Chapter 12

73 3 0
                                    

NAKITITIG ako sa kawalan habang nag-iisip kung sasabay ba ako kay Luke ngayon o magko-commute nalang. The other side of my mind told me to go home with him. Inirason ko sa sarili ko na mas mabuti nga iyon, makakatipid ako ng pamasahe. But half of me hesitated. I don't know why. I kinda feel... shy towards him. Simula noong summer break ay nakakaramdam na ako ng ganito.

"Laura," someone called me.

Napalingon ako at nakita ko si Jester. Kakababa lang niya sa kanyang kotse.

"Jester," mahinang balik-tawag ko at ngumiti ng kunti. Napansin ko naman ang pag-aalinlangan sa mukha niya kung lalapit ba o hindi sa akin. Sa huli ay nagpasya siyang lumapit nalang.

"Pasensya nga pala sa inakto ko noong isang araw," ani niya.

Oo nga pala. Simula kahapon pa kami hindi nagpapansinan. Mabuti nalang at nauna siyang nagpasya na pansinin ako. Hindi pa naman ako ang tipo ng taong unang namamansin.

"Okay lang 'yon kaya kalimutan mo na."

Nagliwanag ang kinakabahang mukha niya at napalitan ng ngiti. Para namang nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko ng makita iyon. Tinuring ko siyang kaibigan kaya medyo nalungkot ako nang nagkatampohan kami.

"So, okay na tayo?"

"Obviously," I chuckled.

"Pwede na ulit kitang ihatid?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi ko. Then I roamed my eyes around the parking lot. Bigla ko kasing naalala si Luke at tila umaasa ako na sana ay nandito siya. Dahil nakakaduda ang tahimik ng paligid. Kahit ang security guard ay wala. Is this just a coincidence?

"Laura? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Jester. Napalingon naman ako at nakita ko siyang ngumiti.

Sa totoo lang ay bigla kong naisip ang babala sa akin ni Luke, pero wala naman kahinahinalang masama sa kilos ng kaharap ko kaya iwinaksi ko nalang ang naisip. Paranoid lang ang Tikbalang na iyon. Jester is my friend.

"Sasabay kasi sana ako kay Luke ngayon e, kaso wala pa siya. I'll text him first—"

"No! Ahm, huwag na. Nakita ko siya kanina sa department office natin. Sinamahan niya ang nililigawan niya doon."

"T-Talaga?"

I don't why but I feel a sudden sting in my heart. Naisip ko si Lyka, ang babaeng lage niyang kasama. Nanliligaw ba talaga siya?

"So, let's go?"

Wala sa sariling napatango ako at sumunod kay Jester papasok sa kotse. Hindi mawala sa utak ko ang sinabi niya kanina. Tch. Bakit ba ang weird ng feeling ko? Ano bang pakialam ko sa tikbalang at lintang 'yon?!

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan. Pero wala naman sa mga nadadaanan ang atensyon ko, nasa utak ko pa rin kasi ang nalaman na nanliligaw si Luke kay Lyka. Sa pagkakakilala ko sa babaeng iyon, base sa nalaman ko, siguradong sasagutin niya agad ang bakulaw na 'yon! O 'di kaya'y sila na nga ngayon.

Argh! Ano ba kasing pakialam ko sa kanila?!

"Bakit ang tahimik mo?"

Narinig ko ang tanong ni Jester pero wala akong ganang sumagot. What's happening to me? Bakit apektadong-apektado ako sa landian nila?! Aish!

Kapag ganitong nawawala ako sa mood, nagcri-crave ako ng fastfoods like sundae, french fries, chicken joy, burger at spaghetti! Nakakatakam na tuloy na kumain.

"Makabili nga ng—Teyka! N-Nasaan na tayo?"

Kinabahan ako ng makitang puro puno ang nasa gilid ng daan. Sa pagkakaalam ko ay walang ganito patungo sa bahay namin. And supposedly, nakarating na kami ngayon dahil thirty minutes na ang lumipas. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school!

"Don't worry, Laura. I'll take you home after. May gagawin lang muna tayo." Makahulogan siyang ngumiti na nagpakaba sa akin ng husto.

Something is wrong! May binabalak siyang masama!

"A-Anong gagawin natin? J-Jester! B-Bakit ang dilim ng paligid? N-Nasaan na ba tayo?!"

"Masyado kang excited. Fine! Dito nalang tayo."

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko ng pinarada niya ang kotse. Pagkatapos ay tinanggal niya ang seatbelt niya at agad bumaling sa akin.

"Ihatid mo na ako pauwi, p-please," naiiyak kong sabi.

He just smiled at me. But his smile is so creepy. And it proved that he had an evil plan in his mind.

"Mamaya na. Let's enjoy this night, okay?"

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Para naman akong naparalisado dahil sa kabang nararamdaman. Hanggang sa napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko bago ko naisipang tanggalin ang seatbelt na nakakabit sa akin.

"Jester please, a-ano man 'yang binabalak mo. S-Stop it. Hindi 'to magandang biro."

Tinitigan niya ako sa mata. At doon ko nakita na hindi na si Jester na tinuring kong kaibigan ang kaharap ko ngayon. He suddenly looks unfamiliar.

"M-Maawa ka. H-Huwag mong gawin sa akin 'to," nanginginig kong sabi habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko sa mata. Inilipat naman niya ang atensyon niya sa may leeg ko. Naramdaman ko rin ang init ng hininga niya doon.

"Hindi pwede. Dapat kang maging akin ngayon bago pa mahuli ang lahat!"

Nagsimula na siyang halik-halikan ako sa leeg at buong lakas ko siyang pinipigilan. Ngayon ay sobra na akong nagsisisi dahil hindi ako nakinig kay Luke.

"Halimaw ka! Bitawan mo ako!" Pinagpatuloy ko ang pagpupumilgas kaya napatigil siya sa paghalik sa leeg ko. Pero hinawakan niya naman ang magkabila kong pulsohan. Dahil sa mas malakas siya sa akin, nahihirapan akong bawiin ang kamay ko.

"Nababaliw ka na! HAYOP KA!" malakas na sigaw ko sa kanya. Sunod-sunod na bumuhos ang mga luha ko.

"OO! NANG DAHIL SA'YO!"

Sinubokan niya akong halikan labi. Mabilis akong umiwas kaya sa gilid ng mukha ko siya napunta. Pilit niyang hinuhuli ang labi ko pero hindi ko hahayaang mapunta sa gagong tulad niya ang first kiss ko!

Kahit nauubosan na ako ng lakas dahil sa pag-iyak, pinilit ko pa ring magpumilgas. Sumasakit na ang kamay ko sa higpit ng hawak niya at ng katawan ko dahil nakadagan siya sa akin. Pero sinusubokan ko pa rin na itulak siya kahit alam kong wala na akong laban sa kanya.

"T-Tama na please. Jester, maawa ka sa akin."

Humagulhol na ako ng iyak pero tila wala siyang narinig. Narinig ko ang pagpunit ng tela ng damit ko. Nawawalan na ako ng pag-asa kaya ang mukha ko nalang ang iniwas ko, mukhang ito nalang yata ang maiiligtas ko.

Just One Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon