MAGKAHALONG galit at kaba ang bumalot sa sistema ko. I felt so mad that I can even kill if no one will stop me.
"Get away from her! TARANTADO KA!"
Malakas kong hinila si Jester palabas ng kotse niya at agad sinuntok sa mukha. Nagulat pa siya nang makita ako, at sinagot ko iyon ng isa pang suntok. Galit na galit ako ngayon at wala na akong pakialam kung hanggang saan aabot ang magagawa ko sa gagong ito.
"DAMN YOU!" Buong lakas ko siyang sinipa na naging dahilan upang mapatihaya siya sa daan. "PARA KAY LAURA!" Kwenelyohan ko siya at sinuntok ulit sa mukha. "AT PARA SA AKIN!" Pinasadahan ko ulit ng kamao ang magkabilang panga niya. Hanggang sa hindi ko na mabilang ang binigay kong suntok sa kanya. Nag-uumapaw ang galit ko.
"Luke!" pigil sa akin ni Laura. "Hayaan mo na siya!"
"HAYAAN?! MUNTIK KA NA NGA NIYANG MAGAHASA TAPOS HAHAYAAN KO LANG?! PAANO NALANG KAYA KUNG HINDI KO KAYO SINUNDAN? NA HINDI KITA BININTAYAN?! HA?!" Malakas na sinipa ko si Jester na nakalugmok pa rin at namimilipit sa sakit.
"Please..." Naramdaman ko bigla ang mainit na yakap ni Laura sa likod ko. "T-Tama na." Humagulhol pa siya ng iyak na siyang nagpatunaw ng galit ko.
Padabog kong binitawan si Jester na puno ng pasa sa mukha at katawan. Matalim ang tingin na iniwan ko sa gago bago hinarap si Laura.
Napatiimbagang nalang ako ng makita ang itsura niya. Magulo ang buhok at punit-punit ang damit. Parang gusto ko ulit tadyakan si Jester kung hindi lang ako hinawakan ni Laura sa kamay. Napahinga nalang ako ng malalim bago hinubad ang suot na t-shirt at pinasuot sa kanya. Bahala na kung wala akong pantaas. Bahala na kung malamig ang hangin. Mas importante siya.
Mabilis ko siyang niyakap at hinalikan sa ulo.
"Ikaw kasi e. Hindi ka nakikinig sa akin. Ayaw mo akong paniwalaan," mahinang bulong ko sa kanya. Hikbi lang ang isinagot niya habang nakayakap ng mahigpit sa akin.
"Tahan na. Nandito na ako. Nandito lang ako lagi para sa'yo. Always remember that."
Inakay ko siya papasok sa loob ng kotse ko. Mabuti nalang at sumunod siya pero nakayakap pa rin sa akin. Ramdam ko pa nga ang panginginig niya dahil sa takot. Kaya hinawakan ko ang kanyang mukha, pinahid ang bawat patak ng luha niya at tinitigan siya sa mata.
"Huwag ka ng matakot, okay? Nandito ako. Hindi kita iiwan. And I'm always here to protect you."
Mahina siyang tumango kaya napangiti ako. Hinalikan ko muna ang noo niya bago pumunta sa driver's seat. Kakaupo ko palang ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"P-Paano si J-Jester?"
I gritted my teeth again. Parang bumalik lahat ng inis ko ng marinig ko ang sinabi niya na may bahid pang pag-aalala. I hurriedly turned away my gaze from her and started the engine.
"Let him have his own medicine."
"SABI KO na nga ba e! Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang pagmumukha ng hayop na 'yon! Subukan niya lang magpakita sa akin! Naku't hindi ko siya sasantuhin!" galit na sigaw ni Tita Bella habang palakad-lakad sa harap namin. Magkatabi kaming nakaupo ni Laura sa sofa, habang nasa kabila niya naman si Mommy na inaalo siya. Suot ko na ulit ang damit ko habang nakatapis naman sa kanya ang tuwalya na binigay ng mama niya.
"We should file a case against that bastard," my Mom said.
"H-Huwag na po," sagot ni Laura na nagpaigting na naman ng galit ko.
"Are you out of your mind?! What he did to you is punishable by law! At hindi pwedeng hayaan lang natin ang kagaguhan ng tarantadong 'yon!"
"Right! Dapat makulong ang lalaking 'yon!" sang-ayon ni Tita sa akin.
"Ma, h-hindi naman talaga ganun kasama si Jester e. B-Baka nadala lang siya sa damdamin niya. A-At may kasalanan rin ako. H-Hindi ko kasi ini-expect na ganun na niya ako kagusto, to the point na naisipan niyang gawin iyon sa akin para matali ako. N-Naging kaibigan ko rin siya. A-Ayokong masira ang buhay niya ng dahil sa akin."
Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko. Gusto kong mag-react pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka ano pang masabi ko.
"Kahit na, iha. Paano nalang kapag pagtangkaan ka niya ulit ng masama?" dagdag naman ng Mommy ko.
"B-Basta po. A-Ako na ang bahala. K-Kakausapin ko po siya."
"Ganyan ka na ba talaga ka bobo?! He almost raped you and you still want to talk to him?! SANA AY PINATAY KO NALANG ANG GAGONG 'YON!"
After I blurted those words, agad akong umalis at iniwang gulat ang tatlo because of my sudden outbursts. Wala na akong pakialam kung ano ang pagkakaintindi nila sa inakto ko. Basta isa lang ang alam ko, galit ako. Hindi lang dahil sa nangyaring muntikan ng magahasa si Laura. May mas mabigat pang dahilan na hindi ko kayang ibunyag ngayon.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin. Galit na galit talaga ako. I even felt a pang in my chest when I thought about how worried Laura was to Jester inspite of what he did to her. It really made me so mad. So freaking mad.
"Luke!"
Napatigil ako ng marinig ang tawag ni Mommy sa akin. Gusto ko mang tumakas ngunit hawak na niya ang braso ko.
"May pag-uusapan tayo bukas, kasama sina Laura."
Nakasimangot kong nilingon ang Mama ko at tiningnan siya ng masama. Beast mode pa rin ako, hindi ko mapigilang madamay siya sa galit na nararamdaman ko.
"Ano bang pag-uusapan natin? At bakit kasama pa sila?! Ano na naman ba ang naisip niyo, Ma?!"
"Malalaman mo bukas. Huwag kang atat. Kung magalit ka, akala mo asawa ka ni Laura. Tch. Nagpapakatorpe kasi, ayan tuloy at muntik ng maunahan."
Para akong pinutolan ng dila at hindi makapagsalita pagkatapos marinig ang sinabi niya. Para rin akong binuhosan ng malamig na yelo, naparalisa at hindi na makagalaw. Ilang sandali ang lumipas bago ako natauhan at napahilamos ng mukha. Pagkatapos ay mabilis na sumunod sa magaling kong ina pauwi sa bahay namin.
"Asar! Nahuli na pala ako."
Sumulyap ako ng isang beses sa kabilang bahay bago tuloyang pumasok sa amin. Mabuti nalang at wala akong nadatnang inang nakangisi sa akin para manudyo.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...