GGY 39: End?

130 6 0
                                    

<Louise's POV>

Ayaw talaga papigil ni Alden, kahit na ni isa saming lima ay hindi alam kung san ba talaga pupunta si Maine.

Ni hindi nga din namin alam kung nasa tamang lugar nga kami, eh!

Tumakbo sya papunta sa waiting area, halos bawat upuan tinitignan nya.

Para syang baliw, kasi kahit ilalim nang upuan tinitignan nya at binabanggit ang pangalan ni Maine habang umiiyak.

Habang kami, pinapanuod lang sya.

Pinagtitinginan na rin sya ng ibang tao, kasi nakikilala sya.

Pero wala deadma lang ang lolo namin, grabe na to. Medyo nakakaawa naman tong kaibigan namin.

"He was doing the same thing na ginawa ni Maine nung sya ang hinahabol nito months ago" sabi ni Johan habang nakatingin kay Alden.

"Parehas silang mukhang baliw" dagdag pa ni Xhia.

Hay ito talagang si Xhia baliw talaga yung term? hindi ba pwedeng nagmamahal lang?

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nilang dalawa.

"Hay! Lakas talaga ng tama ni Alden kay Maine" sabi ko habang umiiling-iling pa.

"Nandito pa kaya si Maine?" seryoso namang tanong nitong si Kristoffer samin.

Hanggang sa makita namin si....

"MAINE??" we all said in a unison.

Nagkatinginan pa kaming apat pagkatapos naming banggitin ang pangalan nya nang sabay sabay na hindi sinasadya.

Hindi namin alam kung narinig ba kami ni Alden o kung nakita nya rin talaga si Maine.

Kasi nakita namin syang biglang tumakbo at niyakap si Maine mula sa likod.

Kaya malamang, oo, nakita nya rin.

Nakayakap si Alden kay Maine mula sa likod habang yung ibang mga tao ay naglalakad na papunta sa arriving area at dinadaanan lang silang dalawa.

Hindi sila gumagalaw parehas, at ganun din kaming apat, pinapanuod lang namin silang dalawa.

Kung tutuusin para silang nasa isang romantic movie, tapos kami viewers lang. Medyo nakakakilig, ah!

"Hindi ko alam kung kikiligin ako sa sweet moment na pinapanuod natin nagayon o kung maiiyak ako, kasi I know any moment may isa sa kanilang bibitaw" sabi bigla ni Xhia.

"Bakit naman may bibitaw?" nagtataka ko namang tanong, pero hindi ako pinansin ni Xhia.

<Maine's POV>

Halos ayaw nang tumigil ng luha ko sa pagtulo nang makarating ako dito sa airport.

Pero lalong bumuhos ang luha ko nang yakapin ako ni Chard mula sa likuran ko.

Hindi ko alam na pumunta sya dito.

"San ka pupunta? iiwan mo ko? bakit? ikakasal pa tayo diba?" sunod sunod nyang tanong sakin habang patuloy ang pag-iyak.

Hindi ko man sya nakikitang umiiyak, ramdam ko at halata sa boses nya na umiiyak sya.

Dahil sa patuloy na pag-iyak nya, lalong sumisikip yung dibdib ko at nahihirapan na kong huminga. Pakiramdam ko pinahihirapan ko lang sya lalo sa ginagawa ko.

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin at hinarap sya.

Isang sobrang lungkot na mukha ang bumungad sakin. Lalo tuloy akong naaawa sa kanya, parang ayaw ko nang iwan pa sya.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon