni Reyn madamay sa magulong mundo ng showbiz, kaya hindi ko kayo ipakikilala sa kanila. Not even for the sake of Reyns God parents" sabi ko sa kanya.

Nginitian nya lang ako.

"Chard, mula nung naging tayo, ikaw na yung laging nag-aadjust para sakin, ngayong mag-asawa na tayo, ako naman" she said then gave me a sweet smile.

Bakit ba parang ang dali lang ng lahat para dito sa asawa kong to?

"Pero, pano na yung private life mo, yung private life na gusto natin para kay Reyn?"

"Mula nang sagutin kita, alam ko na na if ever magtagal tayo, kakailanganin ko ring gawin to. Kaya ready ako, don't worry, masasanay din kami" she said.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si ate Marian at kuya Dingdong.

"Oh, Maine, Alden, bakit hindi pa kayo pumapasok?" tanong ni kuya Dong.

"Hi inaanak!!" sabi bigla ni ate Marian, kay Reyn na busy laruin yung kamay nya.

"Ito na nga po, eh!" sagot ni Maine saka na ako hinila papunta sa table namin.

Pagdating namin sa loob, kasama namin sa table sila Kristoffer, Jeric, Derrick, Bea, Louise, at Joyce.

"Oh, buti nakapunta kayo at nadala nyo rin ang inaanak namin" masayang sabi ni Joyce na katabi ni Maine.

"Guys, bakit hindi nyo naman sinabi na party to ng mga GMA artists?" tanong ko agad sa kanila.

"Chill bro, it's is boss Vic's decision not to tell you" sagot ni Jeric.

"Alam nya kasing hindi ka pupunta kapag sinabi namin yung totoo" sabi naman ni Louise.

"Pano, papakilala mo na ba sila?" bulog ni Derrick.

"Hindi ko pa alam bro, gusto ko yung showbiz, and I'm so thankful na payag silang bumalik ako after being away for two years ng walang pasabi, pero iniisip ko yung pamilya ko, eh!" sagot ko ng hindi pinaparinig kay Maine na busy laruin ang anak namin kasama ang iba pa nitong mga ninang.

"Bro, once naging artista ka, wala ka nang maitatago sa mga tao, lalo na sa mga fans mo. Hindi mo sila pwedeng itago habang buhay." sabi ni Kristoffer.

"Lalo na't may future ang inaanak namin" sabi naman nitong si Jeric.

"Oo nga, mana mana lang" pagsang-ayon naman ni Derrick

"Tigilan nyo nga ang anak ko,tumahimik na kayo, mag-uumpisa na!" saway ko sa kanila.

Mga baliw tong mga to, gusto pa papasukin din sa showbiz ang anak ko, asa!!

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon