MABILIS akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Luke. Bumalik ulit ang excitement ko dahil sa pagdating niya. Nakangiting hinarap ko siya.
"Luke! I'm glad you're here. Okay na—" Hindi ako nakatapos sa pagsasalita dahil mabilis na nakalapit sa kinaruruonan namin si Luke at malakas na sinuntok si Jester. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.
"Luke! Stop it!"
Mabilis na nakabalanse si Jester at hinarap si Luke. Gumanti siya ng suntok dahilan para matumba si Luke. Hindi ko alam kung sino ang titingnan sa kanilang dalawa.
"Ano ba?! Tama na!" Naiiyak na umawat ako pero hindi pa rin tumigil ang dalawa. Nakita ko ang sobrang galit sa mukha ni Luke. Kinabahan ako. Baka hindi ko na siya mapigilan.
"Luke! Awat na! Umalis ka na!"
Agad napatigil si Luke nang marinig niya ang sinabi ko. Tumingin siya sa akin na may lungkot, sakit at galit sa mga mata niya. Marahas niyang tinulak si Jester at pinunasan ang dumugong labi.
"Ako ang pinapaalis mo? Kinakampihan mo ang hayop na 'yan?!"
"I-Ikaw ang unang sumugod!" rason ko.
"Fine! Lagi namang ako ang masama e! Bahala ka na! Magsama kayo!"
Mabilis siyang tumalikod at malakas na sinara ang pinto. I was left dumbfounded. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at siya ang pinaalis ko. Mali ang nagawa ko. Maling-mali.
Bigla akong natauhan at agad siyang sinundan.
"Luke, wait!"
Pero huli na dahil ang papalayong sasakyan nalang niya ang naabutan ko. Nanlulumong napaupo ako sa gilid ng daan at naiiyak na hinilamos ang palad sa mukha.
"Pasensya na, Laura. Nag-away tuloy kayo dahil sa akin."
Malungkot na ngumiti ako at hinarap si Jester. "It's not your fault. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya."
"No. Ako dapat ang mag-sorry. Sa unang banda, ako naman talaga ang may ginawang kasalanan." He gave me a timid smile. "Aalis na ako. Baka maabutan pa ako ng Mommy mo. Nahihiya pa akong harapin si Tita Bella."
"Ingat ka."
Tumango lang siya at agad na ring umalis. Napahinga naman ako ng malalim bago pumasok ulit sa loob ng bahay.
"Kakausapin ko nalang si Luke mamaya pagbalik niya. Sana lang ay hindi mapahamak ang tikbalang na 'yon. Tsk."
PUMUNTA ako sa isang bar kahit hindi pa gabi at tanghaling tapat palang. Gusto kong uminom. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong mawala ang galit at sakit na nararamdaman ko kahit saglit lang.
"Sigurado po ba kayo, Sir?" tanong ng bartender sa akin.
"Mukha ba akong nagbibiro?!"
"Ang dami naman po kasi ng order niyo. Ilan po ba ang kasama niyo?"
"Just gave it all to me, damn it! Magbabayad naman ako! Dadaldal ka pa!"
"Pasensya na po, Sir."
Matalim na sinusundan ko ng tingin ang bartender habang naglalapag ng maraming bote ng alak sa harap ko. Kita na ngang wala ako sa mood, tanong pa ng tanong!
"Heartbroken po ba kayo, Sir?" tanong ulit ng lalaking bartender na mas bata pa siguro sa akin ng ilang taon. Sa tingin ko ay working student siya dahil iba ang I.D niya sa ibang staff.
"Bakit ba ang tsismoso mo?! Mind your own life!"
"Nag-aalala lang ho. Baka malasing po kayo at maaari pa kayong mapahamak. At hindi naman po ang pag-inom ng marami ang solusyon ng problema, sakit ng ulo lang po ang makukuha niyo diyan."
"Sige pa, dumaldal ka pa. Kapag narinig ka ng boss mo, siguradong mawawalan ka ng trabaho dahil pinipigilan mong bumili ang customer niyo!"
"Bahala na po. Basta wala pong mapahamak. Hindi po kasi natin alam, na maaring mas masaktan ang taong dahilan kung bakit kayo nasasaktan kung sakaling may mangyaring masama sa'yo, Sir."
Napatigil ako sandali at agad rin napangisi. Dahil malabong mangyari ang sinabi niya sa sitwasyon ko. She doesn't care about me. I am just a nobody to her.
"Alis na!" Tinulak ko siya paalis pagkatapos ko siyang bigyan ng pera, bayad sa inumin at kasali na doon ang tip ko sa kanya. Agad ko namang binuksan ang isang bote at diretsong tinungga ang laman hanggang sa maubos. Nalasahan ko ang magkahalong pait at anghang ng alak kasabay ang pagbalik ng samot saring emosyon na pinawi kanina ng bartender.
Labis ang sakit na naramdaman ko ngayon. Mas kinampihan ni Laura si Jester! Ginawan na nga siya ng masama ng gago, ako pa ang pinaalis na siyang nagtanggol sa kanya. Mapait akong napangiti nang maisip ko na mas matimbang pala sa kanya si Jester kaysa sa akin.
"Shit lang! Ang sakit dito!" Nagpipigil ng galit na turo ko sa may bandang dibdib ko. "Mas mahalaga pala siya! Mas importante pala siya! Sana hindi nalang ako umasa, Laura!"
Para akong baliw na nagsasalitang mag-isa habang patuloy sa pag-inom. Wala na rin akong pakialam kung naririnig ng bartender ang mga sinasabi ko. Nakita ko pa ang pag-iling niya na para bang iniisip niyang tama nga ang hinuha niya.
"Oo, noon pa! Noon pa... mahal na kita, Laura!" Pumiyok ang boses ko. "Mahal kita ngunit hindi mo alam! Mahal kita pero hindi ko maamin sa'yo! Mahal kita pero natatakot akong malaman ang sagot mo!" Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Nakakatawa, umiiyak na naman ako. Katulad ng patagong pag-iyak ko kapag napapaiyak ko si Laura.
"Kaya galit na galit ako sa Jester na 'yon! Alam niyang mahal kita! Pero ayaw niyang magpatalo! Gusto ka niyang kunin sa akin! Ayoko, Laura. Hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba. Ayokong makita kang masaya sa kanya. Gusto kong ako lang... ako lang ang magpapangiti at magpapasaya sa'yo. Ako lang mag-aalaga sa'yo hanggang sa pagtanda natin. Ako lang ang kasama mo sa paglipas ng panahon. Ako lang at walang ng iba. Umasa akong darating ang araw na mahal mo na rin ako bago pa ang kasal natin."
Maraming bote na ang walang laman. Hindi ko na halos maimulat ang mata ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-inom. Ilang oras na ba akong umiinom?
"Ang duwag ko. Napakaduwag ko dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sa'yo. Hindi ko maipalam ang totoong nararamdaman ko sa'yo. Dahil hindi ko pa nga nasisimulan, nasasaktan na ako."
Sobrang nahihilo na ako. Hindi naman talaga ako umiinom. Ito ang unang pagkakataon. Pero kahit ganun ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-inom. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nauubos ang lahat ng ito. Hindi ako titigil hangga't hindi pa nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Napasubsob ako sa mesa ng maramdaman ko ang pagbigat ng ulo ko. I'm just sipping the beer like a hot coffee. Kaya hindi ko namalayan na sa paglipas ng oras, marami na pala akong nainom.
"Inaasar kita mula noong bata pa tayo dahil gusto kong pansinin mo ako. Kahit ayokong nagagalit ka sa akin, ginagawa ko pa rin para lang kausapin mo ako kahit pasigaw. Pero Laura, walang-wala ba talaga ako sa puso mo kahit katiting lang? Naging magkaibigan rin naman tayo, nagturingan pa ngang mag-boyfriend at girlfriend... pero simpleng Luke, ang bwesit na bakulaw slash tikbalang lang pala talaga ang papel ko sa buhay mo."
Ang huling narinig ko ay ang pagtawag sa akin ng mabait na bartender. Sobrang bigat na ng ulo ko. Pumipikit na ang mga mata ko. At bago ako nawalan ng ulirat, paulit-ulit pa rin ang pagsambit ko sa pangalan ni Laura at ang pagsabi ko kung gaano ko siya kamahal.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
Roman d'amourLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...