SABADO. Nasa bahay lang ako dahil may sakit si Mommy. May project pa naman sana kaming gagawin ng mga classmates ko kaso hindi ko pwedeng iwan siya sa bahay ng mag-isa.
"Kumusta na si Tita?"
Napalingon ako kay Luke. Napasugod siya dito ng malaman niyang may sakit ang mama ko. Wala si Tita Lucy dahil umalis siya kanina, may aasikasuhin daw tungkol sa pag-uwi ng asawa niya. Mabuti pa si Tito Kenneth, makakauwi na.
"Okay na daw, iyon ang sabi niya. Pero ang taas pa rin ng lagnat niya nang e-check ko," malungkot kong sagot.
"Don't worry, Laura. She'll get well soon." Marahan niya pang hinagod ang likod ko na masarap sa pakiramdam pero nakakapanindig balahibo. Naiilang na napatayo tuloy ako.
"Ahm, paiinumin ko muna ng gamot si Mommy." Agad akong kumuha ng gamot at tubig.
"I'll go with you."
Tumango lang ako sa kanya at sabay na kaming pumunta sa kwarto kung saan nagpapahinga ang mama ko.
"Mom, it's time to take your medicine." Parang nakikipag-usap sa bata ang tono ng boses ko.
"Ayoko. It's so bitter. Don't force me to take that, baby," parang batang maktol naman niya. Nagpipigil ako ng ngiti. Ang cute ng ina ko kapag nilalagnat siya. Parang nagkabaliktad ang karakter namin.
"But Mom, you need to take this. Para gumaling ka agad. Ayaw mo ba nun?"
"I really don't like the taste of it."
"Hmp! Sige ka, isusumbong kita kay Daddy. Sasabihin ko sa kanyang matigas ang ulo ng Mommy ko."
Mahina siyang napatawa at unti-unting bumangon. "Sige na nga, titiisin ko nalang. Baka makauwi pa 'yon ng wala sa oras."
Napangiti nalang ako ng tinanggap niya ang gamot at tubig pagkatapos ay agad iyong ininom. I know that my mom misses my dad a lot and how she wish na sana makauwi na nga si Dad.
"Very good! Masunurin naman pala tong patient ko e." Natatawang inabot ko naman ang baso mula sa kanya.
"Heh! Ginagawa mo akong bata. Asikasuhin mo na lang 'yang boyfriend mo. Matutulog na rin naman ako."
Nakita kong ngumiti si Luke kay Mama kaya napasimangot ako at agad ng lumabas. Sumunod naman sa akin si Bakulaw.
"Tsk. May sakit na nga, may gana pang manudyo."
"Totoo rin naman e. Kanina pa kita sinasamahan dito pero hindi mo man lang ako inayang kumain."
"Wala bang pagkain sa inyo?" irap ko.
"Sinabi ng Mama ko na dito na daw ako makikain sa inyo. Practice daw tayong kumain ng tayo lang."
Napatawa ako sa sinabi niya. He smiled at my reaction.
"I'll let you grade my cooking skills then."
Sabay kaming pumunta sa kusina. Porridge ni Mom pa lang ang naluto ko. Kaya naisip kong lutoan si Luke. Tumulong naman siya sa akin.
Natuto akong magluto. Sa tuwing nagluluto si Mommy ay tumutulong ako at inoobserbahan siya. Wala kaming maid kaya may alam ako sa mga gawaing bahay.
Naghihiwa na ako ng sibuyas nang maisipan kong tingnan si Luke. Ang cute niya sa suot niyang red apron na pagmamay-ari ng mama ko. Para pa siyang nag-a-advertise habang tinitikman ang sabaw ng luto namin. Ang gwapo niya, ang sarap sa mata—
"Aray!"
Sa sobrang pagkahumaling ko sa kasama ko, nakalimutan kong naghihiwa pala ako. Nasugatan ko tuloy ang daliri ko.
Titig pa, Laura!
"Are you okay? What happened?" Mabilis na nakalapit sa akin si Luke.
"Nasugatan ako." Pinakita ko sa kanya ang dumudugong daliri.
"Mag-ingat ka naman." Kinuha niya ang kamay ko at hinila papuntang lababo. He opened the faucet and washed my hands.
"Medyo malaki pala ang sugat mo. Sobrang mahapdi ba?"
"Just a little..." naiilang na sagot ko. Sobrang lapit kasi namin. Tapos hawak-hawak niya pa ang kamay ko.
"Kapag ako nasugatan sa kamay, I used to do one thing."
"Ano?" nakaiwas ang tingin na tanong ko sa kanya.
"This."
I suddenly felt a soft and hot surface through my finger. Without second thought ay sinubo niya ang daliri kong may sugat, may dugo!
Natatarantang mabilis kong hinila ang kamay ko. "Eww! Why did you do that?! May dugo kaya ang sugat ko!"
"It's fine. Masarap nga e. I'm a vampire!" He playfully laughed.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Una, dahil sa tawa niyang nagbibigay ng libo-libong ibon sa loob ng tiyan ko. Pangalawa, I still can feel the softness of his lips and the hotness of his mouth in my finger. Oh my gosh! I'm doomed!
"Actually, I still have one other way of how to cure your wound."
"A-Ano na naman?" kinakabahang tanong ko. Sa ngisi ba naman niya, talagang malalaman mong may kalokohan na naman siyang gagawin.
"Kiss."
At nabigla nalang ako ng bigla niya akong halikan. Para akong naging yelo dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala.
Bakit sa pisngi? Bakit niya ako hinalikan sa pisngi? Ayaw niya sa lips?
Natawa ako dahil sa naisip, hindi dahil sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. Agad ko siyang binatukan at tumawa lang ang loko. Pero namumula rin siya. Ewan ko lang dahil sa sobrang tawa niya o dahil sa hiya.
Tahimik na bumalik ulit kami sa pagluluto. Hanggang sa natapos kami at magkatulong na naghain. Saktong tanghalian na rin pala. Mamaya ko nalang gigisingin si Mommy para makakain na din siya.
"Dapat ikaw, marami ang kinakain mo. Ayokong magkasakit ka rin," nasabi ko kay Luke habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.
Wala akong narinig na sagot kaya napatingin ako sa kanya. At nakita ko siyang nakangiti habang nakamasid sa akin.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Padabog na umupo ako sa tapat niya at inirapan siya. Nahiya ako bigla sa ginawa kong pag-serve at pagsabi nun sa kanya.
"May tinatago ka rin palang asukal sa katawan mo," nakangisi niyang sagot.
"Kumain ka na nga lang!" Nahihiyang sinuboan ko siya ng kutsarang puno ng kanin.
"Aba, gusto mo pa yatang magsuboan tayo. Halika." Akma niya rin akong susuboan pero piningot ko ang tenga niya.
"Kung buong kutsara kaya ang ipakain ko sa'yo?!"
"Sabi ko nga e. Susuboan ko nalang sarili ko." Kumain na nga siya at pagkatapos ay ngumiti sa akin habang nakapikit ang mga mata.
Argh! Ang cute ng baby bakulaw!
Napangiti nalang ako sa pagka-jolly ni Luke habang kumakain. Para siyang bata na ewan. Yung saya sa mukha niya ay katulad ng mga bata na dinadala sa fastfood chain. Iyon bang masarap pagmasdan? Yung hindi nakakasawa? Yung masarap makita mo araw-araw? Parang ganun.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...