GGY 24: Worried

142 5 0
                                    


<Maine's POV>

"Halika ka na, ireport na natin sa police yan, kayo na muna bahala kay Maine ate Nikki, ah" sabi ni kuya Nico at hinatak si Johan at Dean papuntang police station.

"Oh, wag masyadong mag-alala, kalabaw yan si Alden, kaya nya yan" pahabol na sabi pa ni Johan.

Pagkaalis nila, sakto namang lumabas yung doctor.

Halos, lumabas yung puso ko dahil sa kaba sa kung ano ba ang sasabihin nito samin.

"His now out of danger, pero hindi pa namin alam kung kelan sya magigising. Sa mga natamo nyang palo sa tuhod, baka mahirapan syang maglakad for almost a week or possible months" paliwanag ng doctor.

"Pero kamusta na po yung mukha nya, nadamage po ba? baka pumanget na?!" tanong naman nitong si Xhia.

Tinitigan naman sya ng masama nitong dalawang ate ko ako naman medyo pinalo ko lang sya ng konti sa braso.

"Ah, madaming natamong pasa yung mukha, nya, pero okay naman na, may tatlong malalim na sugat din sa ulo nya, bawat isa ay may two stitches" sabi nya na kinagulat ko talaga.

"Ganun karami?" tanong ni ate Coleen.

"Teka may epekto po ba yun? wala naman siguro, diba po?" sabat naman din ni ate Nikki.

"Hindi pa po namin masasabi, sa ngayon, kailangan pa syang obserbahan at hintaying gumising para malaman kung anong magiging epekto nun sa pasyente" sagot naman din nung doctor.

"Ah, pwede na po ba namin syang makita? nasan na po ba sya?" tanong ni Xhia.

"Ah, maya-maya ililipat na sya sa recovery room, dun nyo na lang sya puntahan, excuse me, maiwan ko na kayo" paalam nya samin.

Habang nag-aantay kami, nawala sa isip kong i-inform yung dad ni Alden and his siblings.

Kaya iniwan ko muna yung tatlo at tinawagan si Tito Richard.

"Ahm, tito, nandito po kasi kami sa Sta. Rosa Medical Hospital, may nangyare po, eh" bungad ko pagkasagot nito sa phone nya.

"Kanino? okay lang ba kayo ni Alden? papunta na kami"

"Tito, ahm, dito ko na lang po siguro ikukwento" sabi ko na lang.

Kaya binaba na nya yung phone.

"Couz, sinong tinawagan mo?" tanong ni Xhia.

"Daddy ni Alden" tipid kong sagot.

Pinaupo nya ko sa waiting area at sandali kaming nanahimik. Hindi sya nagsasalita pero ramdam ko ang pagsulyap nya sakin, parang binabasa nya yung isip ko.

"Wag ka na mag-alala, diba nga sabi ng doctor, okay na sya" sabi nya bigla.

"Pano pag may nangyareng masama sa kanya? hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko habang pinipigil ang mga luha kong nagbabadya na namang pumatak.

"Kasalanan ko talaga kapag may masamang epekto ang nangyareng ito sa kanya ngayon" dagdag ko pa at napasabunot na lang sa sarili ko.

"Babe, hindi mo yung kasalanan, walang may gusto sa nangyare" biglang sulpot ni Louise na hindi ko alam kung san nanggaling.

Yuh, sa sobrang close namin, ayun, babe na ang tawagan naming dalawa.

Bigla na lang nya kong niyakap. Masakit at medyo mahirap ang nangyayare, pero sa pagdating ng isa ko pang kaibigan, somehow, gumaan ang pakiramdam ko.

"Missed you babe, okay ka na ba?" tanong nya ulit na sinagot ko lang ng tango habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Ssssshhhhh, tahan na, bakit ka ba umiiyak? Dahil ba namiss mo ko o nag-aalala ka kay Alden?" tanong nya na nagpatawa ng bahagya sakin.

"Baliw ka talaga, pero teka, sino nagsabi sayong nandito kami?" tanong ko ng humiwalay na sya sa pagkakayakap sakin.

"Ayan oh, si Xhia" sagot nya with matching turo pa kay Xhia.

Tinignan ko naman tong katabi ko, aba nag peace sign lang.

"Hay naku, don't worry, hindi ako busy, kaya wag mo nang patayin sa titig si Xhia. Go na, ikuwento mo na ang mga pangyayare dali" sabi nya.

Kaya ayun, kinuwento ko naman lahat sa kanya. Aba at may sira din ata tong babaeng to, imbis na mag-alala, ang baliw, kinikilig sya sa mga kwento ko. Lalo na dun sa part na binubugbog na nung mga sira ulo si Alden.

Habang busy kami mag-usap ni Louise, dumating naman sila tito Richard, kuya Daniel at Rizza.

"Tito" sabi ko agad ng makita ko sya saka ako nagmano.

Pinakilala ko sila kay Louise, Si Louise naman nakipag shake hands lang saka na nag-excuse at iniwan muna kami, si Xhia na ang chinika nya.

Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyare, naintindihan naman nila ako, even si Alden. Kaya dumiretso na kami sa room nya.

"Hay naku! kahit ano talaga gagawin para sayo, eh, noh!" sabi ni kuya Daniel.

"Kawawa naman si kuya, dati maputi yan, ngayon medyo kulay talong na!" sabat naman ni Rizza.

"Tito, I'm really sorry po talaga, kasalanan ko po talaga to, eh" sabi ko, pero tinap lang ako ni tito sa balikat.

"Ano ka ba ate, ikaw pa ba? malakas ka kaya kay kuya Alden" sabi naman ni Rizza.

Habang hinihintay gumising si Alden, kinukwentohan nila ko ng mga bagay na kinukwento ni Alden sa kanila about me.

Hindi ko madalas maka-usap o makita ang mga kapatid at daddy nya kahit nung kami pa. Nandito kasi sila sa Laguna. Unlike him, na laging nakikita, nakakausap at nakakasalamuha ang mga kapatid ko.

Pero hindi ko alam na kahit hindi ko sila nakikita at nakakasama ng madalas, madami silang alam about me, and that is through skype at madalas pala talaga akong ikwento nitong si Alden sa kanila.

"Grabe, kaya pala halos sugat sugat na ang tuhod ko kasi lagi na lang akong nadadapa, at kahit dila ko, lagi ko na lang nakakagat dahil sa inyo, eh" pabiro kong sabi.

"Eh, bakit ang ganda pa rin ng tuhod mo ate?" tanong ulit ni Rizza habang nakatingin pa sa tuhod ko kaya nagtawanan kami.

"Ah, maiba tayo, Maine, alam mo, umuwi ka muna, magpahinga ka. Mukha kasing wala ka pang tulog at pahinga, eh" sabi sakin ni tito.

"Ah, naku tito, wag na po, okay lang ako!" sabi ko.

"Naku! hindi! umuwi kayo sa bahay, isama nyo si Rizza para may mag-aasikaso sa inyo, kami na lang muna ang magbabantay kay Alden. Mamaya na lang kayo bumalik kapag nakapagpahinga ka na" utos nya sakin na hindi ko na tinanggihan.

Isinama ko sila ate, Xhia at Louise sa bahay nila. Habang nasa daan kami, si Xhia, ayun, nababaliw na ata kaka-kausap kay Rizza. Tawa kami ng tawa sa mga pinag-uusapan nila.

Pagdating sa kanila, binigyan ako ni Rizza ng dress saka ako dinala sa room daw ni Alden, dito na daw ako maligo at matulog, gigisingin na lang daw nila ako pag lunch na.

Pagkalabas ko sa c.r hindi ko napansin na parehas pala ng ambiance yung room nya sa room ko. Sa totoo nyan, kahit dalawang taon na kaming magjowa, hindi pa ako nakakapasok sa room nya. Pero sya, diretso sa kwarto ko pag nasa bahay.

Humiga ako sa kama, tinitigan ko yung bintana ng biglang may kumatok.

"Pasok" sigaw ko.

"Nakalock, wag tamad, buksan mo muna!!" sigaw nung nasa labas ng pinto.

Hahahaha, oo nga pala, nilock ko pala yun paglabas ni Rizza.

Pagbukas ko, si Louise pala! pumasok sya at umupo sa dulo ng bed.

"Babe, bakit?" nagtataka kong tanong.

"Ahm, dapat matagal ko nang binigay sayo to, eh, pag-alis palang sana ni Alden. Kaso nga lang, alam mo naman, busy ang lola mo, kung hindi naman, umaandar naman ang pagiging ulyanin ko!" pag-uumpisa nya.

"Teka lang, ano ba yan, babe, nobela, ah!" reklamo ko sa kanya.

"Bago kasi sya umalis, he asked me to bring this back to you" sabi nya then nilabas ang isang small white box na mukhang marsh mallow.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon