"LAURA!"
Papasok na sana kami sa isang fastfood chain nang biglang may tumawag kay Laura. Agad akong napalingon sa taong iyon, kasunod tumingin sina Mommy at Tita. My jaw tightened when I recognized who it was.
"Oh, Jester! Ikaw pala. Long time no see, ah?" masiglang bati ni Laura.
Tsk. Long time no see? One week ago lang naman nag-end ang second sem!
"Oo nga. Kumusta?" pangumusta ni Jester.
"I'm fine, obviously," she chuckled. "By the way, meet my Mommy Bella and Tita Lucy, Luke's mother."
"Hello po!" nakangiting bati ng gago. Ngumiti lang sila Mom at Tita na halatang may pagkadi-gusto sa mukha kaya napangisi ako.
Ha! Ano ka ngayon?
"Pasok na tayo, gutom na ako!" saad ni Tita Bella na agad hinila ang mama ko papasok.
"Sumama ka muna sa amin," yaya ni Laura kay Jester na naging dahilan ng pagsimangot ko.
"Oh, sige ba!" ayon naman ng gago.
"Tss. Ang kapal talaga ng mukha," bulong ko.
"Anong binulong-bulong mo diyan?" baling ni Laura sa akin.
"Ang sabi ko, pumasok na tayo! Gutom na sila, oh!" turo ko sa dalawang ina na nag-oorder na ng pagkain. Inirapan niya naman ako bago hinila si Jester papasok.
"Paano kayo nagkakilala ni Laura, Jester?" tanong ng Mom ko habang kumakain na kami.
"Batchmate ko po siya sa high school while classmates po kami sa lahat ng subject ngayon."
"Ahh..." Iyon lang sagot ng mama ko sabay makahulogang tingin kay Tita Bella.
"Actually, lage po silang magkasamang umuwi. Hinahatid niya si Laura," sumbong ko habang kumakain ng fries, as if walang pakialam.
As if? So, may pakialam talaga ako?
"Sinabi ko bang makialam ka?!" irap ni Laura sa akin kaya napangisi ako ng makitang naiinis na naman siya.
"I'm not talking to you," I smirked at her.
"Paliguan kaya kita ng coke? Gusto mo?!"
"Eh, kung ikaw ang paliguan ko ng halik? Mas gusto mo?" I grinned. Napatawa naman ang dalawang ina dahil sa naging sagot ko.
Seriously, Luke?
"Kayo ha? Isipin niyo namang may kasama kayo. Mamaya na 'yan. Baka langgamin kami dito," tudyo ni Mommy.
"Mukhang may iba ng patutunguhan 'yan," dagdag naman ni Tita Belle.
Laura just rolled her eyes but I gave her a wink. Tumawa naman ulit ang dalawang ina habang tahimik namang kumakain si Jester.
Ano? Kaya pa bro? Psh!
"Teyka, CR muna ako," paalam ni Tita na agad tumayo.
"Sama na ako sa'yo," sunod naman ng Mama ko.
"Gusto niyo mag-CR na rin ako para may privacy kayo?" pang-aasar ko ulit kay Laura.
"Mabuti pa ngang tikbalang ka! Nakakasawa na kasi 'yang mukha mo!"
"Ang sweet mo naman, sweetie pie. Sige na, 'di na ako aalis. Alam ko namang madali mo akong ma-miss e!" I even pinched her cheek after I said it.
"Ang kapal mo! Eww! Gross!" Maarteng pinagpagan pa niya ang mukhang hinawakan ko. I just chuckled at her reaction. Namumula na siya sa inis.
"Pasensya na ka na, may topak kasi ang isa diyan!" baling ni Laura kay Jester at parinig niya sa akin.
Mabilis ko namang nilagay sa tenga ang headset ko bago pa niya ako nilingon. Kumain na rin ako, as if wala na naman akong pakialam sa kanila.
But... Damn it! Anong karapatan kong mainis?!
"Ang cute niyo namang mag-inisan," nakangiting sabi ni Jester.
Tss. Mabuti't alam niya!
"Pero 'yang katabi mo, hindi cute... ang pangit!" sabi ko kaya agad napatingin ng matalim sa akin si Laura. I looked at her with a serious face and I even raised my brow.
"Kumain nalang tayo," awat ng nagmamagaling na si Jester.
"Yeah. I'll just think na walang bakulaw dito," she sweetly smiled at him. Napatiim-bagang ako.
"Mabulunan ka sana," I mumbled, pertaining to Jester.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at naglaro ng online game. Maya-maya ay napaubo si Jester. Narinig ko iyon dahil mahina naman ang volume ng nilalaro ko.
"Yes!" I laughed. Not because I win the game, kundi dahil sa nabilaukan si Jester.
"Oh, anong problema niyo?" Kunwari nagtatakang tanong ko nang pag-angat ko ng ulo ay seryoso silang nakatingin sa akin.
"May problema ka ba sa akin, pare?" naghahamon na saad ni Jester.
"What?! Haha. C'mon! Naglalaro lang ako dito!" turo ko sa hawak kong gadget. Umiling pa ako at pinagpatuloy ang paglalaro.
"Bakit tahimik na kayo?" biglang tanong ng mama ko nang makabalik sila galing restroom.
"Kasi may isang kulang sa pansin diyan! Tayo na po! Gusto ko ng umuwi. Nakakabadtrip dito!" aya ni Laura at padabog na tumayo.
"Sige po. Aalis na rin po ako, Tita Bella, Tita Lucy," paalam ni Jester. Tango naman ang naging sagot ng dalawa.
Tss. Feeling close ang gago!
"Oh, akala ko ba aalis na tayo? Ano pang hinihintay niyong dalawa? Kasal?" baling sa amin ni Tita.
Napaubo ako habang umiinom ng drinks ko. Kaya agad na akong tumayo at sumunod na sa dalawa. Tinulak pa ako ni Laura para mauna siya. Napangiti ako sa ginawa niya.
Baliw lang.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...