"CONGRATULATIONS!" sigaw ni Mommy Bella at Tita Lucy pagkababa namin ni Luke sa stage, pagkatapos namin kantahin ang aming graduation song.
Sabay nila kaming niyakap. Ewan ko lang kong sinadya nila pero parang iniipit nila kaming dalawa. And the worst thing is, magkaharap kami ni Luke. Nilagay ko sa may dibdib ko ang dalawang braso ko habang iniiwas niya naman ang mga kamay niya para hindi niya ako mahawakan.
"Ma, bitaw na!" sabay naming sita sa kanya-kanyang ina.
Humagikhik pa ang dalawa bago kami binitawan. Nagkatinginan naman kami ni Luke pero sabay ring nag-iwas agad ng tingin.
"Oh, halina kayo. May na-reserve na kami para sa dinner natin," masiglang sabi ni Tita Lucy.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakasunod sa mga Mommy namin papunta sa kotse nina Luke. Si Tita Lucy ang nasa driver seat at katabi nito si Mommy sa harap. Binagbuksan naman ako ng pinto ni Luke sa backseat at pinaunang pumasok. Sumunod naman siya.
Tss. Pa-gentleman si Bakulaw!
Agad naman kaming nakarating sa isang restaurant at sabay na umibis sa sasakyan pagkahubad namin sa suot na toga. Naka-casual na kami ni Luke. Hanggang tuhod na flowing sleeveless baby blue dress ang suot ko habang naka-white polo shirt naman siya at black pants.
Mabilis na nakapasok ang dalawang ina sa loob kaya naiwan kami ni Luke na nakasunod sa kanila. Hindi ko siya tiningnan kahit magkatabi kaming pumasok sa loob. Sinalubong naman kami ng isang staff.
"Table for two, Sir?" tanong ng babae kay Luke habang nakangiti. Napakunot naman ang noo ko.
"May kasama kami," I told her. Nabaling naman ang tingin niya sa akin.
"Ilan po ang hinihintay niyo ng boyfriend mo, Ma'am?"
Napanganga ako sa tanong niya. Narinig ko naman ang mahinang pag-chuckle ni Luke.
"She's not my girlfriend. At may naka reserve na kaming table with our Moms," sabi ng Tikbalang na katabi ko sabay turo kina Tita at Mommy na nag-oorder na.
I looked at him sharply and he just smirked.
Ang hambog niya talaga! Grr.
"Yeah. He's not my boyfriend and will never ever be," irap ko sa nagugulohang staff sabay walk-out.
"LQ po kayo, Sir?" Narinig ko pang tanong ng babae. Mas binilisan ko naman ang paglapit sa table namin kaya hindi ko na narinig ang sagot ni Luke.
NAGSIMULA na naman ang problema namin ni Bella. Graduate na ng high school ang mga anak namin at mahihirapan na namang kaming mapaglapit ang dalawa. Magkaiba ang gusto nilang course at hindi na namin 'yon magagawan ng paraan para magka-classmate sila. Siguradong magkakanya-kanyang pili na sila ng gustong schedule.
"Paano ba 'to? Mahirap na namang ipagdikit ang dalawa," saad ni Bella.
"Oo nga e. Pero may magagawa pa tayong paraan," nakangisi kong sabi sa kanya.
"Mukhang alam ko na ang iniisip mo, Lucy. Dating gawi, sa iisang university natin sila pag-aaralin!"
Pareho kaming napangiti at sabay napatawa sa mga pinaggagawa namin.
"Ang tagal naman kasing umuwi ng mga asawa natin. Hindi tuloy nila tayo natutulongan sa pagkakasundo ng dalawa," I sighed.
"Tama ka diyan. Minsan ko nga lang rin nakakausap sa skype si Raffy e," himutok ni Bella.
"Kami nga rin ni Kenneth. Pero nasabi niyang malapit na siyang umuwi. Kailan nga pala ang uwi ng asawa mo?"
"Ewan ko sa kanya! Nagugulat nalang kami dahil bigla-bigla nalang 'yong susulpot sa bahay."
"Mahilig talaga sa surprise 'yang si Raffy!" kinikilig na sabi ko kay Bella. Napangiti naman siya.
"Sinabi mo pa! Kaya nga nasagot ko agad e."
Sabay kaming napatawa sa sinabi niya. Nagkwentohan lang kami habang hinihintay namin ang mga anak na inutusan naming mag-grocery. Ewan ko lang kung ano nang nangyayari sa dalawang 'yon.
Pero sigurado, nagbabangayan na naman sila. Kailan pa kaya magkakasundo ang dalawang 'yon?
"LAURA!" Nakangiting sumabay sa akin si Jester. Classmate ko siya sa lahat ng subjects. Nagkataong nagkita kami noong enrollment at nalaman naming pareho palang Architecture ang gusto naming course kaya nagkasundo kaming parehong schedule ang kunin.
"Hi, Jester! Ang aga natin ngayon, ah?" I slightly laughed.
"Syempre. Good boy e!"
Sabay kaming napatawa dahil sa sinabi niya. Nag-usap lang kami tungkol sa mga lessons namin hanggang sa makarating kami sa room namin. Papasok na sana ako nang may mahagip ang paningin ko. Tinignan ko iyong mabuti at napagtantong tama nga ang nakita ko.
Bakit siya nandito? Engineering naman ang kinuha niya, ah?
"What's wrong?" tanong ni Jester nang mapansin niyang natigilan ako.
"Nothing. Pasok na tayo," I smiled at him.
"Okay." Sumunod naman siya sa akin.
Napalingon ako kay Jester ng tumahimik siya bigla. Nakatingin siya sa may pintuan at napasunod naman ang mga mata ko doon.
May lalaking dumaan, may kasamang babae. Masaya silang nag-uusap.
Luke. Ikaw nga.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...