Chapter 4

88 2 0
                                    

ISANG LINGGONG awayan at inisan ang namagitan sa amin ni Luke. Mas lumala pa nga dahil mas humaba ang oras namin na kasama ang isa't isa.

"For sure, I'll be having an another ruined day again," parinig ko kay Bakulaw pagkapasok ko sa kotse.

"It's such a disgust to be with a person that is so maarte. Akala mo kung sinong maganda," he fought back.

'Wag kang magpadala sa mga sinasabi niya, Laura. Asar-talo, kaya 'wag mong ipakita na gusto mo na siyang lapain ng buhay!

Siya lang talaga ang nag-iisang nanglalait sa akin. Kahit ilang beses na akong nanalo sa mga beauty contest sa school, may kumuha pa nga sa akin na maging model, walang saysay pa rin iyon kay Luke. Pero pareho lang naman kami. Lagi ko rin naman siyang nilalait. Parang wala kaming nakitang maganda sa isa't isa.

"Oh, nagsalita ang gwapo. Nahiya naman si Kokey sa'yo," I told him as I smiled playfully.

"Dapat talaga siyang mahiya sa akin. Dahil walang-wala siya kumpara sa talampakan ko," he smirked.

Magtimpi ka pa, Laura! 'Wag kang papatalo sa tikbalang na mukhang bakulaw na 'yan!

"E'di, okay! Gwapo ka na."

"No need to tell me that," he grinned.

"Ayon sa akala mo, hinding-hindi sa paningin ko."

I saw his jaw tightened. Kaya napangisi tuloy ako. One point for me!

"Hay naku, mga kabataan talaga ngayon! Magaling magtago ng tunay na nararamdaman."

Sabay kaming napatingin sa harapan nang magsalita ang driver.

"What do you mean?" Luke asked him. Napansin ko ang pag-ayos niya ng upo.

"Itigil niyo na kasi 'yang pagkadi-gusto na pinapakita niyo. Baka 'yan pa ang maging dahilan ng pagkahulog ng loob niyo sa isa't isa."

Parehong nanlaki sa gulat ang mga mata naming dalawa dahil sa sinabi nito. Napatingin pa kami sa isa't-isa na may pandidiri sa mukha. Napatawa nalang si Manong Rodney at hindi na nagsalita. Nawalan naman kami ng sasabihin kaya parehong nanahimik nalang hanggang sa makarating kami sa school.


NAPATINGIN ako sa taong biglang tumabi sa inuupuan ko. Nasa canteen ako at kumakain ng snacks bago umuwi. Wala pa rin naman si Tikbalang. May meeting pa sila since SSG Vice-president siya.

"Hi!"

"J-Jester? Anong kailangan mo?" I asked him at inilayo ng kunti ang upuan ko sa kanya.

"Don't be rude, Laura. I just wanna sit and talk to you," he sincerely smiled at me.

"Eh..."

"You looked tense. Don't worry, hindi ako nangangagat, nangangain lang." He chuckled. Hindi ko alam kung sasabayan siya o iiwasan na lang.

"Sorry," I apologized.

"No worries. So, can I sit here or lilipat nalang ako?" he asked my consent.

Napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung pakitungohan ko siya ng tama. Nakipag-usap naman ng maayos ang tao.

"No need. You can share a table with me," I smiled.

"Thanks," he smiled back.

"Bakit mo namang naisipan na lapitan ako?" I continued our conversation.

"Actually, noon pa kita gustong lapitan. Kaso, laging inaagaw ni Luke ang atensyon mo."

Nagugulohang napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"I'll be frank. Gusto kitang maging kaibigan. Masama ba 'yon?" He stared at me.

"No," iling ko. Kaibigan lang ba talaga?

"So, can we be friends?" Inabot niya ang kanyang kamay. Nagdadalawang-isip namang tinitigan ko iyon.

"Walang germs ang kamay ko. Inubos ko ang isang bote ng alcohol kanina."

Napatawa ako sa sinabi niya. May humor ang gago. Agad kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Maybe, he's not bad after all. Playboy nga siya, pero may ipagmamalaking mukha nga naman. Plus the fact na babae rin naman ang unang lumalapit sa kanya. And he just want friendship from me. Iyon ang sinabi niya.

"Bakit ba lagi ka nalang walang kasama?" he asked.

"Stalker?" I joked and he chuckled.

"Seriously, si Luke lang lagi ang kausap mo—rather kabangayan mo. You don't have any girl friends?"

"I have friends but not totally close. At maarte kasi ako, ayokong may magulo."

"Kaya pala lage mong kaaway si Luke. Kasi ginugulo ka niya," he laughed.

"Teyka nga, kanina ka pa mention ng mention sa pangalan ng bakulaw na 'yon. Don't tell me you're gay?!" I asked in bewilderment.

"Damn! Hahaha! No way!" tawa niya na napahawak pa sa tiyan. Napalingon tuloy sa amin ang ibang kumakain.

"Huwag ka na kasing mahiya. Magkaibigan na tayo, 'di ba? Kaya sabihin mo na sa akin. Promise, secret lang natin," I told him seriously.

Natigil naman siya sa pagtawa at napatingin sa akin with amusement in his eyes.

"Seriously, Laura? Gusto mong patunayan ko sayong tunay na lalaki ako?"

I gulped. Our face were inched apart. Nabigla talaga ako when he suddenly move his head closer to my face.

"Hey... Back—"

"LAURA! DIYAN KA NALANG BA O IIWAN KA NAMIN?"

Sabay kaming napalingon ni Jester sa taong sumigaw. I saw Luke. He looked so mad. Ang talim ng tingin niya sa amin while his hands were on his pockets. Nang magtama ang mga tingin namin ay agad siyang umiwas at tumalikod paalis.

"Nandito na naman ang sundo mo," Jester muttered.

"Yeah. Sorry, but I need to go."

"It's okay. I'll see you next time," he smiled.

"It's nice talking to you. Bye, Jester!" I smiled back at him.

"Same to you, Laura. Goodbye and take care!"

Mabilis akong umalis papuntang parking lot. Naabutan ko si Luke na nakasimangot habang nakasandal sa may pintuan ng backseat.

"Done with your flirting session?" he asked with a pissed face.

"What flirting are you saying?! Tumabi ka nga!" Tinulak ko siya para makapasok pero napigilan niya ang kamay ko.

"What did that Jester told you?!"

"Why do you care?! Tss!" Hinila ko ang kamay ko at agad ng binuksan ang pinto sabay pasok.

Walang kaming imikan habang nasa byahe kami pauwi. Nagugulohan ako sa inaakto niya.

Why is he acting like a jealous boyfriend? Tsk.

Eww, Laura! Where did you get that idea?! Gosh!

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon