WE GOT married a year after graduation. We decided to have a job first before tying up the knot. But I promised Luke that I'll become a full-time housewife if ever I got pregnant.
Thankfully, masayang-masaya ang pagsasama namin at nakakamanghang mas lalo naming minamahal ang isa't isa. Specially after we had our first child.
Life is really ironic. Ang kaaway ko noon ay siyang nakatuloyan ko ngayon. And I thank God so much for this beautiful encounter. Walang katiting na pagsisisi akong naramdaman. Why would I? Ang swerte ko kay Luke. Wala na akong mahihiling pa.
Naisip ko nga na may rason talaga kung bakit naging mag-bestfriends ang mga magulang namin. Para bang, sa simula palang nakatadhana na talaga kami sa isa't isa? Na kahit mag-iba man ang sitwasyon, like hindi talaga kami nagkagustohan ni Luke, wala pa rin kaming kawala dahil engaged na pala kami. It is our destiny to end up with each other.
"Naalala mo ba noong hinalikan kita when we're still kids?" tanong ni Luke habang magkayakap kaming nakaupo sa kama habang binabantayan ang pagtulog ni Kera, ang two years old na anak namin..
"Yeah. Iyon yata ang hindi ko malilimutang childhood memory ko." I smiled.
"Hmn... Ako rin. Nalalasahan ko pa rin kung gaano katamis ang halik na 'yon, lasang strawberry at chocolate sundae," he chuckled.
"At anong ibig mong ipahiwatig? Na hindi na tulad ang lasa ng halik ko noon ang ngayon?"
"Hindi na. Kasing sarap ka na kasi ng burger, fries and hot spicy chicken. Nakakatakam." He laughed. Mahina ko siyang kinurot sa gilid ng beywang.
"Ginugutom ako sa mga banat mo!"
"Pa-deliver tayo? Then let's play a game... one fries, one kiss."
"Edi, o-order na ako ng marami?" I asked seductively. I even traced my finger from his neck down his stomach. Nanigas naman siya.
"B-Bumili ka rin ng float. Magpapakabusog nalang ako bago pa ikaw ang makain ko."
Napatawa nalang kami sa biro niyang half-meant. Hindi ko tuloy mapigilan na titigan ang asawa ko at mapaisip.
Ang taong nakalaan para sa'yo ay para talaga sa'yo. Kahit anong pagsubok man ang dumating, kayo pa rin ang magkakatuloyan sa huli. Nagkatampuhan man, nagkalayo man, babalikan niyo pa rin ang isa't isa.
At sa pag-ibig, hindi kailangang madaliin ang lahat. Isipin ng maiigi kung ang gagawin mong aksyon ay makakabuti ba sa lahat. Dapat mong siguradohin na wala kang masasaktang tao para lang sa pansariling kaligayahan mo.
Dapat rin nating pahalagahan ang mga taong nagmamalasakit sa atin bago pa mahuli ang lahat. Isipin rin ng mabuti ang bawat desisyong gagawin. Huwag maging padalos-dalos na maaaring ikapahamak mo at sa mahahalagang tao sa paligid mo. Maniwala at magtiwala rin tayo na may taong inilaan ang Diyos para sa atin.
Maaari nating hanapin. Maaari ring hintiyan.
Pwede kasing nasa malayo siya. Pero pwede ring... nasa malapit mo lang pala.
THE END.

BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...