KANINA pa ako nakamasid sa tulalang anak ko habang kumakain. Ang layo ng tingin ni Laura na iniikot-ikot lang ang hawak niyang kutsara.
"Hoy, Laura! Kumain ka na."
Hindi pa rin siya tumitinag at nakatulala pa rin. Malakas ang pagkakasabi ko pero may mas ilalakas pa.
"LAURA!"
Aba! Wala pa rin? Alam ko na kung bakit nagkakaganito ang babaeng ito.
"Ma? Iniiwasan po ba ako ni Luke?" Malungkot na humarap siya sa akin. Sabi ko na nga ba e.
"Ano sa tingin mo? Halos tatlong linggo mo na nga siyang hindi nakikita."
"Bakit niya ako iniiwasan? Galit na galit ba talaga siya sa akin?"
"Ewan ko.... Hay naku! Kailangan niyo talagang mag-usap ng masinsinan."
"Paano? Eh, kung makatago ang bakulaw na 'yon mas magaling pa sa mga kriminal. Kahit magkatabi nga ang bahay natin, hindi ko pa rin nahuhuli."
"Edi, pabayaan mo nalang muna."
Napabuntonghininga ang anak ko at matamlay na sumubo ng pagkain. Nakaramdam naman ako ng guilt. Agad akong tumayo, wala namang imik si Laura. Pumunta ako sa kwarto at tinawagan si Lucy.
"Anong balita?" bungad ng bestfriend ko sa kabilang linya.
"Mission success! Kaso tayo lang yata ang nakakaalam sa tunay na feelings nila. Kaya kailangan pa nating pag-untogin ang ulo ng ating mga anak!"
"So, anong plano?"
"Ganito ang gagawin natin..."
TANGHALING tapat pero kagigising ko lang. Naabutan ko si Mommy Bella na hawak-hawak ang tiyan at para bang namimilipit sa sakit.
"Ma, what's wrong?" Agad akong lumapit at tumabi sa kanya.
"Ang sakit kasi ng tiyan ko."
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Tapos na. Kaso... may kunting problema lang ako."
"Ano po 'yon?"
"May ibibigay daw na pasalubong iyong classnate ko noong college. Pwede bang ikaw nalang ang kumuha, anak? Magkikita kasi sana kami ngayon."
"Sure, Mom. Basta magpahinga ka lang dito. Ako na ang bahala."
Pagkatapos sabihin ni Mommy ang lugar ng tagpuan ay agad na akong nagbihis at umalis. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Maiiwasan ko pa si Laura.
NAGBABASA ako ng magazine nang lumapit sa akin si Mommy Lucy. Umupo siya sa katabing upoan ko. May hihinging pabor sigurado.
"Ahm, anak, pwede bang humingi ng favor?"
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagtingin ng mga pictures. Pilit kong tinataboy sa isip ko ang isang taong wala na yatang planong harapin ako.
"May kikitain sana akong kaibigan ngayon. Kaso... nakalimutan kong may usapan pala kami ni Tita Bella mo."
"If you're asking me to go with you there, sorry but no."
Biglang tumawa ang Mom ko na ikinakunot ng noo ko. Nilingon ko siya at nakita ang natutuwang ekspresyon niya.
"Hindi naman 'yon ang plano ko e. What I want is, sasamahan ko si Tita Bella mo pero ikaw ang bahala sa isang kaibigan ko. May ibibigay lang siya, kukunin mo lang, tapos bumalik ka na dito. Simple lang."
Napaisip muna ako bago tumango. "Saan ba kami magkikita?"
"Ayy! Salamat, anak!"
Napailing nalang ako ng tuwang-tuwa siya sa pagpayag ko. Tsk. Minsan may pagka-over acting rin itong mommy ko. Pero kahit ganun, love ko pa rin siya.
PALINGA-LINGA ako sa paligid habang naglalakad. May bumabagabag sa isip ko pero pilit ko iyong iwinawaksi. I'm just assuming things.
"Nakalimutan kong itanong kay Mommy ang itsura ng kaibigan niya. At bakit ba sa park ang tagpuan nila?"
Kahit nagtataka ay nagpatuloy lang ako sa paghahanap. Marahil ay makikilala ako ng taong kikitain ko ngayon.
"Ay, sorry." May nakabungo ako dahil patalikod akong naglakad. I even bowed at nagpatuloy na sa paglakad. But I saw someone familiar...
"Luke?"
"Set up."
Mabilis ang pagtalikod niya sa akin pero agad ko siyang napigilan sa braso.
"Wait! Can we talk?"
"Talk? For what?" Winaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. At doon ko napagtantong galit nga talaga siya sa akin.
"Are you still mad at me?"
"What do you think?!" Galit na humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na emosyon sa mga mata niya. "'Di ba, ganun ka rin naman sa akin?" His face softens.
"Ano? What do you mean?" Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Stop acting as if you don't know. You don't need to explain and say it to me. Jester already did." Napatiim-bagang siya. He looked at me sharply. At parang nasusugatan ako sa klasi ng tingin niya.
"W-What are you talking about?! Anong sinabi niya sa'yo?"
"He told me how much you hate me and how much you don't like me! Sinabi niya sa akin kung gaano mo ako kinasusuklaman, Laura." I saw his pain while saying those words. Naramdaman ko iyon kahit nakita ko lang iyon sa mga mata niya. Sumikip ang didbib ko.
"It's not—"
"Enough! Ayoko ng umasa pa, Laura!"
Napatigil ako. "U-Umasa?"
Napayuko siya. Nanginig ako sa kaba.
"Patawad sa mga panahong inaaway kita. Sorry kung iniinis at inaasar kita. Pasensya na kung nasasaktan na pala kita. Pero Laura, gusto ko lang malaman mo na..." He look at me deeply in the eyes. Ang lalim, para akong hinihigop. "Mahalaga ka sa buhay ko."
"L-Luke."
Wala akong masagot. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Nagugulohan ako. Kinakabahan ako. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig?
"Mahal kita. I love you since we're little, Laura."
Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ko. Para akong na-paralyze dahil hindi ako makagalaw. Parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. I felt so many feelings at the same time.
"Hindi ko alam kung kailan mo ako kayang mahalin," nakayukong sabi niya. "Baka hindi ko na mahintay... Baka hindi ko na abutin."
He looked at me again. Pero hindi siya lumapit, hindi man lang niya ako hinawakan. Habang ang pagtitig sa kanya lang ang nagagawa ko. Ganoon din siya.
"But I just want to ask you these..." He bowed his head. "Mahirap ba talaga akong mahalin? Napakasama ko na ba sa paningin mo? I just want your attention, that's why I always tease you. Even if you shout at me, masaya na ako. Kaya kung nasaktan ka pala, sana alam mong mas nasasaktan ako. I'm sorry. I am so sorry for hurting you."
Then he left.
Nag-uunahan sa pagdaloy ang mga luha ko. Nasasaktan rin ako sa hindi ko alam na dahilan. I wanted to call his name, I want to stop him but... Wala na akong ibang nagawa kundi ang tingnan ang paglayo ni Luke.
"Huwag kang lumayo. Ayokong umalis ka sa buhay ko."
Huli na. Hindi na niya maririnig. Ano na ang mangyayari sa amin? Hindi na ba talaga mababalik sa dati ang lahat? Iyong mga araw na masaya lang kami? Masayang kasama ang isa't isa?
Bakit ngayon ko lang nalaman ang tunay niyang nararamdaman? Bakit ngayon niya pa naisipang sumuko, 'di ba kasisimula niya palang? Bakit ayaw niya akong pakinggan?
Ayaw niya bang malaman ang tunay ko ring nararamdaman?
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...