GGY 18: Lost Love

136 5 0
                                    


<Xhia's POV>

"Babe, puntahan na natin dali" sabi ko kay Johan.

Agad naman namin syang nakita, pero aba ang bruha, lasing na lasing na, para na syang baliw na nagsasasayaw sa gitna nung apat na tukmol na nakapalibot sa kanya.

"Hoy, Maine, halika nga dito!!!" sigaw ko habang pilit syang hinahatak mula sa gitna nung apat na lalaking mga gwapo nga pero mga mukhang manyak, mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

"Hoy, babe, ano ka ba, kunin mo kaya sya!" utos ko pa sa jowa ko na pinapanuod lang ako.

"Mga brad, pasensya na, ah, kukunin ko lang sya, lasing na lasing na kasi, eh" paalam nya pa dun sa mga lalaki.

Aba napakagalang naman ng boyfriend kong to, talagang nagpaalam pa, ah, pano kung hindi sila pumayag? edi napaaway pa sya?

"Teka lang, kanina pa nga sya nandito, eh, ayaw nya sumama sa inyo, kaya iwan nyo na sya samin!" sabi nung isang lalaki.

"Teka nga lang, hoy, kayong apat na tukmol kayo, pwede magsilayo kayo sa pinsan ko, kung ayaw nyong pagbuhilin ko kayo!" matapang kong pagbabanta sa kanilang apat.

"Aba bro matapang!" nakangising sabi nung isa.

"Ikaw na bahala dyan!" sabi naman nung lalaking naka lime green with white pants, na di hamak namang mas pogi pa yung driver namin.

Lalapit na sakin yung lalaki, pero humarang sa harap ko si Johan.

"Hey, hey, stay away from my girlfriend!" saway nya using his intimidating voice.

"Bro pano ba yan, may boyfriend?" tanong naman nung isang mukhang sindikato.

Mga mukha talaga silang walang gagawing mabuti!

"Edi, palayasin ang boyfriend!" sagot nya saka sila nagtawanan.

Bigla na lang sinapak nung naka lime green si Johan, kaya napatili ako na naging dahilan para mabasag ang eardrums ng mga tao na nandito sa bar.

"Kuya, ayan, palabasin nyo na nga yang tatlong yan" utos ni Thine, yung kaibigan naming may-ari ng bar.

"Babe, you okay?" nag-aalala kong tanong habang inaalalayan syang tumayo.

Napatumba kasi sya kanina nung sapakin sya nung lalaking mukhang kriminal, eh.

"Wait, babe, si Maine? nasan si Maine?" tanong nya sakin habang nililibot ang paningin sa paligid para hanapin yung pinsan ko.

"Oo nga, Thine, nasan si Maine? nasan na ang pinsan ko?!" nag-aalala ko na ding tanong sa kaibigan namin.

Hinanap agad namin si Maine.

"Hey you, stay away from my cousin!!!" sigaw ni Johan na umalingaw-ngaw sa buong bar.

Nakita na lang namin si Maine sa kabilang dulo pa ng bar, sa medyo madilim na part, at itong jowa ko, sinasapak na yung lalaki.

"Kuya, dalhin nyo yang manyak na yan sa pulis" utos ni Thine.

"Teka nga, teka lang" pag-awat nya pa.

"Ako na nga ang nabugbog, ako pa ang ikukulong? Nasan ang hustisya?" reklamo nito.

Aba sira ulong to, may pahustisya hustisya pang nalalaman.

"Eh, sira ulo ka pala, eh, anyak ka tapos gusto mo magpagalagala ka? ano ka sinuswerte? hinahanap mo pa talaga ang hustisya, ah!" pabalang ko namang sagot.

"Sandali lang, teka, magrereklamo ako, nasan ba ang manager? ay hindi nasan ba ang may-ari ng bulok na bar na to?" tanong nya na parang naghahamon pa.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon