Chapter 16

67 2 0
                                    

KINABUKASAN ay sabay nga kami ulit papuntang school. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun rin siya. Parang pareho naming nafe-feel ang awkwardness dahil sa text niya kagabi. Pero kahit hindi kami nag-uusap, hinatid niya pa rin ako sa room ko. Yung mga classmates ko, napapangiti nalang. Parang iniisip nila na dapat na silang masanay. Tungkol naman kay Jester, wala namang nagtatanong sa akin. Ang sabi kasi ng teachers sa kanila, may private matter na inaasikaso ang lalaki kaya nag-drop out.

Parehong half-day lang ang klasi namin ni Luke kaya maaga kaming makakauwi. Nag-drive through kami sa isang fastfood chain. He paid the foods I ordered. Kumakain ako ng fries na sinasaw-saw ko sa sundae, habang nagpatuloy siya sa pagda-drive.

"Pahingi."

"Ha?" Nagugulohang nilingon ko siya.

"Kanina ka pa kumakain, hindi mo man lang ako inaya."

Napangiti ako nang mag-pout siya. Ang cute ng loko! Araw-araw nalang may bago akong nalalaman na magandang ugali niya. Kung bata palang naging magkaibigan na kami, sobrang close na siguro namin ngayon.

"Hindi ako mabubusog sa titig mo."

Bigla naman akong natauhan kaya tumawa siya. Pabirong umirap nalang ako at agad siyang sinuboan.

"Kailan kaya makakalabas sa hospital ang gagong 'yon?" Nabigla ako sa tanong niya. Naiisip niya rin pala si Jester. I remembered how angry he was last time, that I thought mentioning Jester's name is a crime.

"Tss. Malamang matatagalan 'yon! Hindi na nga maipinta ang itsura niya sa kasusuntok mo!" Naiinis na sinuboan ko ulit siya. Muntik pa siyang mabilaukan sa dami ng sinubo ko.

"Alangan namang pasalamatan ko pa siya?! Kaya bagay lang 'yon sa kanya!"

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Naku naman, Laura! Nagalit ko na naman siya. Tumahimik nalang ako pero sinusuboan pa rin siya. Tinatanggap niya rin naman.

"Ahm... L-Luke. S-Salamat nga pala." Kinakabahang umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin.

"Salamat saan?"

"For saving me." Napayuko ako. Ngayon ko lang ulit naalala ang mga ginawa niya sa akin sa mga oras na iyon. The way he cared for me that time was really heartwarming. He was the main reason kung bakit mabilis akong naka-move on sa nangyari. I kind of feel that it will never happen again, because I have him.

"Kahit sino naman siguro ang makakaalam, handa kang tulongan."

"Pero mortal enemy tayo, 'di ba? But still, iniligtas mo pa rin ako."

"Hindi naman ganun kakitid ang utak ko para pabayaan ka nalang. Hence, malalaki na tayo para mag-away pa. Ang asaran ay naging nature na natin. Hindi naman yata aabot na magtatanim tayo ng galit sa isa't isa, 'di ba?"

"Tama ka. But I still want to thank you a lot. Kung hindi ka dumating, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin."

Hindi na siya sumagot at binigyan lang ako ng ngiti. Gumaan naman ang pakiramdam ko at nakangiting pumikit. Pero maya-maya rin ay bigla akong napamulat.

"Teyka—Bakit ang tagal nating nakauwi?! Luke! Nasaan ba tayo?! Hindi ito ang daan pauwi!"

Nataranta ako bigla. Sobra na rin ang kabog na dibdib ko dahil sa kaba. This scene reminds me of what happened between me and Jester. I was so sure that I'm safe with Luke.

"May plano ka bang e-rape rin ako?!"

Feeling ko ay lumabas ang kaluluwa ko ng tiningnan ako ng matalim ni Luke. Natatakot ako—

"You should've seen your scared face!" he laughed.

Napamaang ako ng marinig ang tawa niya. Napahawak pa siya sa tiyan niya. Mabuti nalang at nakakapag-drive pa rin siya ng maayos.

"Sweetie pie, nakaka-offend ka rin 'no? Huwag mo akong itulad sa Jester na 'yon! And to remind you my fiancé, magiging asawa kita pagdating ng araw. I don't need to rape you."

I felt my face burning. Napayuko nalang ako sa hiya at sa realization ko ng marinig ko ang sinabi niya. Bakit ngayon ko lang naisip na kapag naikasal na kami, maaaring...

"I'll just want to take you somewhere safe and beautiful. Maaga pa naman e, siguradong mabo-bore lang ako sa bahay. Hindi na kasi tulad ng dati na aasarin lang kita, buo na ang araw ko."

Hindi ko alam kung kikiligin o maiinis ako sa sinabi niya. Kaya malakas ko siyang pinalo sa braso na ikinatawa lang ng loko. Ilang sandali ang lumipas nang iparada niya ang sasakyan namin.

"Wow!"

Excited akong bumaba sa kotse ng makita ko ang lugar. Inilibot ko ang paningin at puro 'wow' lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Do you like it?"

"No! I love it!"

The whole place is like a paradise. May falls na sobrang kinang at linis ng tubig, mayayabong ang puno sa paligid na siyang nagpapalamig ng simoy ng hangin at ang mga makukulay na bulaklak na may lumilipad pang butterflies ay talagang nagbibigay ganda sa lugar. Parang ang sarap tumambay lagi dito, nakakagaan kasi ng pakiramdam.

Nawala tuloy sa isip ko na may kasama pala ako at parang batang nilibot ko ang buong lugar. Hinawakan ko ang tubig, inamoy ang mga bulaklak, umikot-ikot habang nakatingin sa langit at ninamnam ang pagtangay ng hangin sa mahabang buhok ko.

"Umupo ka na nga. Ako ang nahihilo sa kaiikot mo," natatawang sabi ni Luke na ikinalingon ko sa gawi niya. Nakangiting lumapit ako at tumabi sa kinauupoan niya.

"Ang ganda kasi dito! Hindi nakakasawang tingnan."

"Obviously. Para ka ngang bumalik sa pagkabata." Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo nga pala naisipang dalhin ako dito?"

Napatingin siya sa akin at natahimik. Parang iniisip niya kung tama bang sagutin ang tanong ko o hindi. Bakit kaya? Gaano ba ka-big deal ang sagot sa tanong ko?

"When I first discovered this place... isa lang ang unang pumasok sa isip ko."

"At ano naman iyon?"

"To bring here my girlfriend, who will become my fiancé and soon will be my wife."

I was speechless. What I just heard sents wonderful shivers down my spine. Nakadagdag pa ang pamatay niyang tingin na parang hinihigop ang kaluluwa ko. Gusto kong umiwas, kaso parang may magnet na nagla-lock ng eye contact namin.

"Ilan na ba ang naging girlfriend mo?" Bigla iyong lumabas sa bibig ko. Sa isip ko lang sana, kaso dumulas ang magaling kong dila. Pero okay na rin, because honestly... matagal na akong curious.

"Girlfriend? Hmn..."

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon