Chapter 19

71 3 0
                                    

ANG AKALA ko noon, sungay nalang ang kulang at kalahi na ni Satanas ang tingin ko kay Luke. Minsan naman, para siyang yelo sa sobrang lamig at dahil sa pagkasuplado niya ay aakalain mong may menstrual period siya. Hindi ko kailanman naisip na hindi ko pa talaga kilala ang totoong Luke Villafuerte. Kaya ngayon ay masaya akong binigyan ako ng pagkakataong malaman iyon.

"Hindi ko alam na marunong ka palang mag-alaga ng may sakit," biglang sabi ni Luke. Napatigil naman ako sa pag-iisip at agad iniwas ang tingin mula sa kanya.

"Syempre naman. Kaming dalawa lang ni Mommy ang magkasama, kaya kami lang rin ang tutulong sa isa't isa. At kaya nga siguro nagkasakit siya kasi puro trabaho ang inaatupag niya. Halos wala na akong makitang alikabok sa bahay dahil lagi siyang naglilinis. Wala kaming maid at wala rin naman daw siyang ibang magawa kaya ayon, nasobrahan yata kahapon kaya nagkasakit ngayon."

"Same with my Mom. Mag-bestfriend nga sila," he chuckled. "Ayaw niya rin daw na gumasta ng gumasta. Hindi daw madali ang trabaho ng mga seaman kaya dapat hindi dapat magsayang ng pera. Mabuti nga 'yon e, dahil hindi siya lakwatsera. Namamasyal lang siya kapag kasama ang mama mo o 'di kaya'y ako o tayo."

He sincerely smiled and I did the same. Talking about our mothers and telling each other's opinion feels great.

"Ang swerte natin 'no? Na mababait ang parents natin?" I asked.

"Definitely."

"At ngayong malaki na tayo, dapat rin natin silang alagaan. Alam kong hindi madali ang mga dinanas nila para lang mapalaki tayo ng maayos, may takot sa Diyos at maginhawa ang buhay."

"Yeah. That's why we should respect and love our parents. May pagkakataon talagang may awayan at hindi pagkakaunawaan ang nangyayari, pero lage lang nating tandaan na magulang natin sila. They just wanted the best for us."

Natahimik kami sandali. Nagkatinginan. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

"I think... we're meant for each other. And for sure, mababait ang mga anak natin," seryosong sabi ni Luke. Namula tuloy ako at mahinang napatawa.

"Mga talaga? Ang dami naman niyan!"

"Mga sampu o labing-dalawa, siguradong kaya ko pa ring buhayin ang ganun ka dami," dagdag niya pa habang hinihimas ang ilalim ng baba. Mas lalo tuloy akong namula.

"Loko ka! Isang dosena?! Hindi ko kaya 'yon!" Malakas ko siyang hinampas at sabay kaming tumawa ulit. Pero pagkatapos ay natahimik na naman kami at nagpatuloy na sa pagkain.

Tinulongan ako ni Luke na maghugas ng pinagkainan namin. Kaso ang kulit-kulit niya. Nilalagyan niya ng bula ang mukha kaya winiwisikan ko rin siya ng tubig. Basang-basang tuloy ang kusina namin.

Hindi ko alam kung tama bang pumayag akong pakasalan si Luke pagkatapos namin ng college. Sa totoo lang, noong una, ayoko lang hindian ang gusto ni Mommy. Pero ewan, pagkatapos noong niligtas ako ni Luke, parang lumambot ang puso ko sa kanya. Parang nawala ang barrier na ginawa ko mula noong bata pa kami.

Ngayong nagkakasundo na kami, mas nakilala ko siya. Hindi lang pala siya magaling sa hilig niyang inisin ako, there were so much more about him that I didn't know before. Maraming good qualities niya ang nalaman ko. At aaminin ko na ang saya niya palang kasama. Na kapag wala siya, para bang may kulang na sa akin.



LUMIPAS ang mga araw at summer vacation na naman. Nasa bahay ako habang si Mommy Bella ay umalis kasama si Tita Lucy. Hindi na ako sumama dahil pupuntahan ako dito ni Luke dahil may lakad rin kami mamaya.

Umiinom ako ng tubig nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Agad kong nilapag ang hawak na baso at excited na pumunta sa may pinto para pagbuksan si Luke. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa excitement. Hindi na tulad noon na kapag nalaman kong makikita ko na naman siya, hindi na maipinta ang mukha ko.

"Luke, ba't ang tagal—"

Napatigil ako ng ibang tao ang nabungaran ko. Hindi pala si Luke, kundi si Jester. Nawala tuloy ang ngiti sa mga labi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig at may galit ang tono ng boses ko. Matalim na tingin rin ang binigay ko sa kanya.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Simula noong ma-ospital siya ay hindi na siya bumalik sa university. Huminto na nga talaga muna siya sa pag-aaral dahil sa nangyari. Kahit bumalik na sa dati ang itsura niya.

"I-I just want to say sorry." He looks sorry indeed. Namumula ang mga mata niya. And he looks a little bit haggard.

"Go away." Mabilis kong sinara ang pinto ngunit napigilan niya ito.

"Laura, wait! Let me explain," pakiusap ni Jester. Tinitigan ko siya at may nakikita naman akong pagsisisi sa kanyang mukha. But I controlled myself na hindi magpadala sa pagpapaawa niya.

"I don't need—"

"Please... Laura, please." Luluhod na sana siya pero agad kong pinigilan.

"Stop. And follow me."

Agad naman siyang sumunod sa akin papasok. Dinala ko siya sa may sala at walang emosyong umupo ako sa sofa. Umupo rin naman siya sa tapat ko. Hindi na ako nagsalita at matalim ko ulit siyang tinitigan. Hindi naman mapakali si Jester at halatang nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kaba.

"S-Sorry. I'm really sorry," nakayukong saad niya. "Nagpadala ako sa damdamin ko. Sadyang mahal na mahal talaga kita kaya nagawa ko iyon." He looked at me then bowed his head again. "Isa pa... nasanay ako na babae ang lumalapit sa akin. Nasaling ang ego ko, because I fall in love with you but the feeling is not mutual. Nainis ako sa katotohanang ako na ang humahabol sa babae ngayon."

"Kaya naisipan mo akong gahasain? Iyon ang paraan mo para makuha ako?!"

"No! But ganoon ang nangyari. I thought... sa mga panahong naging kaibigan kita, naging close tayo, may nararamdaman ka na rin sa akin. I expected you to like me back. But when I saw you scared, when you resisted, biglang dumilim ang paningin ko. Nasaktan ako. Kaya nagawa ko iyon. And I know it was wrong. That's why I'm very very sorry. I'm sincerely sorry, Laura."

Matagal bago ako nagsalita. Tiningnan ko muna siya. Dinamdam ko ang sinseridad niya at nakita ko ang mukha niyang naiiyak. Is he really feeling guilty and sorry? Should I gave him a chance?

"I know that saying sorry is not enough for you to forgive me. It's just that... I love you so much. Hindi kita matiis. Gusto kong maging kaibigan ka ulit. Kahit kaibigan nalang, Laura. At babawi ako sa kasalanan ko."

Parang hinaplos ang puso ko ng makita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Jester. Naging kaibigan ko siya at alam kong totoo ang pinakita niyang kabaitan sa akin. Kung hindi ko lang sana siya pinaasa ay hindi mangyayari ang insidenteng iyon. Kaya may kasalanan rin ako.

"Just promise me one thing. And please... don't break it."

Nagliwanag ang mukha niya na agad tumango. Marahan naman akong ngumiti.

"Let's stay as friends. Hanggang kaibigan lang ang mabibigay ko sa'yo."

Tumango ulit siya at malungkot na ngumiti. Kaya ng yakapin niya ako ay gumanti rin ako ng yakap at marahang tinapik ang likod niya.


"Anong ibig sabihin nito?!"

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon