GGY 36: BROKE

137 5 0
                                    

<Xhia's POV>

Pag-alis nung priest na magkakasal sana kila Alden at Maine, para na kaming mga natalo sa casino, yung iba pang bisita, nagsi-alisan na rin.

Dahil nagpapalam pa sila kay Alden bago umalis, nakikita ko yung mukha ni Alden na lugmok na lugmok na.

Awang-awa na ko sa kanya, kung tutuusin inisip ko nga kanina na wag na ding pumunta dito, eh. Kasi alam kung ganito ang mangyayare.

Nakasimangot at mga mukha na kaming haggard lahat dito nang hablutin ako ni Louise.

"Ah, tito, bili lang po kaming maiimon" paalam nya sabay hatak sakin.

"Ang tamad mo umalis mag-isa, kailangan talaga may P.A?" reklamo ko sa kanya.

Nang medyo malayo na kami sa kanila, chinika nya na ko.

"Xhia, anong nangyare? Bakit hindi nagpunta si Maine?" tanong nya ng pabulong.

Akala mo naman, eh, madaming nakikinig sa kanya, wala naman.

"Walang tao sa paligid, kailangan bumulong?" kontra ko sa kanya.

"Hay naku! agutin mo na lang kaya ako!" reklamo nya rin sakin after nya ko hampasin ng mahina sa braso ko.

"Hindi ko rin alam! alam mo sa totoo lang, sobrang naaawa na nga ako kay Alden ngayon, eh, ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote nang pinsan ko at bakit hindi sya pumunta ngayon" palusot ko naman.

"Alam mo, ako din, grabe, kanina lang si Alden, abot langit yung ngiti pagdating mo, akala nya kasi kasama mo na si Maine. Pero ngayon, ayun, pinagsamang byarnes Santo at pang araw ng patay ang mukha" sabi nya.

Feeling ko mukha kaming baliw dalawa dito naglalakad ng naka gown.

"Alam mo ang layo na natin, eh, balik na tayo, mukha tayong baliw na naglalakad dito mga nakagown pa man din tayo" sabi ko naman kaya pumayag sya.

Pagbalik namin, nadatnan namin si Alden na umiiyak habang yung mga naiwan, eh, walang ibang magawa kung hindi ang panuorin sya.

Si Louise nilapitan na lang si Rizza na naka-upo sa isa sa mga upuan at umiiyak.

Si Kristoffer seryosong kausap si kuya Daniel, si tito naman, hindi ko alam kung sinong sinusubukang tawagan at bakit parang hindi naman sya sinasagot.

Napatingin ulit ako kay Alden na naka-upo sa first step nung hagdan papasok sa chapel at namumula na kakaiyak.

I can't explain how badly hurt he is right now. Pero sa nakikita ko, his badly broken, at dahil alam ko ang dahilan, pakiramdam ko tuloy may kasalanan din ako sa nangyare. Pakiramdam ko isa ako sa nanakit sa kanya, kaya niyakap ko na lang si Johan.

Hinayaan namin syang umiyak ng almost 30 minutes. Oo ganun sya katagal umiyak, well mula ng magsi-alisan ang mga bisita, eh, umiiyak na sya, so sobrang tagal na, hindi lang 30 minutes. Tito Richard was encouraging us to leave him alone ng may biglang dumating.

"Sorry kung  hindi kami dito dumiretso sa chapel, pero galing kami sa reception, and walang tao" sabi ni ate Coleen.

"Anong nangyare? Nasan si Maine?" tanong ni kuya Nico.

Magkakasama silang apat na magkakapatid na dumating at naka semi-formal attire.

Alam nga pala nila na ngayon din sana ang kasal ni Maine at Alden.

Pero ang alam ko, si Dean ay isa sa groomsmen, si ate Coleen naman ang bridesmaid.

So anong ginagawa nila dito?

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon