"NASAAN nga pala si Luke, Lucy?" Bella asked me. And we froze instantly because of her question.
"Luke/Laura!" sabay naming sigaw na agad napatayo sa kinauupoan. Baka nag-abot na naman ang landas ng mga anak namin. Kulang nalang magpatayan ang dalawang 'yon kung makita nila ang isa't isa.
"Sana lang walang nangyaring masama sa mga bata," kinakabahan kong sabi na ikanilingon ni Bella sa akin.
I know they're already old enough to handle quarrel. But I just can't stop worrying about them. Hindi namin alam kung saan hahantong ang pag-aaway ng dalawang iyon. Baka magpisikalan na. Hindi talaga namin maintindihan kung bakit inis na inis sila sa isa't isa.
Napabuntong-hininga ako pagbukas ng pinto. Pero hindi kami natuloy sa paglabas ng bahay nang nakita na namin ang dalawa.
"Bakit kayo basang-basa?" nagtatakang tanong ko. Nakatayo sila sa harap ng bahay. Parang mga basang-sisiw habang nakangiti. This is not what I expected to see.
"Akala ko kasi bulaklak siya, kaya diligan ko. Masamang damo naman pala," natatawang saad ni Luke sabay turo kay Laura, na natatawa ring hinampas sa balikat ang anak ko.
What's going on? Nagkahimala ba?
"Kayo talaga, mga isip bata pa rin!" sita sa kanila ni Bella. Hindi naman ako natinag sa kinatatayuan. "Umuwi ka muna sa atin, Laura. Magbihis ka d'on!" dagdag pa ng kaibigan ko.
"Ikaw kasing tikbalang ka e! Tama bang diligan ako?!"
"Quits lang tayo 'no! Binasa mo rin kaya ako!"
"Ehh! Kainis ka talaga!"
Nagsasagutan na naman sila. Seriously? Bipolar ba 'tong mga anak namin?
"Ano?! Gusto niyo sa kwarto ipagpatuloy ang pagsisihan? Baka doon mag-angkinan-"
"MOMMY!/TITA!" sabay sigaw ng dalawa dahil sa sinabi ni Bella. Humalakhak naman ang magaling kong kakuntsaba.
Dali-dali namang umalis ang dalawa sa kanya-kanyang patutungohan. Si Luke ay sa kwarto niya habang umuwi naman si Laura sa katabing bahay.
"Huwag mo akong sisihin kung maagang mabuntis 'yang anak mo!" talak ko kay Bella.
"Hindi talaga ako magsisisi! Papakasalan rin naman siya ng anak mo!" natatawang sagot niya.
"Eh, anong ipapangalan natin kay apo?"
"Mag-google search tayo."
Napatawa nalang kami sa pinaggagawa namin. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ng dalawa dahil sa pangingialam namin sa buhay nila. Basta, para sa amin, hindi lang ito dahil sa isang kasunduan. We just want to be assured na secured ang mga anak namin. Bahala na kung sa dinami-dami ng tao sa mundo, kapit-bahay lang pala ang makakatuloyan ng anak ko. Ang mahalaga ay alam ko na tamang tao at mabuting pamilya ang makakasama ng anak ko.
PASUKAN na namin ulit. At balik na naman kami ni Luke sa dating gawi--- ang magbangayan, mag-inisan at mag-asaran. Para ngang walang nangyaring tawanan sa pagitan namin noong nakalipas na linggo.
Ngayon naman, pilit kaming pinagsasabay umuwi ni Luke ng mga mommy namin. Nasa mall daw sila at gusto nilang sumunod kami doon.
"Kanina ka pa?" tanong ng kararating na si Luke. Pinagpapawisan siya at hinihingal pa.
"Anim na dekada na akong naghintay sa'yo! Mabuti at dumating ka pa!" irap ko sa kanya.
"Pasensya po, ah? Ikaw ba namang habulin ng mga chics, 'di ka mag-aala ninja? Kasalanan 'yan ng department niyo! Ang daming pakulo!"
Oo nga pala. May activity ang department namin ngayon. Ang daming booths, akala mo mga high school.
"Tss. Nagyayabang ka lang e." I rolled my eyes again.
"LAURA!"
May tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming napatingin ni Luke sa may-ari ng boses. Nakita namin sa hindi kalayuan si Jester na kumakaway, sakay sa kotse nito. Tumigil ang sasakyan nito sa gilid namin.
"Hop in! Hatid na kita," nakangiting aya ni Jester.
Sinabi ko na sa kanya kanina na sabay kaming uuwi ni Luke. Bakit niya ako inaaya ngayon?
"Ha? E, 'di ba-"
"Halika na. I'll bring you home safe and sound," pigil niya sa sasabihin ko. Hindi man lang siya tumingin kay Luke na nasa tabi ko. Para bang ako lang ang nakikita niya.
"We'll go home together," Luke said and suddenly grabbed my wrist. Mabilis namang nakababa si Jester sa kotse at pinigilan ako sa kabilang kamay. Hindi ako nakapalag sa mga pinaggagawa nila sa akin.
"Tulad na naman ba ng dati, Villafuerte?" Jester asked Luke while gritting his teeth.
"I don't know what you're talking about, Gomez. At bitawan mo na ang kamay ni Laura dahil aalis na kami."
"At sino ka para sundin ko?"
Hindi ako nakaimik sa sagutan ng dalawa. Ano bang problema nila? Bakit ang init ng ulo nila sa isa't isa?
"T-Teyka nga lang..." Kinuha ko ang mga kamay ko mula sa hawak nila. Pumagitna rin ako sa dalawang lalaking matalim na nakatitig sa isa't isa. "Jester, 'di ba sinabi ko na sayong sasabay ako kay Luke ngayon?"
"Ayon naman pala. Bakit nagpupumilit ka pa?" Luke hissed.
"Luke, stop! And Jester, I'm sorry to tell you but I'm going with him at aalis na kami." I ended our conversation at ako na ang nanghila kay Luke papunta sa kotse niya.
"Laura-"
"Don't talk to me," pigil ko kay Luke nang makasakay na kami sa kotse.
"Damn!" I heard him cussed silently, bago pinaandar ang sasakyan.
Actually, naiinis rin ako kay Jester. Hindi ko siya maintindihan. Nakikipag-away pa siya kay Luke, e pinaalam ko na nga sa kanya na may lakad ako kanina pa lang. Kung may ibang students lang sa parking lot, siguradong iisipin nila na pinag-aagawan nila ako.
Tss. Ayokong ma-tsismis ng hindi totoo 'no!
E, kung totoo? Okay lang? Tsk. Hindi rin mangyayari 'yon. Himalang magkagusto si Luke sa akin.
Ano ba itong iniisip ko? Aish!
Dahan-dahan akong tumingin kay Luke na seryosong nagda-drive. Nang bigla siyang lumingon kaya agad akong napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...