Chapter 11

69 3 0
                                    

"HINDI BA sinabi ni Tita na sabay tayong uuwi ngayon?!" naiinis na tanong ko kay Laura sa kabilang linya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dito sa ground floor. Kaya pala walang dumating dahil nakauwi na siya.

"Oo! Pero anong magagawa mo, nasa bahay na ako!"

"Aish! Siguradong itatanong na naman ni Tita kung bakit hindi tayo nagkasabay. Pahamak ka talaga!"

"Ay sus! Anong kinatatakot mo 'don?! Palusot ka lang, e. Sabihin mo nalang kasing gusto mo sana akong makasama!" Humagikhik pa siya sa kabilang linya.

"Ewan ko sa'yo! Tsk. Teyka—sinong kasama mo pauwi?!"

Baka nagpahatid na naman siya kay Jester. Hindi maaasahan ang mukha ng gagong iyon. It's not that I'm being judgemental. I just felt something wrong about him. Parang may kumakalabit sa instinct ko.

"Hmn... 'Di ko sila kilala e."

"Ano?! Sila?! Bakit ka sumasama sa mga hindi mo kilala?!"

"Hoy! 'Wag kang OA! Baka isipin kong nag-aalala ka talaga! Hindi ko naman kasi kilala 'yong mga kasabay ko sa jeep! Alangan namang kilalanin ko sila isa-isa."

Natigilan ako. Kung magkaharap kami ngayon, siguradong aasarin na naman niya ako. Ramdam ko kasi ang pag-init ng buong mukha ko. Dahil ang hindi niya alam...

Nag-aalala naman talaga ako.

"Mabuti. Akala ko kasi, nagpahatid ka na naman sa epal na 'yon."

"Uyyy! Nagseselos siya!"

"In your dreams."

I ended the call. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong makasagot. Punyemas! Feeling ko, buong katawan ko na ang namumula. Tss! Bakit ko ba kasi nasabi 'yon?!

"Siguraduhin mong walang ibang tao sa mga oras na 'yon."

Nasa parking lot na ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napatigil ako sa paglalakad at mabilis na nagtago sa likod ng isang kotse.

"Sige po. Makakaasa kayo."

Unti-unti akong sumilip sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko naman ang pag-alis ng security guard at ang pagpasok ni Jester sa kotse niya.

"Ano kaya ang pinag-usapan nila? Anong ibig sabihin ng gagong 'yon?"

Napatiim-bagang ako habang nakatingin sa papalayong kotse ni Jester. Kung ano man ang plano ng lokong 'yon, gawin niya.

Siguraduhin niya lang na walang kinalaman si Laura.

Umalis na rin ako agad. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Laura sa sala namin, nanonood ng tv.

"Nasaan ang dalawa?" I asked her while she's eating pizza and watching the tv screen seriously.

"Hindi ako hanapan ng mga nawawala."

"Tss! Ewan ko sa'yo." Dumeritso nalang ako papuntang kwarto para magbihis. Pagkatapos ay agad ring akong bumaba.

"Mom, Tita."

Nasa kusina lang pala ang dalawa at nagluluto ng dinner. I kissed their cheeks and ate some pasta na nakahain sa mesa.

"Doon po muna ako sa sala."

"Oh, sige. Samahan mo si Laura 'don. Tatawagin nalang namin kayo kapag natapos na kami dito," sabi ni Mommy. Nagkatinginan pa ang dalawa, wari ay nag-uusap sila gamit ang mga mata.

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo at pumunta na sa sala. Umupo ako sa sofa, katabi ni Laura. Wala pa rin siyang kaimik-imik habang nanonood.

'A Walk To Remember' pala ang pinapanood niya. Mga drama at romance talaga ang trip ng babaeng 'to! Hindi bagay sa personality niya na mataray, madaling mainis at laging nakabusangot kapag nakikita ako— na ngayon ay nabawas-bawasan pala simula noong nagka-moment kami doon sa garden namin last summer.

Hok!

Napatingin ako sa katabi ko. Natatabunan ng buhok ang mukha niya kaya hindi ko makita. Pero...

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi 'no! Why would I?" she snorted.

Napatawa nalang ako ng dali-dali siyang nagpunas ng mukha. She glared at me while I just smiled at her.

"Don't you ever start pestering me."

"May phobia ka na ba sa akin? Psh. Kinakausap lang kita." I looked at the TV and she did the same.

"Tss."

Natahimik kami. Parehong nakatuon ang atensyon sa palabas. Hindi na rin siya umiiyak. Pinipigilan niya siguro dahil nandito ako.

"Laura, Luke! Dinner is ready! Come and let's eat," Tita Bella shouted from the kitchen.

She paused the movie and stood up. Walang sabi-sabi siyang umalis at iniwan ako. Kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya papuntang kusina.

"Katatapos lang naming kumain. Ngayon lang namin kayo naalala," my Mom said with a creepy smile on her lips.

Here they go again...

"Kayo naman ang kumain at kami ang manonood sa sala. Enjoy the food and each other's company. Ciao!" paalam ni Tita Bella.

Hindi na nagpapigil ang dalawa at agad ng umalis. Nagkatinginan nalang kami ni Laura at sabay na napailing.

Wala naman kaming imikan habang kumakain. Tahimik lang kasi siya kaya hindi na rin ako nagsalita. Wala ako sa mood para asarin siya. I don't want to ruin our peaceful moment.

Maya-maya ay nauna siyang natapos kumain. After she put her plate in the sink, diretso siyang naglakad palabas. Then... I remembered something.

"Stay away from Jester," I told her while still looking at my food.

"At bakit naman kita susundin?"

"Because I care. Ayaw kitang mapahamak."

For the first time, I told her that I care for her. Ayoko sanang malaman niya pero kailangan. I'm not sure if she'll believe me though.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. When I looked at her side, nakaalis na siya palabas ng kusina.

Believe me just this once. It's for your own good, Laura.

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon