Chapter 17

61 4 0
                                    

LUKE looked at me intently. As if he wanted me to know the answer from his eyes. Pero wala naman akong makuha. I can't read him. Or maybe I can but I don't want to assume.

"Ikaw lang."

Nagulat ako sa narinig. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Parang napakaimpossible naman kasi. I know how famous he is among girls. Kahit pa noong elementary, high school at hanggang ngayon.

"Tss! Ako pa talaga ang lolokohin mo?!" sigaw ko at binatukan siya.

"Aray! Nagsasabi naman ako ng totoo ah!" Naiinis na napahawak siya sa nasaktang ulo.

"Sa gwap-este sa pangit mong 'yan, wala nga talagang magkakagusto sa'yo." Napaiwas ako ng tingin. Pero mabilis niyang nakuha ang muntik ko ng masabi kaya malakas siyang napatawa.

"Ano nga ulit 'yon? Sabihin mo na, nahiya ka pa." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya sabay binat.

"Bitaw nga! Ano bang sinasabi mo diyan?!" Hinampas ko siya ngunit tumawa lang ulit ang loko.

"Hindi mo tinuloy ang pagsabi na gwapo ako!" He chuckled and I just rolled my eyes.

"Feel na feel mo naman? Tss."

"Syempre. You've just compliment me. First time. Malaking bagay iyon sa akin."

Natahimik ako. Speechless ulit. As in, wala akong masagot! Kung nakabanat naman kasi ang Bakulaw na ito, sagad sa puso-este sa buto!

"Pero huwag kang mag-expect na sasabihin ko ring maganda ka. Dahil ayokong magsinungaling." Ngumisi pa ang loko. Halatang nang-aasar!

Nagtagumpay nga siya at para na akong bulkang sasabog sa inis. Mabilis naman siyang nakatakbo palayo sa akin kaya agad ko siyang hinabol. Hanggang sa namalayan ko nalang na nawala na ang inis ko at nakikisabay na ako sa mga tawa niya. Nakakahawa kasi ang tawa niya e. Halatang masayang-masaya siya. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na pwede ko naman palang mapasaya ang lalaking nagngangalang, Luke Villafuerte.

MABILIS na lumipas ang mga buwan na nakasama at nakasundo ko si Luke. Sa mga panahong iyon, maraming katangian niya na nagpahanga sa akin. Hindi naman pala siya ganun kasama gaya ng iniisip ko. Sadyang napipikon lang siya kapag iniinis ko kaya inaasar niya rin ako. At tama nga 'yong sinabi niya, hindi na kami bata para magbangayan pa. Pero hindi rin naman lahat ng oras ay "in good terms" kami, syempre, may kunting away-away ring nangyayari. Kagaya nalang ulit ng sinabi niya, nakagawian na namin ang asarin ang isa't isa.

Pauwi na kami galing school nang biglang itinigil ni Luke ang sasakyan sa gilid ng daan. Napakunot ang noo ko at nilingon ko siya.

"Bakit ka tumigil?"

"May gagawin lang ako sandali. Hintayin mo ako dito." Umibis siya ng kotse. Nagtatakang napasunod naman ang tingin ko sa papalayong pigura niya.

Lalong nangunot ang noo ko nang makita ko siyang bumili ng banig at kumot na binibinta sa tabi-tabi. Pagkatapos ay pumasok siya sa isang restaurant, malamang, bibili siya ng pagkain.

"Ano na naman ang trip ng damuhong 'to?" Natatawang napakamot nalang ako ng ulo. Ang gwapo niya kasi, ang tikas pa ng tindig. Para siyang modelo pero may dalang kumot at banig? Ang cute niyang tingnan.

May hindi tama na talaga sa mata ko. Dahil sa paglipas ng araw, mas lalong gumaganda ang paningin ko kay Luke. Tsk. Anong mahika kaya ang ginawa sa akin ng bakulaw na iyon?

Paglabas ni Luke, may dala siyang tatlong plastic. Ang kinagulat ko ay ang pagtawid niya sa kabilang kalsada. And what I just saw made my heart beat so fast. So fast that I can't even chase it.

Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang saya sa mukha ng mga pulubi ng bigyan sila ni Luke ng pagkain. Talagang nakakatunaw ng puso ang ngiti at tawa na sumilay sa mga labi ng mga batang pulubi. Labis rin ang pasasalamat ng mga matatanda sa dalang handog ni Luke.

"Kahit kailangan ay hindi pumasok sa isip ko na may ganitong side rin pala ang tikbalang na lagi akong iniinis. Hindi ko alam na kaya niya palang tumulong sa iba, na hindi ko nga naisipang gawin. Ganito pala ang taong halos kinamuhian ko na noon." Agad kong pinunasan ang luhang pumatak galing sa mga mata ko. Ngumiti rin ako ng makitang pabalik na ng sasakyan si Luke.

"Pasensya na't medyo natagalan ako." Nakangiting bungad pa niya at agad pinatakbo ulit ang kotse. Hindi ako nagsalita kaya napalingon siya sa akin. Tinitigan ko siya ng maiigi, pero agad rin naman siyang umiwas ng tingin. Marahil ay dahil sa nagda-drive siya at kailangang nasa daan ang atensyon niya.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ka makatingin? May nagawa na naman ba akong mali?"

Halos matawa ako ng marinig ang pag-aalala sa boses niya. Tsk. Matagal ko na yatang napapansin na iniiwasan niya ng magalit ako sa kanya. Napangiti tuloy ako.

"Did you always do that?"

"Ha? Do what?"

"Helping them?"

"N-Nakita mo?!" Gulat na gulat pa siya.

"Of course," I chuckled.

"G-Ginagawa ko 'yon sa tuwing nakikita ko sila doon."

I saw his face turned red. Oh my... Is he...

"Nahihiya ka ba sa ginawa mo?"

"N-No. I mean, ahm-"

"Haha! Idiot. You shouldn't be. You should be proud. Maraming kayang gawin 'yon pero nabibilang lang sa daliri ang gumawa. At isa ka na doon."

I smiled at him. And he smiled back. Oh God, why is he sparkling in my eyes? Kinulam ba ako? Tsk. Ano na itong nangyayari sa akin?

"I'm just so thankful that God gave me everything I have now. That is sadly, wala sa iba. Kaya gusto kong magpasalamat through sharing to others, even if it's just a little help. Specially to them, to those beggars. Nang dahil sa kanila, talagang na-realize ko how lucky I am today. And what if ako ang nasa kalagayan nila? It would be really nice if someone will help."

"Tss. You're not that bad after all. You're too good to others. Pero bakit sa akin, hindi? You really like making me annoyed!" I pouted.

"Because you're not just an other person. You're someone special for me. And please always do that, you look cute when you pout."

I felt a sudden skip of my heart beat. Natahimik rin ako at hindi na nakasagot. Hindi ko na rin magawang tingnan siya.

Ano ang ibig niyang sabihin? What did his 'someone special' mean?

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon