GGY 13: Request o Utos?

148 6 0
                                    

<Alden's POV>

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya ang naging usapan namin ni tita Mary anne dati in a way na maiintindihan nya ako, and at the same time, hindi sya magagalit lalong lalo na sakin at tatanggapin nya kong muli.

Pero mukhang malabo ang lahat ng gusto kong mangyare. Kahit kasi ang makita sya for the last time bago ako umalis, mukhang hindi ko na magagawa.

"Hindi kami ganun kaclose ni ate Maine, pero I still care for her, ngayon, ano bang ginawa mo para masaktan sya ng ganun?" tanong ng bunsong kapatid ni Maine na si Dean.

Nandito ko sa tapat ng gate nila at nakasandal lang sa may kotse ko.

"Anak, ako na kakausap, pumasok ka na" biglang sabi ng tatay nya.

Pumasok naman yung kapatid nya at yung tatay nya sinenyasan akong pumasok sa loob.

Nakarating kami dun sa table na nasa may pool side na nasa likod ng bahay nila.

"Hindi namin alam kung anong nangyare, kaya gulong gulo kaming lahat, pero isa lang ang sigurado ko, ikaw at ang nanay lang ni Maine ang may alam, kaya sabihin mo na kung anong nangyare?" seryosong tanong nito sakin.

"Hindi pa rin po ba sya lumalabas ng kwarto nya?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi pa, mag-aalas dose na ng madaling araw, hindi pa sya kumakain, ni hindi nga yun nag lunch at nag meryenda dahil sa mga ginagawa nya kanina, eh" sagot naman ni Tito.

"Pero teka lang, iniiba mo yung usapan, eh, may tinatanong ako sayo hindi ba?" sermon nya sakin.

Napakamot naman ako sa batok ko.

"Ah, tito kasi, hindi po ako yung dapat magkwento nung usapan. Kung meron mang dapat magkwento lalong lalo na kay Maine, si tita po yun" sagot ko.

Napatango naman sya, kaya ang buong akala ko naintindihan nya na ako.

"So ang lumalabas, kasalanan ng asawa ko? eh, ikaw anong kasalanan mo?" tanong nya habang nakatitig ng sobrang seryoso sakin.

Pakiramdam ko tuloy, gusto nya nang baliin ang mga buto buto ko sa mga titig nya sakin.

"Tito I love her, sa totoo nga po nyan, handa kong iwan ang career ko para sa kanya" sabi ko na parang humihingi ng tulong.

"Kung totoong mahal mo ang anak ko, sana hindi mo sinunod ang utos ng nanay nya! Lalo na kung in the first place, alam mong masasaktan sya" sabi nya sakin.

"Hindi ko po sya sinunod, maniwala po kayo. Hindi lang naintindihan ni Maine yung pinag-uusapan namin ng nanay nya kanina" paliwanag ko.

Napahinga sya ng malalim at seryosong tumingin sakin.

"Ano ba talaga kasi yung inutos nya sayo?" tanong nya na halata talaga sa mukha nya ang pagka curious.

"She wants me to help her daughter forget about her ex-fiancé" sagot ko.

"And how?" tanong nya ulit.

Mukhang alam nya na yung takbo ng utos ng asawa nya sakin.

"By making her fall for me"

"I knew it! yun ba yung time na nakita ka namin, at bigla ka nyang kinausap?" tanong nya na tinanguan ko.

==>FLASHBACK<==

.Two years ago.

Nandito kami sa Las Vegas para magperform para sa mga kapuso naming OFW.

Nakaka overwhelmed pala magperform para sa mga taong nagpapakahirap malayo sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng maayos at magandang kinabukasan?

First time ko kasi, eh.

Habang nagpeperform kami, kahit hindi pa ko ganun kasikat, tinitilian talaga nila ako.

Hanggang sa matapos kami magperform, ramdam ko yung saya na naidulot at naibigay namin sa kanila kahit sa maikling oras lang.

Nung bumaba ako ng stage may mga nagpapicture at autograph pa. Pero pagkaalis nila, may isa pang babaeng lumapit sakin, ang akala ko magpapapicture lang din, pero nagulat ako nang may ipakita syang picture sakin.

"Ahm, sino po ito?"

"She's my youngest daughter. She's 23 years old. Pwede mo ba syang tulungan?" tanong nya na parang alalang alala sya para dun sa babaeng nasa picture.

"Anong klaseng tulong naman po?"

"She was about to get married, pero niloko sya ng fiancé nya at ng sarili nyang best friend" pag-uumpisa nya.

"Help her forget her ex, and in return, I'll help you with your career!" she said.

"I'll try ma'am"

"Here is the infos about her, and here is my calling card, call me if you need anything, I promise ako ang bahala sa career mo!" she said them leave.

Iniwan nya ko sa baba ng stage habang nakatitig sa card nya.

"Nicomaine Dei Mendoza?" basa ko sa pangalang nakasulat sa likod ng picture na inabot nung babae, unique name, maganda naman sya. After the picture yung calling card naman ang pinagtuunan ko ng pansin, "Mary Ann Mendoza Juvinal Hotels"

==>FLASHBACK<==

"Wala na talagang nagawang maganda tong asawa kong to" sabi ni tito after hearing those words from me.

"Pero teka, bakit sabi ni Xhia, yung pinsan ni Maine, sila ng boyfriend nya ang nagpakilala sa inyo sa isat-isa?" nagtataka nyang tanong sakin.

"It's really a co-incident po. Even yung pagkaka check-in ko for a while sa hotel nyo, hindi yun sadya" paliwanag ko naman.

"So hindi mo alam na pinsan ni Maine yung girlfriend ng kaibigan mo?" tanong ulit nya. Umiling naman ako.

"Tito, hindi ko manan po masasabi ng harapan kay Maine ang buong katotohanan. Sana po naniniwala kayo sakin na mahal na mahal ko po talaga sya"

"Simula pa kelan?" tanong naman nya sakin.

"Simula pa ng malaman kong madali lang pala talaga syang mahalin" sagot ko.

"May dalawa kaming guest room, dun ka muna tumuloy ngayong gabi. Panigurado, bukas na ng umaga lalabas si Maine" sabi nya saka na ko iniwan at pumasok na sya sa loob.

Kung maaga pa lang sinabi ko na sa kanya, magkakaganito pa rin kaya kami?

Bakit kasi inungkat pa ng nanay nya to, eh.

"Bakit nandito ka pa? Hindi na sya bababa" biglang sabi ni tita na sumulpot na lang bigla sa likoran ko.

"Bakit ayaw nyong pakasalan ko sya? diba sabi nyo tulungan ko syang kalimutan yung ex nya? bakit ngayon tutol kayo?"

"Kasi hindi ikaw ang gusto ko para sa kanya. Gusto kong malimutan nya yung ex nya nang sa ganun makapagmahal na sya ng bago. Yung taong maibibigay lahat ng kailangan nya, at hindi ikaw yun" sagot nya sakin na para bang pinamumukha nito sakin na hindi ko kayang ibigay sa anak nya ang lahat ng gugustuhin nito.

"Kung pera lang ang tinutukoy nyo, madali lang yun kitain. Pero ang babaeng mamahalin ko habang buhay, para sakin, si Maine lang, at wala na akong ibang hahanapin!" sabi ko saka na pumasok sa loob para magpahinga.

Habang naglalakad naman ako papunta sa guest room, nakasalubong ko ang ate ni Maine.

"Ate Nikki"

"Can we talk?" tanong nya, tumango naman ako kaya naglakad na sya.

Nakarating kami sa rooftop ng bahay nila.

"Hindi ako ganun ka close kay Maine, pero may gusto lang akong ipaalam sayo" pag-uumpisa nya.

"She's so special. Alam ko kung gano nyo kamahal ang isa-isa, kaya wag mo syang iiwan at susukuan. Kasi pag yun ginawa mo, pati ang asawa ko, panigurado, huhuntingin ka" she said then leave.

"Okay, ako ang nagwalk out kanina sa nanay nila, ah? ano to, bawian? Uy hindi ko alam pabalik sa guest room" sabi ko na lang sa sarili ko habang nakatingin sa pintong dinaanan ni ate Nikki.

Saka ank ba yun, request o inuutusan nya ko?

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon