GGY 31: Together

125 5 0
                                    

<Alden's POV>

"Good morning Chard!" bati ni Maine sakin, hindi ko pa man minumulat ang mga mata ko, ramdam ko na na magiging maganda talaga ang buong araw ko.

Sino ba namang hindi magiging maganda ang umaga kung yung nagpapaganda sa buong araw mo ang una mong makikita sa pagmulat ng mata mo?

"Good morning Love" bati ko din.

"Halika na, breakfast na tayo!" aya nya, saka ako hinihila sa braso para tumayo na ko.

Hinila ko naman bigla yung braso ko pabalik, kaya naman natumba sya sa dibdib ko.

"A-aray, ano ba yan" reklamo nya, pero pinulupot ko lang yung mga braso ko sa leeg nya.

"Sila dad?" tanong ko habang nakapikit pa rin ang mata ko.

"Pumasok na! kaya tara na, kain na tayo, gutom na ko, eh!" reklamo na naman nya.

"Pwede bang ganito lang muna tayo kahit sandali lang" hiling ko, buti pumayag sya.

<Maine's POV>

Nakayakap sya sakin habang naka-unan ako sa dibdib nya.

"Kung tuwing umaga ganito, hihilingin ko na lang na sana wala ng tanghali, hapon at gabi, sana umaga na lang palagi" sabi nya.

Napaisip tuloy ako, kung tuwing umaga ganito, ayoko na ring matapos yung umaga. Hindi ko sya gustong iwan, pero hindi ko sya gustong masaktan.

Kinagat ko na yung lower lips ko para lang mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

'Gusto ko araw-araw ganito tayo, pero hindi na yata ito mauulit' gusto kong sabihin sa kanya yung mga salitang yun, pero hindi ko kayang magsalita kaya nanahimik na lang ako.

"Chard, kelan mo gustong magpakasal?" tanong ko sa kanya, hindi ko sya nakikita pero halata ang pagkabigla nya sa tanong ko dahil sa paggalaw ng mga kamay nya.

"Huh? nagmamadali ka ba love? bakit mo naman natanong yan?" sunod sunod tuloy nyang tanong sakin.

Umupo ako ng maayos at humarap sa kanya.

"Pwede bang ngayon na?" tanong ko sa kanya.

Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Love, gutom lang yan, let's have breakfast na, tara!" aya nya.

Tumayo sya at inalalayan akong tumayo.

Bumaba kami para magbreakfast, pinagsilbihan pa nga nya ako, eh.

Habang kumakain, ramdam ko ang pagsulyap-sulyap nya sakin.

Pagkatapos naming kumain, nagprisenta sya na sya na ang maghuhugas, kaya nagpunta na lang ako sa labas.

Umupo ako sa gutter sa tapat ng gate.

Nakatingin ako sa kawalan at nagmumuni-muni kaya hindi ko naramdaman ang pag-upo ni Chard sa tabi ko.

"Gusto mo na ba talaga magpakasal?" tanong nya bigla.

Tumingin ako sa kanya, kaya napatingin din sya sakin.

"Ayaw mo ba?" malungkot kong tanong.

"Kung ayaw ko, edi sana, hindi na ko bumili ng wedding ring natin" sagot nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong.

"Kelan mo gustong magpakasal?" tanong nya.

"Bukas na!"sagot ko naman agad.

"Love agad agad? hindi ba pwedeng sa linggo na lang?" tanong nya.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon