SA MGA sumunod na araw, lagi ko na ngang nakikita si Luke sa department namin. May pagkakataon pa ngang nakakasalubong ko siya. Kung mag-isa ako, hindi niya ako iniinis, but he's acting as if I didn't exist. Pero kung kasama ko naman si Jester, mangungunot ang noo niya at matalim na titingnan ang kasama ko.
"Dito ka nalang. I'll just get my car," Jester said.
"Okay," ayon ko.
Sasabay na ako kay Jester ngayon, tinatamad akong mag-commute. Simula noong mag-college ako ay hindi na ako sumasabay sa kotse nina Luke. Narinig ko kasi ang usapan nila ni Daddy na pinili ni Mommy na hindi bumili ng kotse para may rason silang pagsamahin kami ng tikbalang na iyon.
"Napapadalas yata ang pagsasama niyo, ah?"
Napalingon ako sa nagsalita. Speaking of the bakulaw...
"So? Pakialam mo?!"
"Is he your boyfriend already?" he seriously asked me. Napataas ang kilay ko sa inakto niya. Is he mad? Ang seryoso niya.
"Classmate ko siya sa lahat ng subject."
I don't know but I have this feeling na dapat akong mag-explain, na ayokong isipin niya na may boyfriend ako. Weird.
"Mag-ingat ka kay Jester."
"Excuse me?"
"Tandaan mo ang sinabi ko."
Hindi pa nga ako nakakasagot ay bigla na siyang umalis. Nagugulohang nakatingin lang ako sa paglayo niya.
Nag-aalala ba siya sa akin?
Agad akong napailing. Himala kung tama ang iniisip ko. But knowing Luke, magsasaya pa iyon kung mapahamak ako.
"C'mon, Laura! Sakay na."
Napatitig ako kay Jester. I remember what Luke told me earlier.
Bakit ako mag-iingat kay Jester?
I erased that thought in my mind. I smiled to him at agad nang pumasok sa kotse niya.
LUMIPAS ang ilang linggo na kay Jester na ako sumasabay sa pag-uwi. Hindi ko iyon sinabi kay Mommy dahil siguradong pagbabawalan niya ako. Mabait naman si Jester, magkasundo pa kami sa halos lahat ng bagay at gusto.
Pero dumating ang pinakaayaw kong mangyari, ang maaaring makasira sa pagkakaibigan namin.
"Laura, please? Payagan mo akong manligaw sa'yo."
"Jester naman! 'Di ba sinabi ko na sa'yo na ayaw ko muna sa mga ganyan, na studies muna ang priority ko? I thought we're bestfriends already."
"Pero—"
"Kung ipagpapatuloy mo 'yan, lalayo na ako sa'yo."
"No! Hindi pwede. Hindi ko kaya."
"Then, kalimutan mong nangyari 'to!"
"Hanggang kaibigan lang ako?" nakayukong tanong niya. He's not asking me. He was like talking to himself. Naguilty naman ako.
"Ikaw ang unang naging kaibigan ko. Ayokong masira iyon," sabi ko sa kanya. "Pero kung sakali mang, magustohan kita..."
"May pag-asa na ako?" Nanumbalik bigla ang sigla sa boses niya. Napangiti ako at tumango.
"Thank you!" Nabigla ako ng niyakap niya ako. Natawa naman ako sa reaction niya.
"Huwag kang mag-expect. Kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo," I told him when he finally let go from the hug.
"Bahala na. Gagawin ko nalang ang lahat para ma-inlove ka sa akin."
"Let's see."
Sabay nalang kaming napatawa. Hindi ko alam kung saan kami mapupunta. Basta isa lang ang sigurado, kaibigan ko siya. I trust him. Ayoko siyang masaktan. Kaya wala naman sigurong mali kung bibigyan ko siya ng pagkakataon na patunayan ang pagmamahal niya.
"SI BAKULAW 'yon ah?"
Nakita ko na naman si Luke na may kasamang babae habang papunta sa office ng department namin. Sa pagkakaalam ko, working student 'yong babae, Lyka ang pangalan. Ito pa rin ang kasama niya noong una ko siyang makita dito sa building namin.
Pilit kong inignora ang nakita pero may sariling isip yata ang paa ko na agad sinundan ang dalawa. Nagtatawanan pa sila habang naglalakad habang dala ni Luke ang mga gamit ng babae.
Tsk. Nililigawan niya ba 'yan? Mas maganda pa naman ako sa kanya!
Napailing ako sa naisip. Nakita kong papasok na sila sa office nang biglang lumingon si Luke. Agad akong nagtago sa isang bakanteng room.
Hay! Muntikan na—
"Hoy."
"Ay bakulaw!" Napasinghap ako sa gulat ng may biglang humawak sa balikat ko. Agad kong nilingon ang may-ari ng kamay na iyon.
"Jester naman! Mapapatay mo ako sa gulat e!" naiinis na sita ko sa kanya.
"Bakit ka ba kasi nandito?" natatawang tanong niya.
"Wala lang," sagot ko sa kanya at agad ng naglakad papunta sa room namin.
"Wala daw. E, bakit mo sinusundan si Luke?"
Napatigil ako at lumingon sa kanya.
"Ahm... A-Ano... C-Curious lang ako! K-Kung bakit lagi siyang pumupunta sa department natin," hilaw na ngisi ko at tinalikuran siya ulit.
"May gusto ka ba sa kanya?" he directly asked nang sumabay na siya sa akin.
"Duh?! Hindi no! Alam mo naman kung paano kami mag-away ng tikbalang na 'yon!"
Binilisan ko ang paglakad para maiwan ko siya. Hindi ko alam kung naniwala siya sa sagot ko dahil mismong sarili ko, hindi ako sigurado.
Alam kong may mali sa nararamdaman ko nang makita ko siyang may kasamang ibang babae.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...