Chapter 21: New Friend

510 7 0
                                    

Christian’s POV

I hugged her.

“I love you too, Bee. Thank you” – ako

I’m happy. Oo masaya ako, dahil girlfriend ko na yung babaeng mahal ko noon pa.

Pero bakit parang mali. Iba kasi yung pakiramdam eh. What’s wrong.

“7:47 PM, June 17. Naging tayo. :’’)” – siya

“Haha. Oo nga...----- WAIT. Anong date ngayon??”

“17, June 17, why? :)”

SHETE. SHETE. SHETE. Ngayon yung date namin ni KT!!!!

Kaya pala siya tumawag kanina!

TSK. BAKIT KO BA NAKALIMUTAN?!! Aaarrgh. Stupid Christian.

Kristelle’s POV

6:00 na. Nandito pa rin ako sa meeting place namin ni CL.

Dito sa amusement park. Wala lang, trip ko lang. Hehe.

Naghintay pala ako sa wala.

Pero.. Pero okay lang yun, atleast kasama niya si Kriss. Kesa naman ibang babae.

Pero sa totoo lang, wala akong makitang negative side ni Kriss.

Kaya wala siyang haters kahit na ang ganda ganda niya.

Diba yung mga magagandang katulad niya, madalas may haters?

Siya wala e. Ang swerte ni CL sa kanya. I smiled.

“Bakit ang pangit ng ngiti mo?”

Napalingon naman ako. E-eh? Si kuya unknown to ah? Bakit nakashades na siya? Kanina naman wala yan ah.

“Grabe ba yung sikat ng araw? o.o Grabe. Silaw na silaw ako. Sa totoo lang”

“Grabe naman ‘to. May tinatago lang ako..”

“At ano naman yun?”

“Yung gwapo kong mukha. HAHA. Baka kasi malusaw na sa kakatitig nila. Kawawa naman yung lalabs ko kung mawawala ‘to”

“Adik ka e noh.. Sino naman yang lalabs mo?”

“Siya kasi yung rason kung bakit ako nandito sa pilpinas eh. HAHA. Anyway, bakit ba napunta sa’kin yung usapan? Ang pangit ng ngiti mo ah. Halatang fake.. Hindi ka ba sinipot ng girlfriend mo??”

=___________=++++

Wag kang ganyan kuya unknown. Di pa kita kilala kaya wag na wag mo kong sasabihan ng ganyan.

“Chill lang men. Ito naman, di mabiro. Kung pumorma ka kasi, parang tambay lang sa kanto. Tingnan mo yang pants mo. Uso na kaya skinny jeans ngayon. Makibagay ka naman.”

“E wala naman kasi sa dictionary ko yung FASHION eh. Tsk. Pero okay lang yun, ako ‘to eh. HAHA”

“Fake. =___= Ano ba yan. Wala na bang igaganda yang tawa mo? Ano kayang silbi ng smile at tawa kung hindi naman totoo. Tss. Niloloko mo lang sarili mo. Bakit ka ganyan?”

Tinitigan ko lang siya. Feeling close nanaman eh. Ang haba haba ng mga sinasabi niya.

“Hey. I’m just being friendly here. Pasensya na, magaan loob ko sayo eh. Hehe.”

I smiled again.

“May date kasi yung kadate ko ngayon.”

“HA?! Nangtwotwo timer siya?!”

“Sira, hindi naman po kami.”

“Eh?”

“Basta, friendly date lang. E nakalimutan niya. Saktong may lakad pala sila ng nililigawan niya. Hanggang ngayon, di pa rin yata niya naaalala. Hehe”

It's You <3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon