GGY 12: Their LIES

149 7 0
                                    

<Maine's POV>

After namin mag-usap ni Alden about what nanay told me the other day. I already made my decision, and that is to marry him, whether my nanay wanted or not.

Saka ano ba yun, matagal pa naman yun, ikakasal muna sila ate Coleen bago kami.

Inaayos ko na yung gamit ko para makabalik na ko sa unit ko mamayang gabi, nang kumatok si kuya.

"Oh, kuya, bakit?"

"Akala ko ikaw ang pinuntahan ni Alden dito? nasan sya?" tanong nya sakin.

"Huh? nandito po si Alden? kelan pa?" nagtataka kong tanong.

"Mga mahigit 30 minutes na rin, nandyan pa kaya yung sasakyan nya" sagot nya.

Napaisip naman ako.

Anong ginagawa nya dito?

Is he going to asked for my nanay's blessing?

"Nakita mo na ba sya kuya?" tanong ko sa kapatid ko na nagkakalkal ng kung ano

"Hoy, ano bang hinahanap mo dyan?"

"Hindi ko pa sya nakikita, pero sabi ni manang hinahanap nya si nanay" sabi nya.

"Okay, so ano ngang hinahanap mo sa cabinet ko?" ulit ko na naman sa tanong ko sa kanya kanina.

"Ah, wala, yung panyo ko lang, wala kasi sa lagayan ko, teka, aalis ka na ba?" tanong nya din sakin.

"Oo mamaya after dinner" sagot ko naman.

"Ah, sige labas na ko" paalam nya sakin, saka na nagmadaling lumabas.

Iniwan ko naman na yung maleta ko na katatapos ko lang ayusin para hanapin si Alden.

Una kung pinuntahan yung room nila nanay at tatay.

"Tay, si nanay?" tanong ko ng maabutan ko si tatay na naglalaptop sa bed nila.

"Ewan ko, lumabas kanina pa, ah" sagot nya, kaya umalis na ko, I try to search for him everywhere, pero hindi ko sya makita. Paglabas ko nandun pa nga yung car nya, pero wala naman sya dun.

"Ah, manang, nandito daw si Alden?" tanong ko dun sa maid na nagwawalis.

"Opo ma'am, kausap po nya ang nanay ninyo" sagot naman nya sakin.

"Ah, nasan po sila?"

"Nasa may garden po" sagot nya, kaya agad naman akong pumunta sa may likod ng bahay.

Habang naglalakad ako, wala akong marinig na nag-uusap, I began to doubt kung nandito nga ba sila.

Pero bigla akong may narinig na nagsalita.

"Ang usapan, tulungan mo lang sya kalimutan yung ex nya, hindi ko sinabing ligawan mo sya at pakasalan!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Ano ba sa mga pinag-usapan natin ang hindi mo naintindihan?" tanong ulit nito.

"Ano ba ang gusto mo? bakit kailangan mo pa syang pakasalan? Iwan mo na sya kung ayaw mong masira sa kaya" sabi na naman nya.

Alam kong mali makinig sa usapan ng iba, pero may maliit na boses sa utak ko na nagsasabing dapat ko tong pakinggan.

"Layuan mo na sya, dahil kahit anong gawin nyo, hindi ako papayag na ikasal kayo" sigaw nya na mas malakas pa sa kanina.

"Pero mahal na mahal ko na sya" sagot ng,

'Teka lang, kaboses nya si Alden' sabi ko sa sarili ko, kaya lalo pa akong nacurious sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Mahal mo na? Bakit sa tingin mo pag nalaman nya ang totoo mamahalin ka pa nya?!" tanong nito.

"Hoy Mr. Alden Richards, para sabihin ko sayo, pinakiusapan kita ng maayos, kaya dapat ka lang sumunod, dahil tumupad ako sa pinag-usapan. Ngayon kung kailangan mo ng pera, kahit magkano bibigyan kita, layuan mo lang ang anak ko" sabi nya.

Napatayo halos lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa narinig ko, at ito din ang nagpanginig sa mga tuhod ko, kaya napaluhod na lang ako at napahawak sa dibdib ko, na parang any minute puputok o sasabog. Pakirandam ko, nalaglag ako sa bangin na may mga ahas na naka-abang sa ibaba nito.

"Maine, anong ginagawa mo dyan?!" biglang tanong ni ate Coleen na hindi ko alam kung san nanggaling.

Hindi ako sumasagot, tinitigan ko lang sya.

"Maine/Maiden" sabay pang sabi ni mama at Alden ng makita ako.

Sa kanila naman ako tumingin.

"Oh, Alden, nay, nandito rin pala kayo, kanina ko pa po kayo hinahanap tatlo. Tara na sa loob at kakain na" sabi naman ni ate sa kanila, saka na pumasok ulit sa loob.

Yung dalawa nakatingin lang sakin, I bet nag-iisip sila ng palusot.

"Anak, Maine, kanina ka pa ba nandyan?" tanong ni nanay.

Nakatingin lang ako kay Alden na hindi halos makatingin ng diretso sakin.

"Anak, halika sa loob, mag-usap tayo" sabi ulit ni nanay at tinutulungan pa kong tumayo.

"Wala na tayong pag-uusapan" mahina kong sabi.

"Anak, may sasabihin lang sayo si nanay sandali. For sure matutuwa ka" she said at pinipilit akong itayo mula sa pagkakaluhod ko.

"I SAID WALA NA TAYONG PAUUSAPAN!!!!" sigaw ko na kinagulat nya, lalo na nang tumayo ako at tabigin ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko.

Lumabas naman bigla ng bahay sila tatay.

"Oh, Maine, Alden, Hon, anong nangyayari dito?" tatay asked.

"You two are such a great actors, napaniwala nyo talaga ako, I think you deserved an award" I said trying to hold my tears not to fall.

"Hindi ko alam na napakagaling mo pala talagang artista Alden. Napaniwala mo ko sa loob ng two years. Wow, ang galing, galing, galing mo talaga, you really deserve the award you received earlier this month" I said using my sharpest tone of voice. Hindi pa rin sya makatingin sa akin.

"Ikaw naman nay, wala ka na ba talagang ibang alam gawin kung hindi ang pakialaman ang buhay ko?" inis kong tanong.

"Hanggang kelan mo ba balak kontrolin ang buhay ko? hanggat hindi ako nawawalan ng hininga? O pwede kung ganun din lang, kunin mo na lang yung buhay na binigay mo sakin" sabi ko.

"Anak I..........." I didn't let her finish her words, instead I letting her face my palm.

"Congarts nay, you won, nasira mo na ang buhay ko, I just hope that makes you happy!" I said then turn my back on them without listening to their damn excuses.

"Maine, sandali. Let me explain!" pagpipigil pa ni Alden sakin habang nakahawak sa right arms ko.

"No need! ayoko na makarinig ng kahit ano mula sayo, sayo na yang sing sing mo!!" sigaw ko at binalik yung sing sing sa kanya.

Saka na tumakbo pabalik sa room ko.

Pagkasarang pagkasara ko sa door ng room ko, nag-unahang umagos yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Bakit na naman ba?!" tanong ko habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa may pinto.

"Kung kelan ikakasal na ko saka ako iiwan, bakit ba pinapaabot nyo pa sa proposal at engagement kung hindi naman laging natutuloy?" tanong ko habang hindi mapigil ang pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ano na naman bang kasalanan at maling ginawa ko this time?" tanong ko ulit.

Ayoko na lumabas sa kwartong to, at ayaw ko na ring makita ang pagmumukha nilang lahat.

Lahat sila mga manloloko at sinungaling.

Yung babaeng akala ko mapagkakatiwalaan ko, sya pa pala ang magiging dahilan para mawasak yung puso ko for the second time.

Yung lalaking minahal ko naman, yung lalaking inakala ko talagang magpaparamdam sakin ng totoong pagmamahal, at ibibigay talaga sakin yung pangmatagalang relasyon, umaarte lang pala.

Bakit ba kung sino pa yung mga minahal ko sila pa yung nananakit sakin?

Totoo ngang the only person that can hurt you is the person that can make you happy.

Hindi ko na talaga kaya!

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon