IYON NA ang huling pag-uusap namin ni Luke. Isang semester ang lumipas na parehong iniwasan namin ang isa't isa. Limang buwan nalang at magtatapos na kami ng college.
"Ikaw na ang bahalang maghugas ng pinggan, anak ha?"
Tiniis ko ang hindi lapitan siya. At masakit noong nakita ko siyang kasama si Lyka. Hindi lang 'yan, may mas masakit pa. Nalaman ko na... she's pregnant. I don't know if he's the father but there is a possibility that he is. Hindi ko naman alam kung naging sila ba o hindi. Basta nakikita ko sila na laging magkasama.
"Punta muna ako sa kabila, may pag-uusapan daw kami ng bestfriend ko e."
Minsan nalang rin akong pumupunta sa bahay nila at nahihiya naman akong magtanong kay Tita Lucy. Hindi na nangingialam ang parents namin, even if they already know that Luke confessed to me. Ito ang gusto nila, na magkaroon ng something sa amin ni Luke. But we ended up parting. Kaya humingi sila ng tawad kahit hindi naman nila ninais na masaktan kami.
"Hoy Laura, nakikinig ka ba?"
Ito pa ang matindi, hindi ko alam kung alam ba nila mommy na... mahal ko si Luke. Inaamin ko ng mahal ko siya. Noon pa. Ngayon ko lang tuloyang tinanggap sa sarili ko. Nakakaiyak na nakakatuwang isipin na pareho pala kami.
"Ay naku, ayan ang resulta ng pagkamanhid mo."
Ang totoo, naiinis ako noon hindi dahil sa pang-iinis niya, kundi sa akala ko na gusto niya lang pala akong galitin. Sinasabayan ko siya, inaasar ko din siya, hindi dahil sa gusto kong makabawi sa kanya kundi sa pamamagitan nun ay nakukuha ko ang atensyon niya.
I really don't know when it started. Biglang ko nalang siyang napapaginipan, ikinikasal daw kami. Maybe it's something like a premonition. Kaya nga noong sinabi nila Mommy na engaged kami, ang saya-saya ko. Pero hindi ko pinakita ang totoong nararamdaman ko at naggalit-galitan ako. It was too hard to keep my feelings but I did, to save my ego and pride.
"Gusto mo bang tulongan ka namin? Mangingialam na ba kami sa problema niyo?"
Okay na, hindi ba? Mahal pala namin ang isa't isa. Pero bakit ganito? Bakit kami pinaglalayo ng tadhana? Mga magulang lang ba namin ang may gusto na kami ang magkatuloyan? Talaga bang wala na kaming pag-asa? Hindi na ba talaga maayos ang sitwasyon namin? Kung aamin ako, may maganda bang resulta? Paano na si Lyka? Sila na ba kaya sila na ang laging nagsasama? Nakalimutan na niya kaya ako? Ganun lang ba kadaling iwala ang pagmamahal niya sa akin? Hindi niya man lang ako pinaglaban!
"Laura, grabe na ang tama mo. Walang mangyayari kung tutunganga ka lang at walang gagawing aksyon."
Susuko na rin kaya ako? Siguro... Susuko na ko!
"HOY, LAURA! GUMISING KA NGA! NASAAN BA 'YANG UTAK MO HA?!"
Napakurap ako at nakita ko si Mommy na nakapameywang na humarap sa akin. Nakalimutan kong nasa hapag-kainan pala ako.
"Ano po ang sinabi niyo, Mom?"
"Ewan ko sa'yo! Kanina pa ako nagsasalita ng mag-isa dito. Ang sarap niyong pag-untogin! Hay naku! Bahala na nga kayo sa buhay niyo."
Nakatunganga na naman ako habang nakatingin lang sa pag-alis ng Mommy ko. Parang nablanko ang isip at pakiramdam ko. Ay mali...
...may Luke palang natitira sa isip at puso ko.
NAPATINGIN ako sa may pintuan ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nasa may sala ako at nanunuod ng tv. Namasyal sina Mommy at Tita Lucy. Wala naman akong ganang sumama dahil siguradong walang Luke naman akong makakasama.
Matamlay akong tumayo para pagbuksan ang bwesita. O baka ang delivery na ito ng inorder kong pizza. Tsk. Gaya nga ng sabi nila, sa pagkain mo nalang ilabas ang heartache mo.
Pero labis ang pagkulo ng dugo ko ng si Jester ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto. Matagal ko na siyang gustong kumprontahin kaso lang ay siniswerte ang gago at nalaman kong nangibang-bansa siya para magliwaliw.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita ulit sa akin!"
"Huh? Kakauwi ko lang tapos sigaw ang ibubungad mo sa akin? What did I do?" painosente niyang tanong. Ngumiti pa siya. Akala niya hindi ko malalaman ang ginawa niya.
"Why did you lied to Luke?! Bakit mo pinamukha sa kanya na galit ako sa kanya?! Na ayaw ko sa kanya?!"
"Why so serious, Laura? Relax ka lang. Pag-usapan natin ng masinsinan 'yan." Ngumisi pa siya at akmang hahawakan ako pero agad akong lumayo. "I didn't expect na ganito ang madadatnan kong Laura," he said seriously and his gaze sharpened.
"I hate you, Jester. At nagsisisi akong pinatawad kita!"
Kinabahan ako ng marahas niyang hinablot ang kamay ko at mahigpit akong hinawakan. "Bakit ka ba nagkakaganyan?! Hindi ka ba masaya na hindi ka na niya nilalapitan?! Ha?! Ayaw mo ba?!" His eyes are blazing with fire. At nagsimula na naman akong matakot.
"Damn you! I love him! At dahil sa'yo, lumayo siya sa akin!" Umiiyak na sinigawan ko siya. Hindi lang dahil sa sakit ng hawak niya kundi dahil sa labis na emosyong naramdaman ko.
"Ganun?! Wala na naman ako ulit?! Siya pa rin pala, Laura?!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinulaktulak ako.
"Sinabi ko na sayong kaibigan lang kita! Pero ngayon ay hindi na kita kilala!"
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko at napapikit nalang ako sa sakit. Alam kong galit siya dahil nasasaktan siya. Pero mas lalo ko siyang kamumuhian at kailanman ay hindi na pagkakatiwalaan pa ulit kung may gagawin na naman siyang masama sa akin.
"Kung ganun naman pala, edi uunahan ko nalang siya."
Nanginig ako sa takot. Parang nawalan rin ako ng lakas at hindi na makagalaw. Déjà vu! Iyon ang pakiramdam ko. Pero ang nakakalungkot sa pangyayaring ito...
May Luke pa kayang darating para iligtas ako?
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...