GGY 17: Lost

127 6 0
                                    


<Alden's POV>

"Sana pagbalik ko hindi ka na galit" sabi ko habang nakatingin sa picture ni Maine sa phone ko.

Nandito pa ko sa eroplano, at halos dalawang oras pa lang kaming nasa ere, pero parang gusto ko na bumalik agad.

"Your girlfriend?" tanong ng babaeng katabi ko na kanina pa sa arriving area nakatingin sakin.

Well hindi naman sa nagmamayabang, pero napansin ko kasi sya, eh, hindi naman sa tinitignan ko sya, hindi lang talaga ako manhid.

"No" sagot ko.

Napansin kong napangiti sya ng bahagya.

"She's my wife" sabi ko.

Nawala bigla yung ngiti nya sa mukha.

"Any problem Ms.??" tanong ko pero binigyan nya lang ako ng awkward smile.

Nung makarating ako sa London.

Agad kong hinanap ang phone ko sa bag ko.

"The fudge, where is my phone!!" inis kong sabi sa sarili ko.

"Sir, is there something wrong?" tanong ng isa sa mga flight attendant,

"Ahm, I think I lost my phone"

"Want to go back to the plane to search for it?" alok nya.

Pumayag naman ako at sinamahan nya ako agad para bumalik sa eroplano at maghanap.

Halos mahalughog ko na lahat ng upuan sa eroplano wala pa rin akong nakita, kulang na lang baliktarin ko na yung buong eroplano, eh.

"I'm sorry sir, but maybe you just misplaced it" sabi nung isa kaya hinayaan ko na lang.

Pagdating ko sa bahay na tutuluyan ko, agad kong kinalkal lahat ng gamit ko.

"The hell, san ko ba talaga yun nilagay?" inis kong tanong sa sarili ko habang tinitignan lahat ng mga gamit kong nakakalat.

Hindi ko alam kung pano ko cocontakin sila Maine. Naiwan ko rin kasi yung laptop ko sa unit ko. Hindi ko rin saulo ang mga numbers nila.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko saka na nagpahinga. Maaga pa ko bukas.

<Johan's POV>

Tatlong araw na naming sinusubukang contakin si Alden, pero hindi talaga namin sya macontact.

"Babe, nagresponse na ba si Alden?" tanong ni Xhia sakin na inilingan ko lang bilang sagot.

"Sa fb ba? sa Twitter or Instagram?" tanong nya ulit sakin, pero kagaya kanina, iling lang ang tanging naisagot ko.

"Si Maine ba kamusta na?"

"Ayun, stress pa rin, iniisip kung ano na nangyare sa jowa nya. Babe, naaawa na ko sa pinsan ko" sabi nya sakin.

Nandito kami sa bahay ni Xhia at sinusubukan paring contakin si Alden para kay Maine na mula nung umalis si Alden ay hindi na tumigil sa pag-iyak.

"Babe, hindi kaya tuluyan na ngang kinalimutan ni Alden si Maine?" nag-aalalang tanong nito sakin.

"Alam naman natin pareho kung gano nila kamahal ang isat-isa, eh, lalong lalo na si Alden. Kaya bakit naman nya kakalimutan si Maine?"

"Hindi ko alam, malay ko, hindi ko naman kontrolado ng isip ng kaibigan mo, eh" sagot nya.

"Teka lang naman babe, hindi ko gusto tong nangyayare sa kanila ngayon. Saka malay mo busy lang talaga yung tao" pagtatanggol ko naman kay Alden.

Well actually, naguguluhan na rin ako sa inaasal ni Alden. Kung talagang concern nga sya kay Maine, dapat paglapag na paglapag pa lang ng eroplano tinawagan nya kami agad to check on Maine, pero, hindi, eh.

"Alam mo, sinasabi ko sa Alden na yan huh. Subukan nya lang hindi balikan ang pinsan ko, sinasabi ko sa kanya, hindi na talaga sya makakatapak ulit dito sa Pilipinas" banta ng girlfriend ko.

"Babe naman, hayaan mo na muna, for sure, pag nakaluwag yun sa schedule nya, tatawag agad satin yun"

"Kelan, pag masyado nang nasasaktan yung pinsan ko?" sigaw nya.

"Teka lang naman babe, problema nila yun, pero bakit parang pati tayo apektado?" nagtatalo na rin kami dahil pinagtatangol ko si Alden, at ganun din naman sya kay Maine.

"Eh, kasi tayong dalawa ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. Kaya simula pa lang, damay na talaga tayo sa kanilang dalawa" sagot nya na naman.

"Pero pano kung hindi comontact si Alden satin within this week?"

"Hindi ko alam, si Maine na siguro ang bahala sa buhay nya, basta tayo, nandito lang for them" sabi nya sakin.

<Maine's POV>

Days, and weeks have passed, Isang buwan na mula nung umalis sya. Nagsorry ako, pero walang response. I even PM him on facebook, DM him on Twitter and instagram, but, still, no response.

Namimis ko na yung taong araw-araw gumigising sakin ng isang sweet morning message.

Yung taong, araw-araw akong kakamustahin kung pagod na ba o kung kumain na ba ko.

Namimiss ko na yung boyfriend kong hindi ko alam kung sang lupalop ng London nandun.

"Hey couz? Bakit hindi ka pumasok? saka, bakit umiiyak ka na naman?" biglang sulpot ni Xhia sa unit ko.

"Couz, is he still mad at me? ayaw na ba nya? napapagod na ba sya sakin?" umiiyak kong tanong sa kanya.

Pero itong pinsan ko walang ibang sinasabi, tinatapik tapik lang ako.

"Cous, tahan na, baka kasi busy lang sya. Malay mo tinatapos nya lahat ng dapat tapusin para makauwi na sya agad" sabi nya.

"Pero, teka lang, bakit hindi nya sinabi sakin na aalis sya? Hindi pa kami magkaaway nung araw bago ko malaman yun,l ah, wala naman syang nabanggit na aalis sya" sabi ko.

"Maybe because, ayaw nya na isipin mo yung pag-alis nya? o ayaw nyang mag-alala ka? I don't know" sagot nya.

<Xhia's POV>

Matapos ang dalawang buwan after magmukmok ng lovely cousin ko, ayun back to normal na sya.

Yun nga lang parang madaming nagbago.

"Babe, anong nangyare? Kahapon lang nagmumukmok yan kasi hindi pa rin natin macontact si Alden, ah, bakit, ngayon parang, walang nangyare?" nagtatakang tanong ni Johan sakin habang nakaturo pa kay Maine.

Nandito kami ngayon sa birthday party ng isa sa common friend namin ni Maine. Dito kami nagcecelebrate sa bar na pag-aari nya.

At si Maine, ayun, nakikisali sa dance floor, ayaw nga paawat, eh.

"Makaturo naman to, manono ka dyan, pero oo nga, nagtataka na nga rin ako" sagot ko naman pagkababa ko sa kamay nya na nakaturo sa way ni Maine.

"Hindi kaya nagrerebelde yan? kanina pa hawak yung bote, eh, ayaw bitawan" bulong nya ulit. Sinaman ko lang nang tingin ang loko.

"Baka naman kasi yung bote na yung gustong pakasalan" sabi ko na lang saka kumain ng foods na nandito sa harapan ko.

"Hey Xhia, help, si Maine kasi" biglang sulpot ng isa sa mga kaibigan namin.

"Oh, bakit, inaway ka? Hindi naman yun marunong makipagaway, ah? Nasan na ba sya" tanong ko habang hinahanap si Maine sa kinalalagyan nya kanina.

"Ayun oh, pinapalibutan na doon, hinahatak namin pero ayaw nya sumama samin, pinagtatabuyan pa nga kami, eh!" sabi nya habang tinuturo yung kabilang side ng dance floor na puro lalaki.

Maine!

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon