Kriss’ POV
Nakakahaggard! Nakakastress! Tiis ganda! =______=
E kasi naman.
Yung preparation for Fashion Event. Sunod sunod! Practice ng practice. E syempre, ako ang mistulang manager nila kaya dapat nandun ako para alalayan siya.
Pero kahit na sooobrang nakakapagod, nag-eenjoy ako. Lalo na’t kasama ko tong dalawang to.
Si Christian at Kristelle.
Alam kong nahihirapan sila pero kinakaya pa rin nila kaya dapat kayanin ko rin kasi ako ang nagdala sa kanila dito.
Kasalukuyan akong papunta sa auditorium.
Rehearsal na kasi. Bukas na yung fashion event. And yes. Bukas na ang alis ko papuntang states. :(
Bibili muna sana ako ng tubig kaso.. Tubig na mismo ang lumapit sa’kin.
Hawak ni TJ. :)
“Oh, salamat. Hehe”
Napapansin ko lang, bumabalik na yung dating kami ni TJ. Close na ulit kami! Bestfriends na ulit kami just like 2 years ago.
“Kanina pa kasi kita nakikitang pabalikbalik e. E parang pagod na pagod ka na”
“Bwisit kasi yung isang prof dun! Sinusulit yata yung araw na natitira ko rito sa pilipinas” – matawa-tawa kong sabi habang naglalakad, kasabay siya
“Aalis ka na pala no..”
“Oo e. :)”
“Skype palagi ahhh?”
“Sure! HAHA. Promise!”
“Sabi mo yan ah. Oh, ayan na yung auditorium. Geh na, wag masyadong magpakastress! HAHA. Hintayin mo ko mamaya, may pupuntahan tayo”
Nginitian ko siya and I waved goodbye.
Pumasok na ko sa Auditorium at naabutan ko sina Christian at Kristelle na rumarampa na sa stage. Nakita ko rin si Joon, Cutie at Lex na nakaupo sa likod, nakikinood. Nung nakita nila ako, nagthumbs up silang 3 sa’kin. Supportive sila. HAHA. Si TJ kasi, kakausapin pa daw ng dean nila kaya hindi makakanood.
Napatakbo ako bigla sa backstage kasi formal wear na pala ang susunod, di ko pa naprepare. >< Ayt.
Nung nandun na sila, inayusan ko na agad sila. Yes, ako ang nag-aayos sa kanila.
Isang malaking pagsubok to para sa isang fashion designer, ito yung binigay na twist ng naghold ng event e.
The fashion designer is in-charge of everything.
“Okay ka lang Kriss??”
“Ah? Oo. :) Kayo ba?”
“Okay pa naman kami. Haha. Pagod pero..alam namin na mas pagod ka, pahinga ka muna..” – Christian
“HA? Sino mag-aayos sa inyo?”
Tumayo si Christian at pinaupo ako.
“Masyado ka ng napapagod. Okay na to. Magpapalit nalang kami ng formal wear. Nasan ba? Ako nalang kukuha. :)”
Tinuro ko naman kung nasan, at ayun, nakuha naman ni Christian.
“Ito oh” – binigay ni Kristelle sa’kin ang isang candy na may message sa wrapper nito.
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Teen FictionIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.