GGY 19: Loneliness

133 7 0
                                    

<Johan's POV>

"Hey bro, sorry" sabi ko ulit pagkadating ko sa hagdan na malapit sa office ni Maine.

Dito ko dumiretso para makausap si Alden.

"Galit pa sya? hindi nya pa ba alam yung totoo? pero akala ko ba sinundan nya ko sa airport?"

"Bro what do you expect? halos apat na buwan kang hindi nagparamdam, nagtetext at tumatawag kami sayo, pero walang sumasagot. Syempre ano ba sa tingin mo ang magiging reaksyon nung tao? matuwa?" tanong ko sa kanya na parang sinesermonan sya.

Well, alam kung stressed sya sa trabaho, pero hindi man lang ba nya inisip na may nag-aalala sa kanya?

"Pero bro, bakit? anong nangyare? akala ko okay na ulit kami? kasi nga diba yung sa airport?"

"Oo nga bro, pero umaasa kasi yung tao na pinahahalagahan mo pa rin sya kahit nasa malayo ka na. Pero wala, ni text na nakarating ka na sa London"

"Bro, I lost my phone, pagdating ko dito gabi na, tapos kinabukasan start na nung tapping, tapos sunod sunod na. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng free time"

"Bro, naiintindihan naman kita, si Maine kasi, ahm, napagod naman na din kasi siguro sya. Ilang buwan ka naman din kasing hindi nagparamdam, eh. Ginawa naman namin ang lahat para bantayan sya for you, hindi kami nagkulang na ipaalala sa kanya kung gano mo sya kamahal, siguro nga, sadyang napagod na lang sya. Ang akala nya din siguro kasi kinalimutan mo na sya!" paliwanag ko.

Parang sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Napaluha si Alden. Sa tinagal tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganyan ulit, kagaya na lang nang pag-iyak nya nung mawala si tita.

Oo umaarte sya, pero iba to, nakikita ko syang nasasaktan dahil sa taong mahal nya. Nasa malayo sya, pero randam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya.

"Bro, wag ka sanang magagalit samin, ayoko talaga sanang ako pa ang magsabi sayo nito, pero mabuti na rin kesa pagbalik mo, maguluhan ka dahil nagbago na ang lahat" paliwanag ko.

"Bro, ingatan nyo na lang sya para sakin please" bilin nya saka na pinatay yung skype.

"Hey babe!" biglang sulpot ni Xhia.

"Oh, bakit?" tanong ko

"Anong sabi nya? ano kamusta na daw sya? kelan daw balik nya?" sunod-sunod nyang tanong.

"Nakakaawa sya babe, I can see the sadness in his eyes, alam mo bang umiiyak sya hanggang sa patayin nya yung phone"

"Well, I guess that's life, siguro kung sila nga talaga ang para sa isat-isa, sila talaga, walang makakapigil" paliwanag nya.

"Sayang, bagay na bagay pa naman sila"

Hay naku, kawawa naman silang dalawa.

<Alden's POV>

Habang nag-aantay akong kunan ang eksena ko, hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Johan sakin.

"Hey, Alden, are you sick?" tanong ng isa sa co-star ko.

"No, I'm fine, it's just that, I'm over thinking I guess" sagot ko. Iniwan naman nya ko for me to take some rest daw.

Ganito pala masaktan, matagal tagal na rin kasi mula nung huli akong nagmahal, eh.

Hindi ko alam kung pano ko tatapusin ang dalawang buwan pa para mabuhay ng mag-isa dito, lalo na ngayong alam ko na yung taong pinag-aalayan ko ng lahat ng ginagawa kong to, eh, bumitaw na at tuluyan na kong iniwan.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon