Kristelle’s POV
“Then are you willing to wait for her, even for a long time?”
That moment.. nagpakita na ko.
“Lo, ano pong sinasabi mo?”
“Princess..”
“Anong maghihintay? Mawawala ba ko? Hindi naman ah!”
“I’m planning to take you with me...pabalik sa states”
Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa.
Sumunod naman sila sa’kin.
“Lolo, hindi magandang biro yan..” – sabi ko sa kanya ng nakatungo.
“Hindi ako nagbibiro. Gusto ko na Perez pa rin ang magpapatakbo ng kumpanya kahit wala na ko. We can’t deny the fact na mawawala na ko sooner...I need you to take over my place.. That’s Architecture and Interior design company. You’ll fit in there. Besides, ako magguguide sa’yo, ako magtuturo sa’yo.. Pag naging stable na yung kumpanya, pwede ka nang bumalik dito.”
Umiling ako.
“Gaano po ba yun katagal?” – tanong ni CL.
SERIOUSLY?
“More or less....6 years?”
“Absolutely NO, Lolo. Ayoko.Ayokong umalis dito. Gusto ko dito”
“Reconsider please..Princess. 1 month from now ang balik ko papuntang states. Aalis na muna ako, para mapag-usapan niyo ang dapat mapag-usapan” – Lolo
At umalis na nga siya.
“Are you sure na ayaw mo?” – tanong niya sa’kin
Hindi ako sumagot.
“O ayaw mo lang kasi maiiwan mo ko dito?”
Tumingin ako sa kanya.
“KT, alam kong matagal na matagal mo nang gustong magtrabaho sa isang kumpanya.. Ito na yun..Kung sakali, kaya ko naman sigurong maghintay ng pagba–”
“6 years?! CL 6 years yun. Ano ka ba. Wag nalang”
“Pero part of you gusto mong pumunta, hindi ba?”
He really knows me. -_-“
Hayy.
“Listen...when I say I can wait.. I can wait. Okay?”
BINABASA MO ANG
It's You <3 (COMPLETED)
Teen FictionIt's you who completes my day It's you who makes me happy It's you who I think about It's you who makes my heartbeat fast It is you, the girl I will really love for the rest of my life.