GGY 7: I DO Hurts!!

185 9 0
                                    

<Alden's POV>

"Katangahan ba ang hintayin kong maging akin ka Alden?" Basa ko sa isang tweet na talagang nakacapture ng tingin ko.

"Kasalanan bang mag-antay? hindi naman, eh. Pero sana lang, yung hinihintay mo ay ready na at hindi ka nya pinapaasa" tweet sent!

"Hay Alden! hugot?" Basa ko sa nagpop na reply ni Kristoffer Martin sa tweet ko.

Natawa na lang ako.

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Maine.

Hindi ko alam kung kelan nya ko sasagutin pero bakit feeling ko malapit na?

"Hoy Alden Richards, aba anong ginagawa mo dito? bakit hindi mo sinamahan si Maine?" biglang sigaw ni Xhia nang makita akong nakaupo sa sala.

"Saan?" nagtataka ko namang tanong habang nag-scroll pa rin sa twitter

"Sa kasal nung dalawang ex nya!" sagot naman nito pagkaupo sa tabi ko.

"Dalawa ba ex nya? akala ko isa lang?"

"Sira, what I mean is, yung ex-boyfriend nya pati yung ex-best friend nya" paglilinaw nya naman.

"Ngayon ba yun? wala naman syang sinabi, teka saan ba yun?" tanong ko agad.

"Hindi bukas pa. Hay naku! yung invitation naiwan ni Maine sa bahay ko kagabi, puntahan mo dun nandun yung adress. Sa Sto. Domingo Church" sabi nya habang may kinakalikot sa phone nya.

"Alam mo naman pala yung church, bakit papakuha mo pa yung invitation sakin?" reklamo ko.

"Eh, kasi, baka wala ka nang abutan sa church, sa reception ka na lang dumiretso" sagot nya.

Oo nga naman.

"Okay sige alis na ko" paalam ko.

Paalis na sana ko nng magreklamo na naman sya.

"Teka, ano pupunta ka sa gyera ng walang sandata? pwede magbihis muna at magpapogi?" pagpipigil nito.

"Hay, kahit ano namang suot ko pogi ako, eh"

"Kapal!!! Alam mo Alden, kilala ko si Maine, for sure pag-uusapan sya dun sa event. Isipin mo dating financé nung groom isa sa maid of honors? So dapat, nandun ka para isave sya at pasayahin, kuha mo?" tanong nya.

Tumango at ngumiti na lang sa kanya.

<Maine's POV>

Bakit ba hindi ko sinama si Alden dito? Pwede naman daw sabi nitong si Chloe? ang shunga ko talaga, wala tuloy ako makausap!!!!

Nandito na kaming lahat sa church at kasalukuyan na kaming pinapapila dahil nandyan na si Chloe.

Nung mag-umpisa ang ceremony, hindi ko mapigilang mapa throwback dun sa mga araw na ako sana yung nasa posisyon ni Chloe ngayon.

Ngayong naglalakad ako sa aisle, pakiramdam ko lahat sila tinatanong kung bakit kasama ako sa mga maid of honors?

Well parehas lang kami, tinatanong ko rin yan sa sarili ko, eh.

Nung si Chloe na ang papasok, sinarado na yung pinto nung church, tapos pagbukas nun nasa tapat na si Chloe na suot suot yung konting konti na lollang kaparehas na nung gown na pinagawa ko dati nung ako sana ang ikakasal sa groom nya!

Tapos, yung kanta pa nila God gave me you, na wedding song din sana namin ni King.

Gusto ko na sanang tumayo at lumabas dahil konting konti lang yung pinagkaiba nung details nung wedding nila dun sa wedding ko SANA NOON.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon