GGY 48: Acceptance

177 6 0
                                    

<Alden's POV>

"Love tara na, alis na tayo" sigaw ko kay Maine na nasa room pa.

Pagbaba nya, bitbit nya na yung baby bag.

"Let's go, tara na po tito, kuya, Rizza" sabi nya ng makababa sya.

Kasama namin sila papunta sa bahay nila. Mamaya susubukan daw pumunta nung mag-asawa.

"Amina yang gamit mo Maine" sabi ni kuya at kinuha yung isa pang bag na dala nya.

Si kuya na ang nagdrive. Habang nasa sasakyan kami nilalaro ni Rizza si Reyn na hawak ni daddy.

"Tito baka nahihirapan po kayo, ah, medyo mabigat po sya" sabi ni Maine.

"Anak, anoka ba? daddy na ang itawag mo sakin, tutal mag-asawa naman na kayo ni Alden" sabi ni dad sa kanya.

"Okay po daddy" she said then smile.

"Kabado?" tanong ko,

Tinignan nya ko, ngumiti sya at humawak bigla sa braso ko.

"Ayan, Hindi na" she said na nagpatanggal din ng kaba ko.

Pagdating namin sa bahay nila, si Maine na muna ang pumasok kasama si Reyn.

<Maine's POV>

Pagkapasok ko ng gate, ang tahimik ng bahay, linggo ngayon, so I guess nandito silang lahat.

Pagkatok ko sa pinto pinagbuksan ako ni....

"Ate Coleen!!!" masaya kong bati sa kanya at agad syang niyakap.

"Maine, gaga ka, san ka nanggaling, bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?! saka, wait, sino ang baby na to?!" nagtataka nyang tanong sakin with matching batok pa bago ituro si Reyn.

Sasagutin ko pa lang ang tanong nya ng magsibabaan sila Kuya Nico, kuya Tj ate Nikki at Dean.

"Ate!!!" masayang salubong ni Dean sakin.

"Gaga ka, bakit hindi ka nagparamdam samin, nag-aalala si tatay sayo!" sabi ni ate Nikki sakin na may kasama pang batok.

"Sino yang baby na yan?" tanong naman agad ni kuya Nico habang makaturo sa baby ko.

"Anak mo?" tanong naman ni Kuya Tj.

"Baby, sila ang tito's at tita's mo, siblings sila ni mama" sabi ko kay Reyn na nakamulat pero tahimik lang at nakatingin sakin.

Parang nakikinig sya samin, at akala mo ay nakikiramdam sa lahat ng mga nangyayare.

"MAMA?!" unison nilang sabi.

"Anak mo yan?" tanong ni kuya Nico, tumango naman ako habang nakangiti.

"Oh my, may pamangkin na ko sa wakas" sabi naman ni Ate Nikki.

"Ahhh, ang gwapo nya, pakarga, tara upo ka, ui Dean, tawagin mo sila tatay dali!!" utos ni ate Coleen kay Dean na agad naman nyang sinunod.

"Grabe ka, inunahan mo pa kami ng kuya Tj mo" sabi ni ate Coleen saka ako hinampas ng mahina sa braso.

Oo nga pala, kinasal sila ni kuya Tj a month after nung wedding sana namin ni Alden. Sayang wala ako.

"Teka, anong pangalan nya?" tanong ni kuya sakin.

"Nico Reyn M. Faulkerson " sagot ko.

"FAULKERSON?" unison na naman nilang sabi.

"Opo" sagot ko sabay ngiti sa kanilang lahat habang tumatango.

"Ahm, ate Nikki, papasukin mo naman sila, nasa labas sila" sabi ko, kaya lumabas sya agad sya at pinapasok sila daddy at Chard.

Pagkapasok nila, sakto pagbaba nila nanay at tatay.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon