GGY 45: Changes

157 5 0
                                    

<Xhia's POV>

"Hoy babae, ikaw talaga, manganganak ka na, hindi mo pa sinasabi samin!" bungad ni Louise sakin, kahit na kapapasok nya pa lang sa bahay.

Dinalaw nya ko dito sa bahay namin, eh!

"Kailangan nakasigaw?" pabalang ko namang tanong sa kanya.

"Hindi naman, pero buntis ka na pala nung nag-aasaran tayo dati, bakit hindi mo man lang sinabi, ikaw talaga" sabi naman nito.

"Hindi ko rin alam, three months na ako nang malaman ko noh" sagot ko naman sa kanya.

"Eh, teka, kelan ba due date mo? ano yan babae o lalaki?" excited nyang tanong sakin habang hinahawakan yung baby bump ko.

"Ah, July 7, it's a girl!" sagot ko.

"Ang lapit na pala, sa Tuesday na, apat na tulog na lang, ui, ninang ako, ah!" paalala nya pa.

"Oo ba, basta makakapunta, masyado ka na atang busy, eh, di ka na namin ma-reach, parehas kayo ni Kristoffer" sabi ko naman.

Halos walong  buwan na rin kasi kaming hindi nagkita. Nasa out of town kasi sya for the whole seven or eight months, nagte-tapping. Si Kristoffer naman, next week pa ang uwi, nasa tapping din sa Singapore.

Mga big time tong mga to, eh, daming raket, kaya dapat talaga ninang at ninong sila ng baby ko hahaha.

"Oo naman, tutal mall shows n alang naman ang raket ko this month!" sabi nya habang busy mamangha sa malaki kong tyan.

"Hay, ano pala sabi ni kuya Daniel nang malaman nyang buntis ka? for sure gulat din yun" tanong nya sakin.

"Hay sinabi mo pa, ayun nga, napakamot na lang sa batok nya. Pero same kayo ng reaksyon, ninong din daw dapat sya" sagot ko naman.

"Hay, ang bilis ng panahon ah! nakakagulat din pala minsan ang bilis ng ikot nang mundo noh?" sabi nya.

"Oo nga, eh, daming nagbago, akalain mo yun ilang tulog na lang nanay na ako" sabi ko naman sa kanya na kinatawa nya.

"True, fore sure excited na kayo ni Johan" sabi nya, tumango at ngumiti naman ako as an answer.

"Speaking of, si Johan nga pala, nasan?" paghahanap nya kay Johan.

"Syempre nagtatrabaho, kailangan nya kumayod, eh, aba, mahirap mawalan ng pambili nang gatas" sagot ko naman na kinatawa nya.

"Makapagsalita naman to, kala mo naghihirap. Pero infaireness, ah, nanay na nanay na dating natin" sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko sakin.

<Louise's POV>

Nagkukwentuhan kami ni Xhia hanggang sa hindi na namin namalayang dumating na pala yung mister nya.

"Ui Louise Delos Reyes, nandito ka pala sa bahay namin, long time no see!" bungad nya sakin saka hinalikan ang asawa nya at ang tyan nito, napangiti tuloy ako.

How sweet!!!

"Uhh, sweet, ah, kailangan talaga sa harap ko? grabe, ah" sabi ko sa kanila.

"Mag-asawa ka na rin kasi" sabi na lang ni Johan sakin na naki-upo na rin samin.

"Hay, wala pa kong ipon, sa susunod na lang" sagot ko naman.

"Ano ka ba, hindi mo kailangan mag-ipon, dapat lalaking may ipon ang hanapin mo" sabi naman ni  Xhia sakin.

"Oo nga, saka sa tinagal tagal mong nawala para magtrabaho, wala ka pang ipon, ay hindi kami naniniwala. Wala kang maloloko dito uy!" dagdag naman ni Johan.

God Give me YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon