GGY 47: Nico Reyn Faulkerson

195 6 0
                                    

<Maine's POV>

Nakakapagod, hindi namin alam kung anong nangyayare sa mga taong nandito sa bahay kanina nung dinner.

Pano lahat sila, parang nakakita ng zombie, hindi pa rin ata makapaniwala na nakabalik na kami.

Pero masaya kaming nakabalik na kami, namiss namin lahat nang bagay na nandito sa Pilipinas.

"Good night Chard" sabi ko kay Chard bago ko ipikit ang mga mata ko.

"Good night din Love" he said.

Kiniss naman nya ko sa nuo bago kami matulog.

*****

"Good morning po" bati namin pagkababa ng hagdan.

"Ahm, parang masarap magbreakfast sa garden, what do you think?" sabi bigla ni Louise na sinang-ayunan naman nang lahat.

Natutulog lang si Reyn kaya nilapag ko lang siya sa stroller habang nag-uusap kami.

"Medyo nakapagpahinga na kami, nakapag-process na rin sa utak namin na nakabalik na kayo, with your baby.  kaya naman pwede nyo na simulan ang pagbubuod ng kwento" sabi ni kuya Daniel samin.

"So ilang taon na ang baby nyo?" tanong agad ni Louise.

"Bakit hindi man lang kayo nagparamdan samin?" - Kuya Daniel.

"Kasal na ba kayo?" - Rizza.

"San kayo tumira?" - Xhia.

"Anong pangalan nang baby nyo?" - Johan.

"Anong trabaho nyo dun? ano bang nakain nyo at hindi nyo man lang naisip na tawagan kami?"- Kristoffer.

"Naging masaya naman kayo for sure diba?"- Xhia.

"Kung kinasal na kayo sa ibang bansa, bakit hindi nyo kami sinabihan?" tito.

"Alam na ba nang parents ni Maine to?"-kuya Daniel.

"Sinong nakakaalam na nakabalik na kayo?" -Louise.

"Babalik ba kayo sa mga dati nyo trabaho?" -Johan.

"Sabihin mo nga bro, babalik ka pa ba sa showbiz?" -Kristoffer.

"Sasagutin nyo ba yung tanong namin o bibitinin nyo lang kami?" bigla ng tanong naman ni tito samin na kinatawa nila.

"Dad, pano kami sasagot, sunod sunod ang tanong nyo" pabalang naman na sagot ni Alden.

"Mag kwento na kasi kayo ng hindi kami nagco-conclode ng kung ano ano" sabi naman ni Xhia.

"Okay, it was my sixth day sa New York ng biglang sumulpot na lang tong si Chard sa bahay nila ate Cams. Then ayun na, nag-usap kaming dalawa. Hanggang sa lumipas ang isang linggo, we decided na magpakasal na muna bago umuwi dito" pag-uumpisa ko.

Mga nakatingin na sila samin at hindi na nagsasalita, halatang naghihintay na ng karugtong ng kwento ko.

"Hindi kayo kinasal kaya hindi kayo nakauwi? nabuo nalang yung baby ganun?" tanong naman n i Louise.

"Akala ko ba hindi muna kayo magco-conclude?" sabi ko naman sa kanya, kaya napahawak na lang tuloy si Louise sa bibig nya.

Tumango na lang sya as a signal na ipagpatuloy na yung pagkukwento.

"Sa loob ng dalawang linggo, we got married, 0ero may inoffer si ate Cams samin na medyo mahirap ngang tangihan" pagpapatuloy ni Chard sa kwento ko.

"Anong offer?" tanong ni Rizza.

"She'll help us na makahanap ng magandang trabaho sa New York para daw maka-ipon muna kami and at the same time nakapagbakasyon at nakasama pa namin ng mas matagal yung mga anak nya" sabi ko naman.

"Naging maganda ang takbo ng buhay namin dun, tahimik kasi pakiramdam ko taong tao talaga ako. Nakabili rin kami ng bahay namin dun. Pero pagkapanganak ni Maine, naisipan namin na kailangan na naming umuwi, kaya binenta na namin" pagpapatuloy ni Chard.

"Medyo natagalan lang, kasi mahirap humanap nang buyer ng bahay, eh" sabi ko pa.

"Pero since nandito at nakabalik na kami, we're planning na magpakasal ulit dito, since, malaki rin yung naipon namin sa pagtatrabaho namin sa ibang bansa. We're also planning na bumili na ng bahay" sabi ko naman.

"Talaga? So kelan ang kasal?" excited na tanong ni Kristoffer.

"Engrande dapat yan, pagsabay sabayin na natin ang welcome party nyo sa kasal nyo" sabi naman ni Louise.

"Oo nga, kahit tulong tulong tayo para mapaghandaan ng bongga yung kasal nyo" dagdag pa ni Xhia.

"Dipende na lang, pabibinyagan na muna namin si Reyn bago yun" sagot naman ni Chard.

"Sagot ko na ang binyag ng inaanak ko" sabi bigla ni Kristoffer.

Nagkatinginan tuloy kami ni Chard.

"Seryoso ka bro?" tanong ni Chard.

"Anything para sa inaanak ko, basta yang pera nyo, ilaan nyo sa kasal nyo" sabi nya.

"Ako din, ako na bahala sa inaanak ko, wala na kayong gagastusin for him" sabi din ni Louise.

"Babe, seryoso?" tanong ko sa kanya, nginitian nya ko habang tumatango tango pa sakin.

"So wala ng problema, kami ni Lou-lou sa binyag, pwede nyo nang planuhin ang next big wedding of the year" sabi ni Kristoffer.

"OF THE YEAR?" sabay naming tanong ni Chard.

"Yup, dapat bago matapos ang taon kasal na kayo" sagot nya na naman samin.

"Anak ng baog na tupa, matagal ang proseso ng kasal, ano ba akala mo dun, shooting lang?" tanong ko naman sa kanya.

"Kaya nga may mga kaibigan at kakilala na pwedeng lapitan, puntahan, at hingan ng tulong" sagot naman ni Louise.

"So kay baby muna tayo, san nyo gusto pabinyagan? saka ano ulit pangalan nya?" tanong ni kuya Daniel.

"Sa church sa Bulacan, Nico Reyn Faulkerson ang buong name nya. Reyn naman ang nickname nya" sagot ni Chard.

"Eh, kelan nyo naman sya ipakikilala sa family mo couz?" tanong ni Johan sakin.

"Bukas pupunta kami sa bahay" sagot ko sa kanya.

Nagkwentuhan na kami habang yung lolo at tita ng baby namin, busy laruin si Reyn, nagising kasi, eh.

Maya maya lang dumating na yung iba pa sa mga bagage namin. Inuwi na kasi namin lahat ng gamit namin, eh.

"Para po kay Mr. & Mrs. Richard Faulkerson" sabi nung nagdeliver.

"Thank you" sabi ko naman sa kanya.

"Nice, Mrs. Faulkerson na Mrs. Faulkerson ka na talaga, ah" sabi ni Xhia.

"Ewan ko sayo couz" sabi ko na lang habang umiiling pa.

Nung meryenda time naman na, nagboy talk sila Chard, Kris, kuya at tito sa may garden.

Kaya pinasok ako nila Xhia, Rizza at Louise sa room namin.

"Babe, yehey, girl talk dali" excited na sabi ni Louise pagkapasok nila.

"Dito talaga? natutulog kaya ang baby ko"

"Kaya nga nandyan si ate Alice, eh, tara na ate" sabi naman ni Rizza.

Kaya pagdating ni ate Alice, dumiretso kami sa room ni Rizza.

Aba busy sila mag boy talk, kaya kami rin nagpakabusy mag girl talk.

Mga baliw tong tatlong to, ininterogate ako!!

Pero infairness namiss ko sila.

'Hay God, salamat po sa blessings na binibigay nyo araw araw samin' bulong ko sa sarili ko.

Bukas sila nanay at tatay naman ang haharapin namin, sana maging okay din ang lahat sa kanila, kagaya ng nangyare dito sa bahay nila Alden.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon