TJ’s POV
Ang gloomy ng barkada ngayon.
Napagdesisyunan ni Ate Roxanne na tanggalin nalang yung tumor sa ulo ni Christian kesa naman lumala pa ito.
Maya maya nagising na siya at kinausap siya ng doctor tungkol dito.
Magkatabi kami ni Kriss ngayon. In shock pa rin siya kasi kanina pa siya tahimik.
Pero alam kong sobrang naapektuhan dito ay si Kristelle. Nasan na yun?
Ah, ayun.. palabas ng hospital.
“Pupuntahan ko lang si Kristelle ah” – paalam ko kay Kriss
Tumango lang siya.
Lalapit na sana ako sa kanya kaso...may kausap pala siya. Maya-maya na lang. Upo muna ako dito.
At naririnig ko ang usapan nila...
“Kumusta na si Christian?” – Yuan
“H-ha? May brain tumor siya e. Malala na daw. Kailangan siyang maoperahan. Pagtapos nun it’s either...magigising siya agad o macocomatose siya..” – malungkot na wika ni Kristelle.
“Magiging okay din ang lahat”
“Kundi dahil dun sa bugbugang nangyari.. Di sana to mangyayari” – naiiyak na sabi ni Kristelle
Bugbugan? Anong bugbugan?
“Dati pa kasi yun eh. Bago ka pa dumating sa school.. May mga gang members na habol ng habol sa’kin at gusto nila akong maging leader nila..at inutos din daw sa kanila yun nung gang leader nila nung time na yun. E ayun, napaaway si CL kasi sumusobra na sila. Nasugod siya sa ospital nun kasi nabagok yung ulo niya dun sa semento..”
Ah yun pala.. Dahil dun, umabot ng ganito ang kalagayan ni Christian? Tsk.Tsk. Buhay nga naman oh.
“Bakit kasi...TSK! Nakakainis” – umiiyak na talaga siya
“Pag nakita ko ulit yung mga yun..Lalong lalo na yung gang leader nila masusuntok ko talaga yun” – dagdag pa niya
Kahit kelan brutal tong si Kristelle. Walang pinagbago..
“Suntukin mo na ko” – biglang sabi ni Yuan.
Ano daw? Bakit siya nagpapasuntok. Sira ba yan?! Pupuntahan ko na sana sila nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya.
“Ako yung gang leader nung mga gang members na nambugbog kay Christian. Ako yung leader nung 3 lalaki na binugbog mo nung first day. Ako rin yung gang leader na may gusto sa’yo nun. Ako yung gang leader na gusto kang pumalit sa pwesto ko. Ako lahat yun. I’m sorry. Kasi dahil sa’kin...naging ganito si Christian”
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Ficção AdolescenteIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.