Chapter 24

79 3 0
                                    

"YOU'RE here again."

"Luke!" sambit ko sa pangalan niya nang makita ko siya sa likod ni Jester. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at nilingon si Luke.

"Ikaw na naman!" Jester hissed. Matalim silang nagkatinginan. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila. Gusto kong hambalusin si Jester, habang gusto ko namang tumakbo kay Luke at yakapin siya.

"Stay away from my Laura or else..."

My Laura... Shocks! This is not the right time para kiligin ng ganito.

"Hindi ako natatakot sa'yo!"

I saw Luke smirked and crossed his arms to his chest. Unti-unti naman akong humakbang sa gilid palayo kay Jester. Dahil napunta kay Luke ang atensyon niya, hindi niya namalayang nabitiwan na niya pala ako.

"I can let you out. But Tita Bella will never ever consider it. Do you want me to call cops for her?"

Jester stiffened when Luke showed his phone and pressed a button.

Mabilis pa sa alas kwatro na nawala sa paningin namin ang pigura ni Jester. He was cussing when he ran away immediately.

Luke looked at me. Hindi naman ako natinag sa kinatatayuan ko. Pero nakatuon rin sa kanya ang mga mata ko. He slowly walked towards my direction and my heart started to beat so fast.

Hanggang sa tuloyan na siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Wala akong sinayang na minuto at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. And my tears started to fall again. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang pagyakap.

Gosh! I missed him so much!

"Okay ka lang?" he suddenly asked. Agad naman akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay lang. Nandito ka na e." Pasinghot-singhot pa ako ng sabihin ko iyon. Napangiti naman siya.

"Let's talk?" he softly asked me. Tumango naman ako at hinila siya papasok ng bahay. Dinala ko siya sa sala at magkatabi kaming umupo. Hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa.

"Sorry for staying away from you," nakayuko niyang sabi.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko kasabay ang pagbalik ng tingin niya sa akin.

"I'm not the father of Lyka's baby kung iyon ang iniisip mo."

"Ha? W-Wala naman akong sinabi ah?" iwas ko ng tingin. Paano niya nalaman iyon? I didn't tell anyone, even my mother.

"Tita told me that she read it from your diary. Actually, nasa akin na ang diary mo."

Nanlaki ang mata ko at napabitaw sa kanya. Hindi ko alam kung tinakasan ba ako ng dugo at namutla o namula ako sa sobrang hiya.

"N-Nabasa mo? A-Alam mo na ang lahat?"

Unti-unti siyang ngumisi at tumango. Para naman akong kandilang naupos at napayuko. Tatalikod na sana ako pero bigla niya akong niyakap.

"Hindi ko nasabi sa'yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Hindi man halata sa kilos ko noon dahil sa pang-aasar ko sa'yo, ngayon ay gusto ko nang malaman mong napakaimportante ng isang Laura Alquezar sa buhay ko."

Napakagat ako ng labi sa kilig, kasabay ng pag-agos ulit ng luha ko dahil sa saya. I hugged him back. As tightly as I could.

"Ang cheesy mo, pwede ng palaman sa tinapay." I chuckled. Binitiwan ako ni Luke at hinarap ako.

"Huwag mo akong simulan," seryosong saad niya sabay tulak ng noo ko gamit ang hintuturo niya.

"Aray! Akala ko ba gentleman ka dapat?!" Sumimangot ako at tinalikuran ulit siya.

"Aish! Sorry, sweetie pie. Ikaw kasi e." Niyakap niya ulit ako sa likod at hinalikan pa ako sa pisngi. Nag-init naman ang aking mukha.

"Sinubokan kong lumayo at iwasan ka," salita niya ulit. "...pero hindi ang kalimutan ka. Kasi noong pinakinggan ko ang puso ko, pangalan mo pa rin ang sinisigaw nito e."

"Ay sus, bola," irap ko pero humagikhik naman sa kilig. Hindi ko na mapigilan.

"Tss. Ikaw kaya sa posisyon ko. Tama. Ikaw naman ang mag-confess ng feelings mo sa akin." Pinaharap niya ako at nakita ko siyang nakangisi.

"Feelings? W-Wala ah!" Napaiwas ako ng tingin dahil sa lalim ng titig niya. Nakakalusaw!

"Your diary is a proof. I even heard what you said to Jester a while ago," he chuckled. "I like the way you shouted that you love me."

Mahina ko siyang hinampas dahil sa hiya. Wala na talaga akong lusot.

"Huwag mo na ulit hahayaang makalapit sa'yo ang gagong 'yon. We'll file a blotter and my decision is final whether you agree or not."

"Seloso! Hinding-hindi naman kita ipagpapalit sa kanya." I laughed at hinawakan ang magkabilang mukha niya. He did the same to me.

"If ever I get jealous, it doesn't mean that I don't trust you, Laura. It's just that, I don't want others to take my place that supposed to be mine... and mine alone."

He leaned closer to me. May pananabik sa mga mata. Hanggang sa bigla ko nalang naramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko. He kissed me slowly and passionately. Iyon bang may pag-iingat at may pagmamahal. And it feels so unreal.

Nakulangan pa ako nang lumayo siya. I want to kiss him more. But I need him to know something first.

"I may not be so expressive to tell and show how much I value you," I told him. "...and how much I wanted to have you, now I want you to know that I never ever want to lose you, Luke. I love you so much, Love."

"I love you too, Laura, my sweetie pie."

Humagikhik ako dahil sa endearment niya. He laughed too. We stared each other's eyes and face before he lean forward again. Nang nakita ko ang muling pagpikit ng mga niya ay awtomatikong napapikit na rin ako hanggang sa naramdaman ko ang lambot ng labi niya.

He kissed me lovingly. But I kissed him back aggresively. I can't just waste another time.

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon