GGY 20: Down

126 6 0
                                    

<Xhia's POV>

"Babe, nakakapanibago ka" biglang sabi ni Johan sakin pagdating nya dito sa tabi ko galing kitchen, kumuha lang ng maiinom.

Nandito kami sa bahay nya while planning for the wedding.

"Huh? bakit naman?" walang gana kong tanong.

"See, wala kang gana, may problema ka ba babe?"tanong nya na naman.

"Babe, naawa na kasi ko kay Maine! ewan ko ba sa pinsan kong yun, pwede namang pansinin nya na lang si Alden para hindi sya nahihirapan ng ganito. Ayan tuloy, pati yung trabaho nya naaapektuhan na!" sagot ko naman.

"You know what, malapit na syang umuwi, ikakasal na din sana sila, kaso nangyare na to. Naaawa din naman ako kay Maine, pero mas naaawa naman ako kay Alden. He did what he did for the girl he love, pero bigla na lang yun nawala! kaya panigurado sobrang sakit nun para sa kanya" paliwanag nya.

Napaisip ako, kung side lang ni Maine ang tinitignan ko, ang unfair ko nga as Alden's friend.

Tama nga si Johan, mas narealize ko yung sakit na naidulot ng mga pangyayare kay Alden.

"Kaya lalo akong naaawa sa dalawang yun, eh, parehas silang nahihirapan dahil sa pagkawala nang isa't isa" sabi ko dito sa lalaking katabi ko.

"Pero parehas silang nagmamatigas at nagtitiisan" dagdag nya na sinang-ayunan ko naman.

"Dadating kaya yung brides maid ko sa kasal natin babe?" tanong ko sa kaya.

"Oo naman, hindi ka naman matitiis ng pinsan natin na yun eh. Ang tanong dapat dyan, kung may best man ba ko sa kasal natin?!" sabi nya.

"You know what babe, sana marealize na nila, as in ngayon na, na they really need each other!" sabi ko pero hinimas nya lang ako sa braso.

Hay naku, kawawa talaga yung beloved cousin ko at yung beloved best man ng mapapang-asawa ko.

"Teka, nakakausap mo si Alden diba babe? ano, kamusta na daw ba sya? kelan daw ba talaga sya babalik? sabi nya five to six months lang sya dun?" sunod sunod kong tanong.

"Okay sya, sa totoo nyan, his on his way home" sagot nya na kinagulo ng utak ko.

"What do you mean? Nandito na sya sa Pilipinas? kelan pa?"

"Chill babe, wala pa, pauwi pa lang, basta, kanina bago ka dumating dito tumawag sya, sabi nya uuwi na sya. I'm not sure kung nasa airport na ba sya nun o kung magpapbook pa lang sya ng flight or ewan" paliwanag naman nya.

"So susulpot na lang sya ng hindi natin alam, bigla? sa kung saan? ganun ba?" tanong ko, tumango lang naman sya.





"Lea, si Maine?" masigla kong tanong pagdating ko sa tapat ng office ni Maine.

"Ms. Xhia, kanina pa po nakaalis si Ms. Maine, eh!" sagot nya.

Kinuha ko agad yung phone ko, nagtext pala sya.

"Couz, dumiretso na ko sa bar ni Thine, sumunod ka na lang, tagal mo kasi, eh!" sabi nito.

Wow, sya na nga magpapasama nag-inarte pa.

"Okay na, Thanks Lea, umuwi ka na, bukas mo na yan tapusin" paalam ko kay Lea, pero nginitin nya lang ako.

Kaya pupuntahan ko na lang yung pinsan ko.

Pagdating ko sa bar, nakita ko si Maine sa kasuluk sulukan nung bar.

"Couz, ano, buhay ka pa? nakaka-apat ka na oh" sermon ko agad pagka-upo ko sa harap nya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa hotel, pano na, mawawalan kami ng mga investors pag wala akong nagawang paraan para mapataas ang sales ng hotel within one week" naiiyak nyang sabi.

Dinramahan nya lang ako habang nag-iinuman kami. Iniyakan, hiningian ng advice at kinuwentuhan, pero hindi nya talaga nababanggit si Alden. So ano to? kinakalimutan nya na talaga si Alden?

"Ah, couz, si Alden pala......" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko sumingit na sya agad.

"Oh, I need to go to the comfort room, excuse me couz" she said then leave.

Okay, hindi halatang umiiwas sya.

Dahil medyo tipsy na yung kasama ko, tumawag na ko ng tulong. I texted my boyfriend and told him na puntahan kami dito.

After an hour wala pa rin si Maine, pati yung jowa ko. Seryoso silang dalawa? pag-antayin ba ko ng isang oras dito? lagot talaga yung dalwang yun sakin......

"Anak ng tokwa, nilamon na ata ng bowl si Maine, at nasagasaan na ata yung jowa ko!" inis kong bulong sa sarili ko.

Pero after ko ibulong yun sa sarili ko, may kumiss sa chicks ko bigla.

"Sorry babe, ang dami ko pang ginawa, eh" salubong sakin ni Johan.

"Oh, nasan na si Maine?" tanong nya pag-upo nya sa upuan ni Maine kanina.

"Nag C.R" sagot ko. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa habang wala pa si Maine.

Medyo napasarap ang pagkukwentuhan namin nang mapansin kong wala pa rin si Maine.

"Teka nga, umuwi na ba si Maine?" tanong ko dito sa kasama ko.

I decided na hanapin sya sa C.R. at ipagtanong na muna sa mga staff kung nakita ba nila sya.

Pero wala sya sa C.R at kung saan saang parte ng bar, pero hindi ko sya nakitang umalis.

Inaya ko si Johan na puntahan si Maine sa unit nya to check kung nandun na ba sya. Pero wala pa.

Tinawagan ko si ate Nikki and asked kung napadaan ba si Maine sa bahay nya, pero hindi daw.

Si Kuya Nico naman, hindi din daw pinuntahan ni Maine.

Si ate Coleen at Dean hindi din nya pinuntahan, so saan pupunta yung baklang yun?

"Babe nag-aalala na ko!" sabi ko kay Johan.

Nandito pa rin kami sa building ng unit ni Maine, hoping na umuwi na sya.

Tinawagan ko lahat ng pwedeng puntahan nya, pero hindi sya pumunta sa mga yun. I even call her old friends. Pero wala talaga.

Kakaisip ko kung nasan napunta yung lakwatsera kong pinsan, biglang tumawag si Thine.

"Oh, Thine, bakit?" tanong ko ng masagot ko ang tawag nya.

"Xhia, nakita kasi nang isa sa staff ko yung car ni Maine na nakapark sa tapat ng bar, can you check kung kanya yun?" she said.

Agad naman kaming pumunta ni Johan doon to check kung tama nga yung sinasabi nung staff ni Thine.

"Ito nga!" initial reaction ko ng makita nga ang kotse ni Maine na nakapark doon.

"Kung nandito yung kotse nya, san sya nagpunta?" tanong nitong kasama ko, tinignan nya pa yung ilalim nung kotse, baka daw nandun si Maine.

I check the cars door on the drives seat and nagulat ako nang makita yung susi sa lapag.

"Susi ng kotse at bahay nya to" I said pagkapulot ko dun.

Agad namang lumapit si Johan sakin.

"Nakidnap sya?!" nagtatakang tanong nya.

Pumasok kami agad sa loob para magtanong kung may CCTV ang parking area na yun, and luckily meron.

"Pwede ba naming makita yung footage between 11:00 pm to 12:30 in the morning?" tanong ni Johan.

Nung una nag-iinarte pa yung nandun sa CCTV chuchu room, hindi ko alam tawag, eh, basta ayun. Pero nung tinawagan namin si Thine, pinakita din samin yung footage.

"SHOCKS!! Babe nakidnap nga sya!" naiiyak kong sabi kay Johan habang nakakapit ng mahigpit sa kanya.

"Ireport na natin agad to sa police" sabi agad ni Johan.

Tinawagan ko naman agad sila ate Coleen para sabihin ang nangyare.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon