"WHY ARE you following me? Hindi ka pa ba papasok?" nagugulohan kong tanong kay Luke ng makita ko siyang nakasunod pala sa akin.
"Papasok. But I should do my responsibility first, ang ihatid ka sa room mo. I want to keep you safe."
Biglang tumibok ng napakabilis ang puso ko at sobrang lakas pa ng tambol nito. I don't know why he's acting like this and what's his reason behind by saying those sweet words. This is really new to me and I feel so awkward, awkwardly good.
Wala akong masabing sagot kaya tumahimik nalang ako. Ganun rin naman ang ginawa niya sa tabi ko kaya wala kaming imikan habang sabay na naglalakad. May mga classmates nga akong napapatingin sa akin at nagtataka kung bakit ko kasama ang isa sa kilalang lalaki ng Engineering Department. Pero pakialam ko ba sa mga naiinggit na tingin nila. Tsk.
"Nandito na tayo, alis na!"
"Sweetie pie naman, wala man lang bang goodbye kiss?" he grinned.
"Sweetie pie makes me cringe. Itong kamao ko, gusto mo?" Pinakita ko pa sa kanya ang nakakuyom na kamay ko.
"No, thanks." He laughed, showing his perfect set of teeth and making his tantalizing eyes twinkle. Seeing him this happy makes him look so great.
Oh my gosh! Bakit nag-iba na yata ang paningin ko sa kanya? Why am I admiring his looks now?! Gwapo siya noon pero mas gwapo siya ngayon. Goodness!
"Don't worry. Hindi pa nakakalabas ng hospital si Jester. So, you're safe. And go, dahil aalis lang ako kapag nakapasok ka na."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na napangiti. I made a step closer to him and whispered to his ear, "Thank you. Take care, Love."
Mabilis akong tumalikod at patakbong pumasok sa loob ng classroom. Parang tanga pa ngang hindi napalis ang ngiti ko. Kahit na noong nagsimula ng mag-discuss ang Professor namin ay wala sa klasi ang atensyon ko. Isa lang naman kasi ang tumatak sa isip ko sa buong araw na ito, ang mukha ni Luke.
NAGULAT ako nang paglabas ko sa classroom ng last class ko ay nakita ko si Luke. Ngumiti siya nang magtama ang tingin namin at lumapit agad siya sa akin.
"Bakit ka nandito?"
"Sinusundo ang Love ko?" he grinned.
Narinig ko ang bulongan at hagikhikan ng mga classmates ko kaya agad ko siyang hinila paalis. Gusto kong ngumiti sa kilig kaso ayaw ko na makita ni Luke, baka asarin niya pa ako na affected ako sa mga salita niya.
"Loko-loko ka talaga! Biro ko lang ang pagtawag ko sa'yo ng ganun kanina 'no!"
"Sayang naman. Akala ko totoo na. Paasa ka." Umakto pa siyang nasasaktan habang hawak-hawak ang dibdib. Napatawa tuloy ako at tinulak siya.
"OA mo! Bilisan mo na nga diyan."
Binilisan niya nga ang paglalakad niya at halos iwan na ako. Napangisi nalang ako at hinabol siya para magkapantay kami. Ngunit pagdating namin sa parking lot, hindi pa rin siya nagsalita. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto ng sasakyan at nagtatakang pumasok naman ako.
"Hoy! Anong drama 'yan?" I teased but I got no reaction from him. Seryoso lang siyang nagda-drive. Bakit siya affected sa sinabi kong biro? Noong tinawag ko siyang Tikbalang at Bakulaw, hindi naman siya nagalit ah! Tapos ngayon, magtatampo siyang ayaw ko na siyang tawaging 'Love'?
"May problema ba?" nag-aalala kong tanong. Hindi kasi ako sanay na ganito siya umakto. Parang ang lamig ng paligid.
Pero wala pa rin akong napala. Tahimik pa rin siya. Nakaramdam tuloy ako ng inis kaya pinag-ikis ko ang mga braso ko. Cold treatment pala ha? Then fight me.
"Ewan ko sa'yo. Kung may problema ka sa akin, sabihin mo! Tsk! Ay-"
Napahawak agad ako sa gilid ng kotse ng bigla niyang pinarada ang kotse. Muntik pa akong masubsob, mabuti nalang at naka-seatbelt ako. Hindi ko namalayang nasa bahay na pala kami.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Nanlilisik ang mga matang nilingon ko siya. At nakita ko na nakangisi ang gago. Kaya padabog kong tinanggal ang seatbelt ko.
"Kainis ka!"
"Haha! Sorry."
"Sorry your face!" Naiinis na lumabas ako sa kotse niya.
"Bye, Laura."
"THANK YOU!" I sarcastically shouted at him.
Tumawa lang ang loko bago tumuloy sa bahay nila. Nakabusangot na pumasok na rin ako at naabutan si Mommy sa may sala. Nakaharap siya sa isang laptop at may kausap doon.
"Anak, halika! Kausap ko Daddy mo," masayang sabi niya kaya agad nawala ang inis ko.
"Dad! I miss you!"
"I miss you too, baby girl!" teary eyes na sagot niya.
"Hmp! Dalaga na po ako." I pouted.
"You'll always be my baby girl, Laura." Sabay pa silang tumawa ni Mom kaya napangiti na rin ako.
Ilang minuto rin naming kausap si Daddy ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. I got it from my bag. Nang tingnan ko, may nag-text. I hurriedly open my inbox. At nakita kong galing kay 'TikbaKulaw' ang message.
"Oh? Bakit ganyan ang reaction ng baby ko? May umaway ba sa'yo?"
Napatingin ako kay Dad na nasa screen. Pati si Mom, pilit na tinitingnan ang message ko. Pero hindi ko pa ito nababasa kaya tinago ko ang phone mula sa mata ng magaling kong ina.
"Ayee, si Luke ang nagtext sa kanya," daldal niya sa Daddy ko.
"Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkakasundo? Akala ko ba, alam niyo na ang arrangement?" Dad asked.
"Okay naman po kami kanina. Ewan ko pag-uwi namin, bigla nalang nag-iba ang mood niya! Hindi niya na ako pinapansin!"
"Ay sus, may LQ lang pala e!" tudyo ni Mommy na sinang-ayonan naman ng ama ko.
"Diyan na nga kayo! Good night Dad, Mom." Pagkatapos kung mag goodnight kiss sa kanila ay agad na akong pumunta sa kwarto ko. Naghalf-bath na rin ako at agad humiga sa kama. I remembered my phone at kinuha iyon.
From: TikbaKulaw
Sorry kanina. Huwag ka ng magalit sa akin, please. Bati na tayo, okay? At sabay ulit tayo bukas. Good night and sweet dreams! :)
P.S.
You can dream of me, Love. ;)
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. I can't stop myself from giggling. Kinikilig ba ako? Dahil kay Luke?
Tch. Hindi naman siya ganito sa akin dati ah? Nakakapanibago pa rin. Parang kahapon lang ay nag-aasaran, nag-aaway at nagbabangayan pa kami na parang aso at pusa. Pero gaya nga ng dalawang hayop na iyon, pwede palang maging magkaibigan ang mortal na magkaaway.
"Alis na sa isip ko, Tikbalang! Tss. Bakulaw ka talaga! Alis na kasi, matutulog na ako!" parang baliw na maktol ko bago pumikit.
Dapat itim ang nakikita ko ngayon, pero bakit ang nakangiting mukha niya ang nakikita ko? Pilit ko siyang inalis sa isip ko. Subalit ayaw mawala. Hinayaan ko nalang hanggang napangiti ulit ako bago tangayin ng antok at tuloyang nakatulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...