Chapter 1

171 5 0
                                    

"ANO NA, Lucy? Saang simbahan ba maganda? Ang reception? Motif ng kasal?" kinikilig na tila teenager na tanong ng kaibigan kong si Bella habang nakatingin sa mga collections kong figurine.

"Hindi ka naman excited 'no? 'Wag na muna nating pag-usapan 'yan. Seven years old palang ang mga anak natin loka ka. Saka nalang kapag tumuntong na sila sa college," nakangiti kong sagot sa kanya.

"AAAAHHHH!"

Nagkatinginan kami nang marinig namin ang sigaw ni Laura, anak ni Bella. Agad kaming napatakbo sa may sala. Nakita namin ang anak kong si Luke na tumatawa habang pilit na nilalapit sa mukha ng batang babae ang hawak na ipis.

"Luke! Saan mo nakuha 'yan?!" Agad kong inagaw ang hawak niya at tinapon sa basurahan. Nandidiring kumuha ako ng alcohol at nilagyan ang mga kamay namin ng anak ko.

"Sa labas. I put it inside the jar. Because I'll use it to scare, Laura," nakangising sagot niya.

"Kung ano-ano nalang kalokohan ang ginagawa mong bata ka! Bakit ba lagi mo nalang pinapaiyak si Laura, ha?!" naiinis na sita ko sa kanya.

"Because she's so maldita! And I don't like her!" sagot ulit ng magaling kong anak.

"You're so maldito too! You look like a bakulaw!" balik sigaw naman ng anak ni Bella.

Napailing nalang kami ng kaibigan ko na pilit pinaglayo ang dalawa.

"Eh, ikaw? Si Bakikang! Hahaha!" sugsog naman ni Luke kay Laura.

"As if cute ka rin! Mukha ka namang tikbalang! Mas cute pa si Kokey sa'yo!"

"Shut your mouth, Laura. Get your dolls," utos ni Bella sa anak na agad namang sumunod.

"Aalis na kayo?" I asked.

"We need to, Lucy," sabi niya at sabay kaming napatingin sa dalawang bata na pilit inaalis ang pagkakawak namin sa kamay nila para awayin na namam ang isa't isa.

"Huwag ka ng bumalik dito!" sigaw ng anak ko kay Laura.

"Talaga lang! At wag ka na ring pumunta sa amin!"

"We need to go. Baka may mangyari pang digmaan dito," natatawang saad ng kaibigan ko.

"Okay, Bella." I sighed and hugged my bestfriend. Akala mo magkakalayo na kami, e kabitbahay lang naman namin sila.

"Ouch!" biglang sigaw ni Luke nang hilahin ni Laura ang buhok niya.

Agad naming hinila palayo ang dalawa.

"Bye, Lucy!" paalam ni Bella habang hinihila palabas ang anak niya.

"Take care!" sagot ko naman habang pinipigilan ang nagpupumilgas na anak ko.

Kailan ba sila magkakabati?

Nalulungkot na pinapasok ko na si Luke sa kwarto niya. Ang hirap gawin ng plano namin ni Bella. Hindi ako sigurado kung matutupad iyon.


"HELLO PO, Tita Bella!" magiliw na bati sa akin ni Luke na cute na cute sa suot nitong blue shirt at maong shorts.

"Hi, Luke!" I greeted him back and kissed his cheeks. I did the same to my bestfriend, Lucy.

"Where is Laura?" tanong ng batang lalaki habang patingin-tingin sa likod ko.

"Nasa kwarto niya—" Hindi ko na natapos ang gustong sabihin nang bigla nalang itong tumakbo papunta sa kwarto ni Laura. Sekreto akong napangiti.

"Luke! Magdahan-dahan ka sa pag-akyat!" sigaw ng kaibigan ko. Natatawang tiningnan ko siya na kunot na kunot ang noo dahil sa pag-aalala. "Sakit sa ulo talaga ang batang 'yon! Napakakulit!" frustrated na maktol niya.

"Eh, saan ba nagmana? 'Di ba sa'yo?" She glared at me kaya napatawa ako. Inaya ko siya sa kusina dahil may bini-bake pa akong cookies.

"We need to do something about our children, Lucy. Kailangan natin silang mapasundo hangga't maaga pa," I told her while checking the oven.

"Gustuhin ko man pero wala akong maisip na paraan, Bella. For now, let's just go with the flow. Maybe one of these days ay magkakabati rin sila," Lucy answered as she ate the cooked cookie she got from the table.

"MOMMY!" Narinig naming sigaw na naman ni Laura. Hindi na yata kami naninibago sa ganitong sitwasyon.

"Nagsisimula na naman sila," I sighed and hurriedly turn-off the oven.

"Bilisan mo diyan! Magiging referee na naman tayo." Hinila ko agad si Lucy na may nakasaksak na dalawang cookies sa bibig. Natawa nalang ako ng mabilaukan siya.

"What happened?" bungad namin pagkapasok palang sa kwarto.

"Oh my gosh! Luke, bakit may sugat ka?" natarantang tanong ni Lucy ng makitang dumudugo ang noo ng bata. Agad namin siyang nilapitan at tiningnan ang sugat.

Dali-dali akong kumuha ng alcohol at cotton sa medicine kit na nasa CR namin. Binigay ko naman kay Lucy pagkatapos ay nagsimula na siyang linisin ang sugat ng anak.

"Ano bang nangyari?" tanong ng kaibigan ko kay Luke. Nilapitan ko naman si Laura na namumulang nakatakip ang mga kamay sa mukha.

"Binato ako ni Laura ng tablet niya," nakangising sagot ni Luke. Nagkatinginan kami ni Lucy na parehong nagugulohan sa reaction ng anak niya. Hindi ba dapat umiiyak ang bata kapag nagkasugat? Pero bakit nakangiti si Luke na tila tuwang-tuwa pa?

"Why did you do it, Laura?" I asked my daughter.

She took away the hands from her face and looked at me.

"He kissed me!" sigaw ng anak ko sabay turo kay Luke.

"KISS?!" sabay react namin ni Lucy.

"Hinalikan ko siya sa lips! Hahaha!" Luke answered.

"WHAT?!" napabulalas kami sa gulat. Napalipat-lipat ang tingin namin sa dalawang bata. Nahihirapan kaming paniwalaan ang mga sinasabi nila.

"Sabi niya kasi mukha daw akong bakulaw. Bad breath daw ako at hindi nagto-toothbrush. While she said that she's pretty with a yummy lips. So I kissed her to know if it's true. And, yes. Her lips is sweet! Lasang strawberry at chocolate sundae!" nasisiyahang kwento pa ni Luke na walang kamuwang-muwang sa nagawa.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Hindi alam kung magagalit ba o matatawa.

"Naku, kay bata-bata niyo pa pero may nalalaman na kayong ganyan!" sita ko sa mga bata pero may ngiti naman sa mga labi.

"Huwag kang makinig kay Tita Bella mo, Luke. Ipagpatuloy mo lang 'yan!" nakangising sabi ni Lucy sa anak kaya nahampas ko tuloy siya.

Nagkatawanan nalang kami at parang mga teenager na kinilig. Nagsimula namang magbangayan ulit ang dalawang bata kaya agad naming inawat.

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon