"ANO BANG nangyari kahapon? Akala ko ba mamasyal kayo ni Luke?"
Napatingin ako kay Mommy habang kumakain kami. Kinabahan ako sa timbre ng boses niya.
"Bakit, Mommy? May nangyari ba kay Luke?"
"Lasing na lasing daw na umuwi kagabi! Mabuti nalang at mabait ang bartender kaya hinatid siya sa bahay nina Lucy. Ang pinagtataka naman ng bestfriend ko, hindi naman daw umiinom ng alak ang anak niya."
Napatigil ako at napaisip. Kaya ba hindi ako mapakali kagabi dahil hindi siya okay? Kaya ba hindi na siya bumalik sa amin at nakatulog nalang ako sa paghihintay sa kanya dahil naglasing siya? Pero bakit? Ganun ba talaga ka-big deal sa kanya ang nangyari, ang ginawa ko?
"Umamin ka nga, Laura. May nangyari ba kahapon na hindi namin alam?"
Napayuko ako at tumigil sa pagkain. "Opo. P-Pumunta si Jester dito. Nagkasuntukon sila. Tapos nasigawan ko si Luke at pinaalis."
"What?! Mas kinampihan mo ang Jester na 'yon?! Pambihira naman, anak! Ano bang pinakain ng lalaking 'yon sa'yo ha?! May gusto ka ba sa kanya, Laura?! Umamin ka!"
"Ma! Wala po! Alam niyo namang naging malapit na kaibigan ko 'yong tao. At tsaka, maayos na humingi siya ng tawad kahapon. Naintidihan ko rin po naman ang rason niya. E, si Luke kasi padalos-dalos, nanuntok agad."
"Aish! Ewan ko sa'yo, Laura! Ang manhid mo kasi!"
Napanganga nalang ako ng biglang mag-walk out ang Mommy ko. Napaisip naman ako sa huling sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Ako? Manhid? Bakit naman ako naging manhid?" Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Pupuntahan ko nalang mamaya si Luke."
DALAWANG linggo na ang lumipas pero lagi kong hindi naaabutan si Luke sa kanila. Summer vacation na at wala naman siyang nae-kwento sa akin na gagawin ngayong break.
"Saan po ba siya pumunta? Ba't lage siyang umaalis?"
"Ewan ko sa batang 'yon. Hindi nga nagpapaalam sa akin kapag umaalis siya e," himutok ni Tita Lucy.
"Ganun po ba? Sige, Tita. Tatawagan ko nalang po siya ulit."
"Ikaw ng bahala sa biglaang pagrebelde ng batang 'yon. Paki-inform nalang ako kapag nalaman mo kung nasaan siya ha, Laura?"
"Opo." Nagbeso muna kami bago ako umalis pabalik sa bahay.
Sa totoo lang, hindi rin sinasagot ni Luke ang tawag at text ko. Minsan nga ay sadya talaga ang pag-end ng call. Nag-aalala na talaga ako.
"Hindi ko siya maintindihan e! Ano ba kasing problema niya?! Kung galit siya sa akin, sana'y sabihin niya! Hindi tulad nito na para kaming naglalaro ng taguan! Tsk. Nakakainis na naman siya!"
NAISIP ko na niloloko ko lang yata ang sarili ko na magkakagusto rin sa akin si Laura. Nagkamali yata ako ng strategy. Tuloyan na siguro siyang nagalit sa akin at kailanman ay hindi na niya ako magugustohan. Ang kabaitan at pakikisama na pinakita niya sa akin ay respeto at pagsunod niya lang yata sa kagustohan ng mga magulang namin.
"Okay na sana ang lahat. Kahit kaibigan man lang ang turing niya sa akin, kaya kong tanggapin. Basta makasama ko lang siya," I talked to myself.
Papunta ako sa mall ngayon. Narinig ko kasing sa bahay namin kakain ng lunch si Tita Bella. For sure, kasama si Laura. Kaya agad akong tumakas para hindi niya ako makita, kahit gustong-gusto ko ng makita siya ulit. Paulit-ulit kasing nagre-replay sa utak ko ang katotohanang mas pinili niya ang hayop na Jester kaysa sa akin. At noong pinaalis niya ako, para niyang sinampal sa mukha ko na gusto niya akong umalis sa buhay niya.
Paparking na sana ako nang bigla akong inunahan ng isang kotse. Umigting ang panga ko sa inis.
"Pambihira naman oh!" mura ko. Nadaplisan ng sinumang sira-ulo na ito ang sasakyan ko na dumagdag sa kamalasan ng araw ko.
Nanglabas ang mga ugat ko sa leeg nang bumaba doon si Jester na nakangisi pa. Kaya galit akong lumabas at nilapitan ang gago.
"Nananadya ka ba?!"
"Ano sa tingin mo?" Jester smiled devilishly. Bumilis naman ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo.
"Kung hindi lang dahil kay Laura, tinapos na kitang gago ka!" I grinned my teeth as I pointed him.
"Gustong-gusto mo pa rin pala siya."
"Mabuti't alam mong hayop ka! So, you better stay away from her!"
"Ako o ikaw? Huwag ka ng umasa pa, Luke! She will never ever love you back!"
"Shut up!"
"She doesn't love or even like you! Because she hates you very much! Ikaw ang malas sa buhay niya at ikaw ang taong pinakaayaw niya sa lahat!"
Parang natamaan ako ng ilang libong pana sa dibdib ko, may halo pa yatang lason. Kasi pakiramdam ko ngayon, unti-unti akong namamatay.
"You're lying!" I gritted my teeth.
He laughed sarcastically. "Remember that I've been her close friend, Luke. Mas nauna pa kaming nagkasundo kaysa sa inyong dalawa! And she told me how much she hates you. Simula bata palang ay panira ka na ng buhay niya. Then? Sa tingin mo ay papasalamatan ka niya sa ginawa mo? Sa tingin mo magugustohan ka pa niya pabalik? Hindi! She cursed you from head to toe!"
Dahil sa galit at labis na sakit na naramdaman ko, malakas na sinuntok ko si Jester. Nakalugmok pa siya sa sahig ng tinalikuran ko siya at sumakay ulit sa kotse at agad umalis. One punch is enough. He isn't worthy off spending my time.
But I smiled bitterly. My tears rolled down from my eyes like a damn rain. I was not able to stop it. But I hurriedly wiped it off.
"Damn! Damn it! It fucking hurts! I feel like I am wrecking to bits!"
Hindi ko alam kung ilang oras akong nagda-drive kung saan-saan. Hindi ako huminto hangga't hindi pa dumilim. Mabuti nalang at hindi naman ako naaksidente kahit sobrang bilis ng takbo ko. Even if ang sarap ng magpabunggo, hindi ko ginawa. I remembered my Mom and Dad. Hindi ko sila pwedeng ewan basta-basta nalang.
She's just a girl, Luke. A damn girl that can break my whole system!
Tumigil ako sa isang tabi malapit sa dagat. Lumabas ako ng sasakyan. Humarap sa malinaw na tubig at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin.
"Kung ayaw niya talaga sa akin, then fine! It's fine. Kakayanin ko. Basta ba sumaya siya kapag nawala na sa buhay niya ang isang Luke Villafuerte. Damn it! Ang sakit pala nito. Mali bang mahalin ka Laura? Mali ba?! Mali bang hindi mo alam na labis mo na akong sinasaktan?! MAHAL KITA! Alam mo ba?! MAHAL KITA, LAURA! Mahal na mahal kita."
Napahagulhol ako ng iyak. Masagwa? Hindi. Hindi naman kasi lahat ng oras kaya naming magtimpi. Tao rin kaming mga lalaki. Katulad ng bulkan, darating din ang panahon na sasabog ang emosyon namin. Lalo na kapag labis na kaming nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomantikLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...