GGY 16: Leaving

142 6 0
                                    

<Maine's POV>

Nang makararing kami sa terminal 2, sakto wala masyadong tao.

Ang problema lang hinarang na kami.

"Sandali lang po ma'am, bawal po pumasok ang walang passport at ticket" saway ng bantay.

Anak ng walang matres na tupa nga naman,

"Teka lang kuya, may titignan lang naman po ako sa loob" pagmamakaawa ko naman.

Nagteteary eyes na nga ako, wala paring epek, eh....

Napaka walang puso naman ng guard na to...

"Ma'am pasensya na talaga, hindi po talaga kayo pwede pumasok" sagot naman ni kuya guard.

Lalo na kong pinanghihinaan dahil sa tigas ng puso ng guard na to, ah...

"Ah, mawalang galang na, ako ang tatay ng babaeng yan, yung fiance nya kasi nasa loob, and pupunta ito ng London, nag-aaway kasi sila kaya gusto magsorry ng anak ko" paliwanag ni tatay, pero matigas pa rin yung guard.

Kinukulit ko na nga, eh, ayaw pa rin.

Sinabi ko na nga na nakasalalay sa kanya ang love life ko, wala pa rin, nakakainis na sya.

"Ah, tito, fiance sya ni Alden, papasukin mo naman na sya please" biglang sulpot ni Johan kasama si Xhia.

Tito ni Johan tong walang pusong guard na to?

Weh?!

Ah, by the way, hayaan mo na!

Please naman, sana makinig sya sa pamangkin nya.....

"Johan, kaibigan mo ba sya?" tanong nung guard kay Johan habang nakaturo sakin. Tumango naman ito.

Ano ba yan ulit ulit?

Tinignan nya ko bigla.

Mula ulo hanggang paa pa, ah, problema nito ni kuya?

Aba akala ata niya, malandi at kaladkarin ako kaya hindi ako dapat maging kaibigan ng pamangkin nya?

Wow naman....

"Sige na, dalian nyo lang, mabuti na lang at walang gaanong tao. Baka mawalan pa ko ng trabaho, eh" sagot nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Naku naman, salamat po, maraming salamat po talaga" natutuwa kong sabi saka na ko tumakbo papasok sa loob kasama si Xhia.

"Ms. nasan po yung flight papuntang London?" tanong ko agad sa information.

"Ahm, ma'am I'm sorry po, pero nakaalis na po yun mga limang minuto na po ang lumipas" magalang na sagot sakin nung babae.

Dahil dun halos hindi magkandaugaga sa pag uunahang lumabas nung mga luha ko. Sorry Alden, I'm so sorry!

"Seriously?!" tanong ni Xhia, malungkot namang tumango ulit yung babae.

<Johan's POV>

"Xhia, what happened?" tanong ng tito nya pagkapasok namin.

Lumapit ako sa kanya, agad namang hinawakan ni Xhia ang kamay ko at nakasimangot na tumingin sakin saka tinignan ang ponsan nyang hindi na tumitigil sa pag-iyak.

"Nakaalis na po kasi yung plane tito" malungkot na sagot nya.

Nalungkot tuloy kami para kay Maine na nakatingin sa waiting area habang patuloy sa pag-iyak.

"Cauz?" tawag ni Xhia sa kanya, pero parang wala syang naririnig.

"Maine, anak?" tawag din ni tito sa kanya, pero ganun din.

"Baby, nabingi na ata si Maine?" bulong ko kay Xhia, kaya nakatanggap ako ng malakas na siko sa tyan ko.

"Aray, 'ata' lang naman ang sinabi ko, eh!" reklamo ko agad habang hawak ang parte ng tyan ko na siniko nya.

Nagulat na lang kaming tatlo ng tumakbo si Maine papunta sa waiting area.

"MAINE!" sabay-sabay naming sigaw saka sya agad hinabol.

Pero hanggang sa may mga upuan lang kami, pinapanuod sya habang hinahanap si Alden sa bawat sulok ng upuan at pintuan papunta sa arrival area.

"Maine" mahinang tawag ni Xhia sa pangalan ng pinsan nya.

Pinanuod namin syang umiiyak habang parang baliw na hinahanap si Alden sa bawat upuan. Hanggang sa mapagod sya at maupo sa isa sa mga upuan na nandun.

Lumapit na kami sa kanya, habang tumatagal kami rito parang lalong tumitindi yung iyak ni Maine.

"Couz? uwi na tayo?" alok ni Xhia nang hawakan nya ang balikat nito

Pero tinignan nya lang kami.

Hindi ko alam kung anong nasa isip nya, pero ngayong nakikita ko sya, alam kong sobra syang nasasaktan sa mga nangyayare.

"Hindi na ba sya babalik? iniwan na ba talaga nya ko? ayaw nya na ba sakin? pagod na ba sya?" sunod sunod nyang tanong samin.

Umupo si tito sa left side nya while si Xhia naman umupo sa right side nya.

"No anak! may mga kailangan lang syang asikasuhin kaya sya umalis." sabi ni tito sa kanya while tapping her shoulder to make her calm.

"Sure akong babalik yun, babalikan ka nya, hindi yun mapapagod sayo, ngayon pa ba?" sabi naman ni Xhia habang hawak naman ang kamay nito.

"And Maine, ginagawa nya to for the both of you" dagdag ko naman.

Hindi naman na sya nagsalita, pero patuloy pa rin sya sya sa pag-iyak.

Hay naku Alden, kung nakikita mo lang sya ngayon, panigurado, mag-iiyakan kayong dalawa dito, baka hindi ka na tumuloy sa pupuntahan mo.

Maya-maya lang, inaya na namin syang umuwi.

Niyaya sya ng tatay nya na doon muna sya tumuloy sa bahay nila, pero sabi nya mas gusto nya sa unit nya.

Kaya ang ending, sinamahan na namin sya ni Xhia sa unit nya. Baka daw kasi kung ano pang maisipang gawin sa sobrang lungkot.

<Maine's POV>

Nakatulog na dito sa tabi ko si Xhia, pero ako, hindi pa rin makapikit, dahil kung tutuusin, ako pala talaga ang may kasalanan kung bakit kami nauwi sa ganito ni Alden.

Sinubukan ko syang tawagan, pero nakapatay na yung phone nya. I leave some message para incase mabuksan nya ang phone nya, mababasa nya.

"Lucky I'm sorry for not letting you explain your side. It's all my fault, hindi ako marunong makinig, sinundan kita sa airport, pero nakalipad na yung eroplano. Sana tawagan mo ko agad pagkabasa mo ng text ko. Namimiss ko na ang boses mo, eh. I LOVE YOU, magiingat ka dyan" sent.....

I can't imagine my life without him, knowing na hindi nya talaga ako niloko.

"Lord, pag nagreply or tumawag sya sakin, ibig sabihin sya na po talaga ang binigay nyo para sakin" bigla ko na lang nabulong habang nakatingala.

Sana matanggap nya, at sana hindi sya galit sakin.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon