Introduction

395 4 0
                                    

Kung hindi mo pa napapansin, ngayon mapapansin mo na.


Kelan tama ang pagtawa? Kelan nakakasakit na?

Kelan ka dapat magseryoso upang seryosohin ka?

Kelan ka dapat magseryoso upang malaman nyang seryoso ka?

Hindi lahat ng pagtawa ay tama. Hindi lahat ng dahilan ng pagtawa mo ay dapat.

Ang mahusay na pagpapatawa ay iyong walang sinasaktang iba.

Ang mahusay na pagpapatawa ay iyong katotohanan ang puntirya.

Ayos lang na may masaktan, kung totoo naman. 

Iyon ay paraan upang siya'y magising sa katotohanan.

Ngunit ano ang nais mo, kung sa pagpapatawang ito ay may nasasaktan?

Hindi dapat pagtawanan dahil wala namang katotohanan.

Hindi dapat sabihin dahil baka paniwalaan.

Hindi lahat ng biro mo ay katotohanan.

Dahil sabi nga, Ang mahusay na pagpapatawa ay iyong katotohanan ang puntirya.

Mahusay ka ngang magpatawa, pero katotohanan ba?


Maaari bang mag-isip ka muna bago ka magsalita?


Nakikiusap,

-KJ


#10.05.2015/6:02PM/ged


Ang Libro ng KJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon