MAHIGIT isang buwan rin kaming hindi nagkita ni Laura. Nagpunta kasi sila sa Lola niya na nasa province. Doon siya nagpalipas ng summer break.
Pakiramdam ko naman sa mga araw na nagdaan na wala siya ay... blangko. Parang napaka-boring ng buhay ko kapag wala akong naiinis, rather, hindi ko siya naiinis.
"Ikaw na muna ang magdilig ng mga halaman ko, anak," utos sa akin ni Mommy nang may nag-door bell. Wala sa sariling tumango naman ako.
Kumusta na kaya ang maarteng babaeng 'yon? Himala yatang nakatagal siya sa probinsya nila, e ayaw na ayaw niyang umitim!
"Nababaliw ka na, Luke. Itigil mo na ang kakaisip sa babaeng 'yon!"
Napailing nalang ako at huminga ng malalim. Mabuti pang ipagpatuloy ko na ang pagdidilig.
Pero ano kayang ginagawa niya ngayon? Naiisip niya rin kaya ako—este ang pang-iinis ko?
Lumipat ako sa kabilang halaman at diniligan ito. Kinuha ko pa ang mga patay na dahon para malusog ulit itong tingnan.
Baka may nakilala na naman siyang ibang lala— Pambihira naman Luke, tumigil ka na, pwede ba?
"LUCY!" sigaw ng Mommy ko nang pagbuksan kami ng gate ni Tita.
"Bellaaaaa!"
Agad na nagyakap ang dalawa. Tila ba ilang taong hindi nagkita.
Ang OA nila!
"Hello po, Tita!" bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Laura! Nagpagupit ka pala ng buhok. Bagay na bagay sa'yo, iha! Lalo kang gumanda!" papuri niya sa akin habang papasok kami sa loob ng bahay. Namumulang napangiti nalang ako.
"Kadarating niyo lang ba?" tanong ni Tita.
"Oo! Dumeritso na nga kami agad dito. Marami akong pasalubong sa'yo!" masiglang saad ni Mommy. Dali-dali namang pumunta sa kusina ang dalawa kaya naiwan ako sa sala. Napailing nalang ako at lumabas ng bahay. Hahayaan ko muna silang magkwentohan.
"Nasaan kaya ang tikbalang na 'yon?" kausap ko sa sarili ko.
Sa totoo lang, na-miss ko siya ng kunti. Ay mali! Ang pang-iinis niya pala ang na-miss ko, not him. Baka lumaki pa ulo 'nun kapag nalaman niya.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa may garden nila. Naisip ko na baka nandoon siya kaya agad akong pumunta. At tama nga ako, nandito nga siya, nagdidilig ng halaman.
"Ang lalim yata ng iniisip ng loko!" bulong ko sa sarili nang makita kong nakatunganga siya.
"Mabait na sana, kaso palpak! Imbes na mabuhay, mamamatay ang halaman dahil sa katangahan mong 'yan!"
Bigla siyang napalingon sa akin. Nagulat siya ng makita ako pero napangiti naman agad. Isinara niya ang hawak na hose at mas lumapit sa kinatatayuan ko.
"Kailan kayo dumating?" masigla niyang tanong.
"Kanina lang."
"Ahh..."
Unang beses itong nag-uusap kami ng ganito kahinahon. Kadalasan kasi, magsasagotan kami agad. Umupo ako sa damuhan, tumabi naman siya sa akin.
"Ang lalim ng iniisip mo kanina, ah? Siguro... na-miss mo ako 'no?" nakangisi kong tudyo sa kanya.
"Oo, e! Nawalan kasi ako ng pagti-tripan," he smirked.
"Ayan ka naman!" I pouted.
Wait. Nagpapa-cute ba ako?!
He laughed in response. "Siguro naman, may pasalubong ako diyan?" pataas-baba ang kilay na tanong niya.
"Paano mo nalaman?" I asked him while smiling widely.
"Syempre, mahal mo ako e!" he teased again and I just rolled my eyes.
"Neknek mo!" sabi ko habang nakangiti pa rin. Kinapa ko ang bulsa ng suot kong jeans at kinuha ang isang kwentas. Pinakita ko ito sa kanya.
"S-Seryoso? Meron talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatitig sa bagay na inilahad ko.
"Di ba, paborito mo 'to?"
Hinagis ko sa kanya ang kwentas at nasalo niya naman ito. May palawit na pangalan ni Luke ang kwentas na binigay ko. Nakita ko kasing may collection siyang mga necklace na may pendant na L at iba-iba ang design. Specially made pa nga daw iyong karamihan sabi ni Tita noong tinanong ko siya.
"Thank you, sweetie pie! Love mo talaga ako 'no?" Nagawa niya pang mang-inis pero nginitian ko lang siya.
"Pasalamat ka't hindi T&B, stands for Tikbalang at Bakulaw ang pinagawa ko!"
"Okay lang kung ganun. Endearment mo 'yon sa akin e," wika niya. Pabirong binatukan ko siya. Hindi niya talagang magawang hindi ako tudyoin. He just laughed of what I did.
"E, kay epal? May pasalubong ka rin ba?" tanong niya at biglang napasimangot.
"Ha? Sino?" nagugulohan kong tanong.
"Si Jester mo!"
"Jester ko? Wala e. Hindi ko siya naisip," napakamot sa ulong sagot ko. Sa totoo lang, ngayon ko lang din siya naalala. Bakit ko nga ba siya nakalimutan?
"Talaga? Mabuti naman." Ngumisi siya. Para bang ang saya-saya niya dahil sa nalaman.
"Hmn... How about your Lyka lalabs? Kayo na?"
Napakunot ang noo niya. Nag-iwas naman ako ng tingin. Nang tingnan ko siya ulit, he's already grinning.
"Paano mo nabalitaan ang tsismis na 'yan? Stalker kita 'no?!"
"Duh?! Ang ganda ko naman para maging stalker. At sino ba naman ang hindi makakaalam ng sabi-sabi na 'yon, e halos araw-araw kang nasa department namin kasama ang babaeng 'yon!"
"Naku, si Sweetie Pie nagseselos!"
"Heh! Ang kapal mo! You're not my sweetie pie!"
"Then who do you want? Yung Jester na 'yon?" magkasalubong ang kilay na saad niya. Ako naman ngayon ang napangisi.
"Uyyy! Nagje-jelly siya! I remember that day sa mall, halatang inis na inis ka sa kanya!" tudyo ko kay Luke habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya.
"Tss! Tumigil ka nga!" iwas niya sa pangingiliti ko.
"Ayokooo!" I laughed as I continued tickling him.
"Ayaw mo pala, ah?" He opened the hose at itinapat iyon sa akin. Napasinghap ako dahil sa lamig ng tubig na bumasa sa akin.
He laughed so hard. He was very happy of what he did. Agad ko namang kinuha ang isa pang hose at binuksan 'yon.
"Maligo ka rin! Nangangamoy ka na!"
Naghabulan at nagbasaan kami sa may garden. Our laughters echoed like a beautiful melody. Hindi ko lubos maisip na magkaka-moment kami ni Luke ng tulad nito.
Suddenly, sabay kaming napatigil at napatitig sa isa't isa. Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya pero bumalik rin sa pagtikom. Ngunit, unti-unti siyang lumapit hanggang isang hakbang nalang ang layo niya sa akin.
"Laura..." he softly called my name.
Napalagok naman ako habang titig na titig kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Ang alam ko lang ay sobrang tahimik ng paligid at parang siya lang yata ang nakikita ko ngayon. And it feels like everything went into slow motion.
Unti-unting naglapit ang mukha namin. Aware akong maghahalikan na kami nang biglang...
"LUKE!/LAURA!"
Para kaming apoy na napaso sa isa't isa at agad naglayo nang marinig namin ang sabay na pagsigaw ni Mommy at Tita. Mabilis rin akong tumalikod at hindi na siya nilingon dahil sa hiya.
Bakit? Bakit gan'on ang nangyari?! Nakakahiyaaaaaa!
BINABASA MO ANG
Just One Kiss (Completed)
RomanceLucy and Bella are bestfriends. Since they're still young, nagplano na silang ipapakasal ang mga anak nila kapag nagkataong babae at lalaki. Luckily, fate agreed to thier plan. Lucy born a baby boy while Bella have a girl. But as years goes by, they...