GGY 21: Finding Her

132 5 0
                                    

GGY 21: Finding Her

<Johan's POV>

Halos hindi kami mapakaling tatlo ni ate Coleen at Xhia dito sa bahay ko.

Alas kwatro na nang hapon, pero gising na gising pa kaming tatlo.

Kagabi pa kami walang mga tulog. Nakaka-idlip kami, pero pinakamatagal na yung five minutes.

We're all waiting kasi dun sa tawag ng mga pulis.

"Hay naku, kung sino man ang kumuha kay Maine pagnakita ko talaga uubusin ko ang buhok na meron sya sa katawan nya!!!" inis na sabi nitong katabi ko na mukha nang zombie dahil hindi pa nakakatulog.

"Ano ka ba naman, paghihiganti agad? hindi pa nga natin sya nahahanap, eh" sabat naman ni ate Coleen.

Nanahimik kami ng bahagya dahil sa pag-aalala.

"Babe, nag-aalala na talaga ko. Kasalanan ko to, eh, sana kasi sinamahan ko na lang sya sa C.R" nakasimangot na biglang sabi ni Xhia.

"Xhia, it's not your fault. Don't blame yourself" sabi naman ni ate Coleen na sinang-ayunan ko.

"Sana talaga, sana lang talaga, hindi saktan ng mga patay gutom, palaboy, nakadrugs, nakasolvent, nakainom, sira ulo, walang hiya, baliw, bobo at tanggang mga kidnapers na yun ang pinsan ko" sabi ni Xhia na hindi namin alam ni ate Coleen kung matatawa ba kami o ano.

"Sinong nakidnap?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Nagkatinginan muna kaming tatlo bago lumingon sa direksyon nung boses nang tao na nagsalita..

"ALDEN?" Gulat naming banggit sa pangalan nya ng makita namin syang nakatayo sa may pinto.

"Grabe sya, para namang nakakita lang ng multo. May tinatanong ako uy!" sabi nya samin pagka-upo nya sa tabi ko.

"Kadarating mo lang? Bakit hindi ka man lang nagpasabi?" tanong ni Xhia, napangiti lang si Alden.

"Surprise. So ano nga, sino ba yung pinag-uusapan nyo? kidnaper? may nakidnap ba? sino?" sunod sunod nyang tanong samin.

Nagtitinginan kaming tatlo at tila nagpapakiramdaman kung sino ba ang dapat sumagot sa kanya.

"Ahm, si Maine, ah, nasam....." hindi natapos ni ate Coleen ang sasabihin ng sumabat si Alden.

"Don't worry ate, hindi ko po sya pupuntahan, hindi naman sya ang dahilan ng pagbalik ko, eh" sagot nito.

"Bro hindi yun yung gustong sabihin ni ate" sabi ko.

Nagtaka naman sya at tinignan kami isa-isa. Para bang nagtatanong nang kung ano, pero hindi namin mabasa yung tanong na nasa mata nya.

"Nakidnap, si Maine nakidnap kagabi" mabilis kong sabi.

"Ano? nareport nyo ba ba sa pulis? tumawag na ba yung mga kumidnap? ano may lead na ba kayo?" sunod sunod nyang tanong.

Nagtinginan tuloy kami ni Xhia sa naging reaksyon nya.

"Bro, I thought, you don't care about her anymore?"

"Sino namang may sabi sayo?" nagtataka nyang tanong,

"Dahil sa mga kinikilos mo" sabat naman nitong girlfriend ko.

"Hindi, ah, iniisip at pinagpaplanuhan ko lang talaga ng mabuti yung surprise ko for her" sagot naman nito.

"Okay, so pwede na tayo bumalik kay Maine na hindi pa rin nahahanap?" singit naman nitong si ate Coleen.

"Teka nga, ano na bang sabi ng mga pulis?" tanong na naman ni Alden samin.

"Yun na nga, eh, hindi pa nga sila tumatawag" sagot ni ate Coleen.

Kinuwento namin lahat ng nangyare kay Alden mula nung umalis sya hanggang sa kasalukuyan.

Hanggang sa dumating yung mga pulis sa bahay.

"Nakita nyo na po ba ang kapatid ko?" nag-aalalang tanong ni ate Coleen.

"Wala pa rin po kaming lead ma'am, pero kasalukuyan pa rin syang pinaghahanap ng mga tao ko. Pumunta kami dito para ipaalam at itanong kung nakikilala nyo ba tong relong to?" tanong nya sabay pakita nung isang G-shock na black samin.

"Hindi kay Maine yan" sabi ni ate Coleen.

"Sa palagay po kasi namin, kilala nang biktima ang mga dumukot sa kanya" sabi nya.

"Palagay? so you think mahahanap namin si Maine dahil sa palagay nyong yan?" tanong ni Alden sa kanila.

"Pasensya na po sir, baka kasi makatulong din kayo" sabi nung pulis.

Kina-usap sila ni ate Coleen sandali saka na sila umalis.

"Alam nyo, magdinner na tayo, kaninang umaga pa tayo mga hindi kumakain, eh" suggestion ko sa mga kasama ko.

"Sige na, kumain na kayo, hindi ko feel kumain, eh, parang hindi ko nararamdaman yung gutom" sabi naman ni Xhia samin.

"Babe ano ka ba, wala ka na ngang tulog, wala ka pa ring kain? Baka naman magkasakit ka na nyan?" nag-aalala ko namang sabi sa kanya.

"We need to be strong for Maine, Xhia, kaya halika na, kumain na tayo, kasi hindi natin sya mahahanap kung pati tayo magiging mahina" paliwanag naman ni ate Coleen na sinang-ayunan naman namin ni Alden.

Pumayag naman din sya, kaya sabay sabay na kaming kumain. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain dito para mabilis.

Naghuhugas na ako ng pinagkain namin, nang magring bigla yung phone ni Xhia.

"Sino yan babe?" tanong ko agad.

"Unknown" sagot nya.

Nakikita kong natatakot sya at kinakabahan sya sa kung sino man yung tumatawag sa kanya.

I was about to go and get her phone, pero si Alden na ang gumawa nito para sakin.

"Sino to?......wala sya, may ginagawa, sino ba to?.......kaibigan nya......oo, bakit?" tanong nya dun sa kausap nya na medyo intense kaya iniwan ko yung ligpitin ko at lumapit sa kanila.

"Boyfriend nya to, walang hiya kayo, anong ginawa nyo sa girlfriend ko?...... ani bang gusto nyo?........ gagawin ko, wag nyo lang sya sasaktan.....oo pangako tutupad ako....... gagawin ko" he said then hung up the phone at tinignan kami isa-isa.

Agad naman naming inusisa si Alden tungkol sa napag-usapan nila.

"Ano, ano daw kailangan nila?" tanong agad ni ate Coleen.

"Nasan na daw si Maine? kamusta na daw sya?" tanong nam ni Xhia.

"Nanghingi na ba ng ransom?"

"Gusto nila ng kapalit." sagot nya.

"Eh ano nga daw?" tanong ni ate Coleen.

"Hindi ko pa alam, basta magpakita daw ako sa kanila, wag magsama ng kahit na sino, lalong lalo na ng mga pulis" paliwanag nya.

"SASAMA KO!" sabay na sabi nitong dalawang babae na nasa tabi ko.

"Hindi pwede, sabi nila sya lang. Baka kung anong magyare kay Maine pag sumama kayo, mapahamak pa sya lalo" pagpigil ko sa kanila.

"Eh, mas delikado naman tong gagawin ni Alden, pano kung dalawa pa silang mapahamak, saka sabi ng pulis, if ever tawagan tayo ng mga kidnappers, makipag coordinate tayo sa kanila, para lahat safe" sabi naman ni ate Coleen.

"Mag matagal kapag sasabihin pa to sa pulis, mamayang madaling araw na nila ko pinapapunta" sabi naman ni Alden.

Napa-upo kaming lahat sa upuan at bahagyang nanahimik. Well sa itsura ng mga kasama ko, halatang naghahalo sa kanilang lahat ang kaba, takot, pag-aalala at kung ano-ano pa.

Basta ang alam ko, kinakabahan ako sa plano nitong si Alden.

"Sasamahan kita bro" sabi ko na lang bigla.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talaga yung nasabi ko, pero kasi nasabi ko na, eh. Kailangan ko na panindigan, para sa pinsan ko haha.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon