LUMIPAS ang isang taon, magse-second year college na kami. Sa taong iyon, sa school lang kami nagkikita ni Luke. Hindi pa kami nagpapansinan. Hindi na rin ako sumasama sa laging routine ni Mommy na pupunta kina Tita Lucy tuwing sabado. Pero hindi rin naman maiiwasan na magkabanggaan ang landas namin ni Luke. At imbes na magkumustahan ay nag-aasaran lang kami.
"Ano ba 'yan? Nangangamoy na naman!" parinig sa akin ng bakulaw pagkalabas ko ng kusina. Nasa sala namin siya at nanood ng TV. Dahil hindi na daw ako pumupunta sa kanila, sila na ang pumunta dito sa amin.
"Hindi mo talaga magawang tumahimik 'no? Nagsisimula ka namang mang-inis!" Naiiritang tinapunan ko siya ng unan. Pero tumawa lang ang mokong pagkatapos niya itong masalo.
"Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko, ah?" saad niya na may halong pang-aasar sa boses.
"Heh! Palusot ka pa!" Tinapunan ko ulit siya ng unan na sapol sa ulo ng tikbalang. Mabuti nalang at hindi niya ako binato pabalik. Pero pasimple akong umupo malayo sa kinaruruonan niya para hindi niya ako matamaan kapag naisip niya bumawi.
"Hindi ako nagpapalusot. Ang tinutukoy kong nangangamoy ay ang niluluto ni Mommy at Tita. Tsk. Mapaparami na naman ang kain ko nito," he sighed as he touched his stomach.
"Tinanong ba kita sa opinyon mo?" I smirked.
"Just saying. Baka kasi sa sobrang sarap ng luto nila, maapektuhan na naman ang abs ko."
I gasped in shock when he took his shirt off. Nag-sexy dance pa siya! Agad ko namang tinakpan ang mukha ko ng unan.
"Kadiri ka! Nakakasuka! Yuck!" I shouted. But deep inside my mind...
God, why did you give him a lean and tall body with perfect set of six packs abs?
"Kadiri daw. For sure, naglalaway ka na!" He laughed and wore his shirt back.
"Che! Mangarap ka!" Tinapon ko na naman sa kanya ang hawak na unan.
"Oh, itigil niyo na 'yan! Halina kayo at tayo'y kakain na," sabat ni Mommy na kalalabas lang galing kusina.
"Opo!" sabay naming sagot.
Nagkatinginan kami ni Luke at mabilis na tumakbo papuntang kusina. Kagaya ng dati, naunahan na niya naman ako. Kaya inirapan ko nalang ang bakulaw habang ngumisi naman siya.
NASA SUPERMARKET kami ni Mommy ngayon. Sinamahan ko siyang mag-grocery nang makita namin si Tita Lucy.
"Hi Tita!/Hi Lucy!" sabay na bati namin sa kanya at nag-beso na rin.
"Kanina ka pa dito?" tanong ni Mommy sa kanya. Sasagot na sana si Tita Lucy nang biglang sumulpot si Luke.
"Tita Bella!" bati niya sabay halik sa pisngi ng Mommy ko.
"Bakit nag-iisa lang po kayo?" he asked with a playful smile on his lips.
Nakita ko ang pagkunot-noo ng mga ina namin. Napataas naman ang kilay ko habang matalim na nakatingin sa kanya.
"Anong akala mo sa akin?" naningkit ang mga matang sita ko sa kanya.
"Oops! Nandito ka pala. Hello po!" Akma niyang kukunin ang kamay ko at magmamano pero agad ko iyong naitaas at sinapak ang ulo niya.
"Hay naku! Ang tatanda niyo na pero nagbabangayan pa rin kayo. Kailan kaya kayo magkakasundo?" napailing na saad ni Mommy.
"Siguro, kapag nagka-inlove-an na sila!" tukso naman ni Tita.
Nanlaki ang mata ko sa tinuran nila. Napakamot naman ng ulo si Luke. Pero nakangiti siya kaya inirapan ko ang loko. Sanay na siguro siya sa panunudyo ng mga magulang namin. Ako kasi, hindi pa rin e. Dahil alam kong imposible ang gusto nila.
Agad namang bumalik sa pamimili ang dalawang ina. While kami naman ni Luke ang nagdala ng kanya-kanyang cart namin.
"Ako ang mauna!" asik ko.
"Bahala ka diyan," mabilis na tulak ni Luke sa cart nila.
"Malalagpasan rin kita!"
Nauwi sa race ang asaran namin. Nag-uunahan kami sa pagtulak ng cart habang nakasunod sa mga magulang namin. Pinagtitinginan ng nga kami ng ibang customer dahil para kaming mga batang naglalaro.
"Eh, ako na kasi!" maktol ko na tumigil nalang. Hindi talaga pumapayag si Luke na maunahan ko siya.
"Ito naman, oh sige ikaw na!" suko niya kaya agad akong napangisi at mabilis siyang nilagpasan.
"Oy, ang daya mo!" sunod niya ng ma-realize ang strategy ko.
"You fool!" I laughed at him.
Hindi ko namalayan na tumatawa na pala kami. Ito yata ang unang beses na nag-enjoy kami sa presensya ng isa't isa. It's kind of new to feel this feeling. Hindi ko maipaliwanag.
"Baka magkatuloyan na kayo niyan. Oh, kayo ng magbayad," sabat ni Mommy.
Nailang ako sa ngiti na binigay ng mga magulang namin. Dali-dali kong kinuha ang pera na inabot ni Mommy at agad nagtungo sa counter. Nakasunod naman si Luke sa akin. Hindi ko na siya kinausap ulit o nilingon man lang.
Tss. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla yata akong nakaramdam ng hiya sa kanya?
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...