GGY 37: Alden VS Lloyd

131 8 0
                                    

<Alden's POV>

"Sorry bro" bungad ni Johan sakin pagkapasok namin sa room ko.

Ano bang meron sa araw na to?

Ito sana yung pinakamasayang araw ng buhay ko. Ito sana yung umpisa ng unang araw naming mag-asawa.

Ito sana yung hinding hindi ko ipagpapalit na araw sa kahit anong araw ng buhay ko.

Sa mga oras na to, sana magkatabi na kami at magkahawak ang kamay, at sabay na pinagsasaluhan ang mga pagkain na hinanda namin para sa kasal namin kasama ang iba pa naming bisita.

Pero, lahat nang yun nawala, kasabay ng pagkawala nya sa tabi ko.

Yung pakiramdam ko kaninang umaga pagkagising ko, lahat ng sayang yun bigla na lang nawala at naglaho na parang bula!

"Uy bro, nakikinig ka ba?" bumalik ako sa senses ko ng marinig ko ang boses nitong si Johan.

"Ano yun?" walang gana kong sagot sa kanya.

"Sabi ko may kailangan kang malaman, kaya lang parang wala ka pa sa sarili mo, kaya mukhang, hindi ko pa dapat sabihin sayo to" sabi nya.

He was about to leave, pero pinigilan ko sya.

"Kung dadagdag yan sa pagkasira ng araw ko, sabihin mo na ngyon, para isahan na lang, para isang bagsakan na lang!" sabi ko sa kanya.

Umupo sya sa may bintana at tumingin sa labas.

"Si Maine, ipinakakasal sya sa anak ng isa sa mga shareholders ng GMA" sabi nya na parang nag-eco sa tenga ko.

Si Maine, ipinakakasal sya

Si Maine, ipinakakasal sya

Si Maine, ipinakakasal sya

Si Maine, ipinakakasal sya

"K-kelan? saan? kanino?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ngayon din, sa Manila" sagot nya.

<Johan's POV>

"Ngayon din, sa Manila" sagot ko sa tanong nya.

Patakbo na sana sya palabas ng pigilan ko sya.

"Hoy san ka pupunta?" tanong ko.

"Kay Maine, pipigilan ko yung kasal nila! kukunin ko sya at ilalayo sa kung sino man yung lalaking yun!" sagot nya sakin, aalis na sana ulit sya,

"It's non sense bro!" sabi ko na nagpatigil sa kanya.

Tinignan nya ako na para bang lalamunin nya ko ng buhay

"What do you mean?" tanong nya.

"Hindi rin nya sinipot yun! ngayon, hindi namin sya makita, hindi namin alam kung san sya hahagilapin" sabi ko sa kanya.

Napaluhod na lang sya sa kinatatayuan nya at napaluha habang nakapatung ang ulo nya sa dalawang kamay nya.

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit? bakit sya magpapakasal sa iba?" tanong nya sakin habang inuuga-uga yung binti ko.

"Kasi, tinakot sya nung lalaki, pag hindi sya nagpakasal dun, sisirain nya daw ang career mo, at sisiguraduhin nya daw na mawawala ang lahat sayo" sagot ko naman na lalong nagpa-iyak sa kanya.

"Nandito kami kasi, ito yung hiniling nya saming lahat, na sa pagkawala nya, wag kang iiwan. Pero hindi naman namin alam na hindi na talaga sya magpapakita sa kahit kanino satin" sabi ko pa.

Umiiyak lang sya habang nakaluhod at hawak ang binti ko, nakatingin lang ako sa kanya, kaya nung bigla syang tumayo, nauntog pa yung bibig ko sa ulo nya, tigas ah!!

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon