GGY 41: Hope

132 6 0
                                    

<Johan's POV>

Pagdating namin sa bahay nila Alden, nasa may sala sila tito, Kuya Daniel, Rizza, Louise at Kristoffer at seryosong nag-uusap usap.

"Tito, ano pong nangyare?" tanong ko.

"Nawawala si Alden, eh" sagot nya samin na halatang nag-aalala.

"Baka naman nag-iisip-isip lang, baka nasa unit nya, or sa unit ni Maine" sagot ni Xhia.

"Hinanap na nila Kris at Louise doon, pero wala din daw, eh" sagot naman ni kuya Daniel samin.

Napa-upo na rin kami sa sofa at sinusubukang contakin si Alden.

"Itong dalawang to, parang kabute, bigla bigla na lang sumusulpot at bigla bigla na lang ding nawawala!" sabi ni Louise habang sinusubukan pa din contakin si Alden.

"Hindi kaya sinundan nya nga si Maine?" tanong ko sa kanila.

"Alam bro, iniisip din namin yan, pero hindi namin alam kung pano namin malalaman kung talagang sinundan nga nya si Maine" sabi naman ni Kristoffer sakin.

"Ahm, siguro, kailangan muna nating ipagpabukas ang paghahanap kay Alden. Malaki na sya, and I'm sure alam naman na nya yung tama at mali, kaya hindi sya gagawa ng mga bagay na ikapapahamak nya" sabi ni Louise.

"I guess tama si Louise, bukas pag wala pa tayong balita kay Alden, pupuntahan ko lahat ng mga kaibigan namin, lahat ng taong pwedeng makatulong para mahanap natin sya" sagot naman ni Kristoffer.

"Kami rin po tito, kaya magpahinga na po kayo" sabi naman din ni Xhia.

"Sige po, una na muna po kami" paalam namin.








"Hindi rin daw sila kinontact ni Alden, eh" sabi ni Louise.

Nandito kami ulit sa bahay nila Alden and we're still searching for him.

"Kung nasa New York nga sya, sana magawa nya yung mga dapat nyang gawin" sabi ni kuya Daniel samin.

<Alden's POV>

Tatlong araw na kong naghahanap sa kanya.

Pero sa laki at lawak ng New York, gano pa katagal ang ilalagi ko dito para makita sya?

Nandito ko sa isang restaurant na malapit sa hotel na tinutuluyan ko. Iniisip ko kung saang parte ng New York ko sya pwedeng makita.

Tinanggal ko sa pagkaka-airplane mode yung phone ko, kaya halos sumabog ito sa dami ng mga missed calls at messages galing kila daddy, kuya, Rizza, Louise, Kris at dun sa mag-asawa.

Hindi ko alam kung ano at kung kaninong message ba ang una kong bubuksan.

Hanggang sa makita ko ang text ni Xhia. It's not a question that asked about where am I, pero I think it's an address.

Pagbukas ko, sa message, address nga.

"Dyan nakatira ang elder sister ko, sya lang ang kakilala ni Maine sa New York, kaya for sure nandyan sya. Alam kong sinundan mo sya, sana makita mo na sya" basa ko dun sa sumunod nyang text.

Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa text ni Xhia.

"Salamat talaga Xhia" sabi ko sa phone ko.

Agad akong pumunta sa address na tinext ni Xhia sakin. Medyo malayo to sa tinutuluyan ko. Pagbaba ko sa cab, naghintay lang ako hanggang sa may makita akong lumabas sa gate.

"Ahm, excuse me, miss" tawag ko sa pansin nung babae.

Sya kaya yung kapatid ni Xhia? May hawig sila, eh, tumango naman sya at ngumiti sakin.

"Do you know this address?" tanong ko saka pinakita yung text ni Xhia sakin.

"That's my address, Who are you?" tanong nya sakin na mukhang nagtataka.

"Ahm, I'm Xhia's friend" pakilala ko sa sarili ko.

"Okay, but wait, why are you here? what do you need?" nagtataka pa rin nyang tanong.

"I'm looking for Maine, Xhia told me that your the only person she knew here, so she gave me your address, maybe she's with you? or maybe you know where can I find her"

Nakita kong napalunok sya at napatingin sa pinto ng bahay na nilabasan nya kanina.

"Are you related to her?" tanong nya sakin, tumango namam ako sa kanya.

"I'm her fiance" sagot ko sa kanya.

"I'm Alden" dagdag ko, baka kasi isipin nya ako yung damuhong si Lloyd, eh.

"Ah, she's not here, she went out to buy some foods, she's craving" sagot nya sakin with a wide smile on her face.

"Oh by the way, I'm Cams, Xhia's older sister. Let's go inside, for sure she's on her way home" sabi nya saka ako pinatuloy sa bahay nila.

Ang ganda talaga ng style ng mga bahay dito sa ibang bansa. Ganito yung mga type ni Maine, eh, yung may malawak at maganda ang view na bakuran, tapos may table sa gilid tapos may malamig at mabangong simoy ng hangin.

Hinihintay ko sya for almost 30 minutes, nang bumaba si ate Cams galing sa taas at kausapin ako.

"Ahm, Alden, Maine texted me, she told me that she will be late, she needs to fix something" sabi niya habang nakatingin sa phone nya.

"But don't worry, you can come back here tomorrow, and I won't tell her that you're looking for her" sabi nya paglapit nya sakin.

"Okay, thank you ate Cams, sorry for disturbing you" sabi ko.

"No you're not, I'm expecting you ko come back here tomorrow morning okay?" she said then hinatid na ko sa labas.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi, hindi ko maalis sa isip ko na isiping makikita ko na si ulit si Maine bukas.

Pagdating ko sa hotel na tinutuluyan ko, humanap agad ako nang isusuot ko para bukas. Bumili na rin ako nang teddy bear at chocolates na ibibigay ko sa kanya bukas.

"Aakyat lang ng ligaw ang peg ko dito, ah" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin dun sa chocolate at teddy bear na binili ko for her.

Hindi na baling magmukha akong naghahabol, basta gagawin ko lahat para sa kanya. Kahit na kailangan ko pa syang ligawan ulit.

Bago ako matulog, kinuha ko na muna yung picture nya na nasa wallet ko.

"I won't give you up" sabi kosaka kiniss yung picture.

Nung binalik ko na yung picture sa wallet ko, nilapag ko na ito sa side table ko nang biglang magring yung phone ko na katabi lang ng wallet ko.

"Unknown? sino naman to?" tanong ko nang makitang number lang yung tumatawag sakin.

"Hello?" bungad ko pagkasagot ko sa phone.

"Have you find her?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Sino to?" nagtataka kong tanong, hindi familiar yung boses, eh.

"This is me jiho, Maine's father"

"Ahm, tito, ahm, sorry po, bakit po kayo napatawag"

"Nalaman ko kila Nico na nawawala ka daw, I'm glad yung tawag ko yung sinagot mo."

"Ahm...."

"I know na hinahanap mo sya, I don't have any idea kung nasan sya, pero Alden, sana makita mo nga sya. Pag nakita mo sya, tell her that she can do anything she wants. Hayaan nya na ang nanay nya, be happy guys"

"Tito....."

"I know you're thank you, pero pag sya bumalik dito ng hindi ka kasama, wag ka na talaga magpapakita sakin huh!"

"Ako na pong bahala sa kanya"

"Dapat lang. Make her happy in every seconds of  her life! Mag-iingat kayo" He said then hang up the phone.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon