GGY 22: Danger

156 6 0
                                    

<Alden's POV>

I need to save her, even if it means loosing my own life.

Nananahimik kaming lahat nang biglang magsalita si Johan.

"Sasamahan kita bro!" biglang sabi nito, pero para syang wala sa sarili.

Napatingin naman si Xhia sa kanya, hindi man ito nagsalita, alam ko na sa tingin pa lang nya na ayaw nya.

"Don't worry babe, hindi ako pababayaan ni Alden" sabi nito para huminahon ang girlfriend.

"Hoy, baliw, wag mo na lang akong samahan kong kargo pa kita!" sabi ko naman.

"Biro lang bro, what I really wanted to say is, hindi kita hahayaan mag-isa at mapahamak. Kaya for sure, ganun din ang gagawin mo sakin" paliwanag nya.

Galing talaga nito magpalusot, eh.

Nagplano kami para sa mangyayare mamaya.

Hindi namin kontrolado ang takbo ng utak ng mga kidnappers na yun. Kaya if ever hindi gumana ang plano namin, it's now or never na lang talaga. Basta ang mahalaga sakin, maligtas namin si Maine.

"Basta girls, pag 4am na at wala pa kaming text o kahit anong paramdam, babe, track mo yung phone ko. Then call a police" sabi nitong si Johan.

Hindi halatang kabado to, eh.

Habang palalim na ang gabi, lumalakas yung kaba ko. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyare sakin, kay Johan o di kaya naman ay kay Maine.

"12:30 na, go ahead, we'll be here, we'll pray for you guys, sana pagbalik nyo kasama nyo na si Maine" sabi ni ate Coleen.

Habang nagdadrive ako, nakikita ko sa rearview mirror na hindi mapakali tong katabi ko.

"Bro, naiihi ka ba o ano?" tanong ko na kinalabas ng pagiging defensive nya.

"Hoy, hindi ako kinakabahan, ah, nag-aalala lang ako. Ikaw yata yun, eh" sagot nya.

Sinasabi na, eh, hindi talaga sya kinakabahan.....

"Oo na nga lang" I said bago muling nagfocus na sa daan.

Nung makarating kami sa lugar, alas dos na ng madaling araw.

Nandito kami sa bandang dulo ng Laguna. Liblib ito, nakakatakot kung tutuusin, pero kakaiba rin itong lungga nila, abandoned building dito sa lugar talaga na to?

Ganito kalayo yung pinagdalhan sa kanya? Okay naman kaya sya?

"Hoy, gising na, kinuha nila tayo!!!" pagigising ko sa katabi ko.

"Huh huwag po!! wag!!" napatigil na lang sya sa pagsigaw ng makita nya ko sa harap nya na pinipigilan ang pagtawa.

"Dito ka lang! pag ako hindi nakalabas dyan sa loob ng isat kalahating oras, saka ka na pumasok, naiintindihan mo ba?" tanong ko na sinang-ayunan naman nya.

Hindi na ko nag-aksaya ng oras, pagkababa ko ng kotse, tinawagan ko na yung mga kidnappers ay sinabing nandidito na ko.

Maya-maya lang din ay may dalawang lalaking lumabas.

"Nasan si Maine?" tanong ko agad, pero hindi nila ko sinagot, sa halip ay hinawakan nila ang magkabilang braso ko.

Pagkapasok ko, wala namang tao, wala akong nakikitang Maine sa lugar.

Itong dalawang bugok lang na to.

"Nasan na ba talaga ang girlfriend ko? anong ginawa nyo sa kanya" sigaw ko sa kanila.

Pero mukhang pipi ata ang mga to at mga hindi sumasagot.

Bigla na lang lumabas yung apat pang lalaki.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon