AFTER NINE years...
"Hoy, Tikbalang! Ibigay mo sa akin ang bag ko!" galit na sigaw ko kay Luke Villafuerte.
"Ako? Tikbalang? Sa gwapo kong 'to?"
Nag-pose pa ang mokong kaya naghiyawan tuloy ang mga babae na kanina pa nakatingin sa amin. Hearthrob at campus crush daw siya at lage niya iyong pinagmamayabang sa akin. Tsk. Mga bulag ang mga babaeng 'yon!
Ano bang nakita nila sa tikbalang na 'yan? Eh, ang pangit niya! Ang pangit ng matangos niyang ilong, nakakainis ang mga mata niya na kung makakatitig ay parang nilulusaw ako, ang pangit rin ng labi niya dahil sobrang pula, para siyang naka-lipstick! Argh!
"Heh! Just give me, my bag back to me, now!"
"Psh. Ayoko nga!" pang-iinis niya pa sa akin.
"Ayaw mo pala, ah?"
Kumuha ako ng nabaling sanga ng kahoy at hinabol si Luke.
"Habulin mo ako!" tawa ng loko sabay takbo palayo.
Habang naghahabulan ay hindi nawawala ang audience, na mga schoolmates namin sa high school. Sanay na sanay na silang makitang lagi kaming nagbabangayan ni Luke. Simula pa first year hanggang ngayong nasa last year na kami. Pero ang nakakainis lang, karamihan sa kanila ay kinikilig dahil ang sweet daw naming maglambingan!
Eww! Never in my sugar dreams na magugustohan ko ang bakulaw na ito! As in, yuck?!
"Akin na 'yan, BAKULAW! Maiiwan na ako ng school bus ko!"
Peep! Peep!
Sabay kaming napatigil at napalingon sa papalayong bus. Wala sa sariling napapatitig nalang ako sasakyan ko papunta sa school at pauwi ng bahay.
"Ahhh! I hate you!" galit na sigaw ko sa kanya. Naiiyak na lumakad ako papalabas ng school at iniwan ang tikbalang slash bakulaw na one and only ruiner ng buong araw ko.
"Hey, Laura Alquezar? Hindi mo na ba kukunin 'tong bag mo?" sunod niya sa akin.
"Kainin mo 'yan!" irap ko sa kanya.
"Ayaw mo? E'di 'wag."
Hindi ko na siya nilingon. I really hate him. Bata palang kami ay bwesit na sa buhay ko si Luke. At sa malas pa ay lagi ko siyang classmate kaya hindi talaga nawawala sa paningin ko ang bakulaw na iyon. May dalawang section naman per level pero nakakainis na lage nalang kaming napupunta sa parehong classroom.
Naramdaman ko ang pagtahimik niya sa likod ko. Napalingon ako at wala na akong nakitang Bakulaw a.k.a Tikbalang na nakasunod!
"Kainis! Lagot ka sa akin bukas! Argh!"
Padabog na nakarating ako sa may sakayan. First time itong magko-commute ako. Sa tuwing inaagaw niya ang bag ko, lage ko namang nababawi dahil binibigay niya naman sa akin pagkaalis ng school bus ko. Kaya inis na inis ako sa kanya ngayon. Gusto niya yatang pahirapan ako sa pag-uwi!
"Manong, anong oras po ba dadating ang mga pampasaherong sasakyan?" tanong ko sa matandang lalaki na nagbebenta ng chichirya sa labas ng school, malapit sa waiting shed. Nagtaka ako sa katahimikan ng kalsada. Uwian na, pero ako lang ang nakaabang dito.
"Naku iha, walang dadaang sasakyan dito hanggang sa susunod na araw. Sira kasi ang daan sa unahan kaya nag-iba ng rota. Doon sa kabilang sakayan ka mag-antay."
"Ano?! Tsk. Salamat po."
Napapadyak na lumakad ako sa unahan at napalingon-lingon.
"Pambihira naman, oh! Argh! I hate you a thousand times, you monster!" naiiyak na sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...