Chapter 19: Can I call this a Confession?

485 5 0
                                    

Kristelle’s POV

6:10 na nang dumating ako sa “Puso Mo” Restaurant. Grabe talaga ang corny ng pangalan. HAHA.

Umupo muna ako sa bench sa labas. Nakita ko na kasi siya sa loob eh. HAHA. Wawa naman, mag-isa lang.

Okay lang yan, CL kaya mo yan! Patience nga diba?

6:30 PM. T^T Huhu. Ang sama mo talaga Kristelle. Pinaghintay mo yung tao. Nandito ka naman. TSK. Mukhang naiinip na siya. Hayyy.

7:00 PM ko siya balak puntahan eh. Hehe. Ang mean ko ba? Sorry naman. Hehe. Pero nagtext siya, kaya di ko na natiis. Nandito na ko sa tapat ng pinto.

Practicing. Wahaha. Ano bang sasabihin ko?

CL, you passed the test! Good Job :)

Ay naku, makapasok na nga lang, bahala na. Pero bago ako pumasok. May nauna na sa’kin na babae. Tuloy tuloy lang siya. Eh? Bakit wala siyang kasama?

Anyway, papunta na ko sa table ni CL.

Then, I saw him.

With another girl. </3

Lumabas muna ako. Bumalik ako dun sa bench kanina.

Si Kriss pala yun. Tanaw ko kasi sila mula dito.

Wow, nagtatawanan pa sila. HAHA. First Love nga naman.

Hanggang 8:00 PM ako naghintay dito sa labas. At alam niyo ba kung anong ginagawa nila?

Ayun, katatapos lang kumain. Badtrip. Nagugutom na’ko.

Mukhang nakalimutan na yata ako ni Christian. Ako pa man din ang girlfriend niya ngayon.

Yup. You read it right. Sa tuwing may “A Woman to be Happy” project kami, palaging ako yung girlfriend niya.

Malamang, sino pa ba?

Hehe. Maglalakad na lang ako pauwi. Trip ko lang. Kasi pag MEDYO nababadtrip ako, dinadaan ko nalang sa lakad. Weird ko ba? E sa nakakatulong sa’kin eii.

*Lakad*Lakad*Lakad

After 30 minutes, naglalakad pa rin ako. Ang layo pala ng lalakarin ko. Tanga ko kasi eh. >< Di nagiisip. TSK. No choice, wala namang masasakyan dito. Aaaarrgghh.

*BEEP!*BEEP!

Tumabi naman ako. Hindi ko na nilingon yung kotse na yun. Tsk. Baka kasi nakaharang na ko sa dadaanan niya.

*BEEEEEP! *BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

Nilingon ko na yung kotse. Ano bang problema nito, ang luwag luwag ng daan eh! >:(

Umandar naman yung kotse, nauna na ito ng konti sa’kin pero huminto pa rin.

Eto na ba yung sinasabi nilang nangunguha ng bata tapos ibebenta yung laman loob?!! O_O!

Ay, Sure ka Kristelle? Bata ka pa niyan??

Tsk. Biglang bumukas yung pinto sa unahan ng sasakyan. Sinilip ko yung driver...............

Si CL. Anong ginagawa niyan dito. Diba may date pa sila ni Kriss??

“Pasok na” – sabi niya ng hindi tumitingin sa’kin.

Pumasok naman ako. At pinaandar na niya yung sasakyan.

“Dapat sinabi mo na lang na hindi ka pupunta. Yun ba ang pagtetest mo ng patience? KT, sobra naman yata. Mag-isa lang ako doon, mukhang tanga, naghihintay. Mainipin akong tao e. Tapos nung nagtext ka, kala ko nandyan kana. Pero KT, di ka naman sumipot eh. Lokohan ba ‘to?” – CL

At hininto niya yung car sa gilid.

Ang seryoso niya. Naalala ko nanaman yung sa restaurant kanina. Mukhang tanga daw, e ako nga yun. Mukhang tanga akong naghihintay sa kanya sa labas. -______________________-

Ngayong pagkakataon na ‘to.

Hahayaan ko muna ang sarili kong i-express yung nararamdaman ko.

Hindi yung nagpapanggap lang akong walang nangyari. Kristelle, AJA!

“You failed the test.” – yan lang yung nasabi ko, at lumabas a ko ng car niya.

Bwiset. Nainis ako eh. Siya na nga tong may ka-date na iba eh. Tss.

I’m acting like a JEALOUS GIRLFRIEND. Aaaaargghh.

Bakit ba ganito ako?? Crush ko lang naman yung tao ehh. =______= Normal naman to, diba? Dibaaaa?????

“Failed? E naghintay na nga ako ng ilang oras KT, failed pa rin?” – CL

“So how’s your date with your first love?” – I asked without looking at him.

“Nandun ka?”

“Sasabihin ko ba kung hindi ko nakita..” – ako

Hindi po ako nagtataray diyan ah. Infact, nahihiya nga ako ee. TSK.

-///-

“Wala ka naman kaya--”

“So may pamalit ka sa girlfriend mo, ganun?”

“N-no. Wait, bakit ka ba ganyan? Diba dapat wala lang sa’yo yung nangyari? Tinutulungan mo lang naman ako diba?”

“Oo nga naman. Hehe ^^. I’m sorry. ^_______^” – balik nanaman ako sa cheerful mode ko.

“Weird.” – siya  -_______________-

“Pasalamat ka, crush kita! Tara na!” – ako, at tumalikod na sakanya.

“What did you say?”

“E-eh?”

Tae. Bakit ko sinabi yun? >//< Kainis.

“May sinabi ka eh. I heard it”

“NARINIG MO NAMAN PALA EH. Ba’t mo pa pinapaulit?”

“Gusto ko masiguradong tama yung narinig ko”

“H-ha? Sabi ko.... May-may lumilipad na baboy!” – ako sabay takbo

HAHA. xD

“Hey! Seryoso ako. Please, repeat it” – nakangiti niyang sabi, naabutan niya ko

“Langya ka. Sabi ko pasalamat ka crush kita” – nakatungo kong sabi sa kanya

“Woah. Crush mo ko? Si Lesbian may crush?” – amused niyang sabi.

Lesbian daw. Tinitigan ko siya ng masama. =_______=++++

“HAHA. Joke lang ‘to naman. Pero seryoso talaga??”

Iba nanaman ang mood nitong si CL. Kanina galit, seryoso. Ngayon.. parang bata, at ang saya saya.

“Oo nga” – nakatingin lang ako sa rubbershoes ko.

“Pero! *tumingin na ko sa kanya nun* Pero, crush ko rin naman sila TJ tsaka Joon. Tatlo ko kayong crush. Hehe ^^v” – ako.

Nahahawa ako kay Cutie eh. Nagpe-peace sign na rin ako ngayon. HAHA.

“You know what?”

“Hindi. Malay ko ba sa sasabihin mo.”

“Tss. Pasaway.”

“Ano ba yun?”

“I like you”

“Ah yun lang pal—HUH?!”

*gulp

Huy Kristelle, I like you daw. 

“I said I like you”

Speechless naman ako dun. -///////-

“So can you be my....”

Your WHAT?!

I have no choice but to agree. I like him too naman eh.

________________________________________________________________________

Author's Note:

Ano kaya yung sinabi ni Christian?

Bakit naman pumayag 'tong si Kristell? HAHA. Abangan ^^

It's You &lt;3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon